NASANAY AKONG ako lang ang babae sa family namin magmula nang mamatay si mama. Tapos noong mawala si mama ay nangako sa akin mismo si papa na 'di na siya mag-aasawa kaya hindi ko matanggap na may ipapakilala siya sa akin ngayon. At ang masakit ay parang matagal na silang may relasyon ng babaeng iyon tapos ngayon lang nila sinabi sa akin. Pinaglihiman nila ako. Akala ko pa naman kapag pamilya ay hindi nagtatago mga lihim sa isa't isa. Pakiramdam ko ay trinaydor ako ng family ko dahil sa ginawa nila sa akin. Mama, sorry... Sorry kung 'di ko man lang napigilan si papa na magmahal ng iba... "Tahan na..." Inabutan ako ni Knight ng tubig na nakalagay sa mineral water. Bukas na iyon kaya ininom ko na lang. Inalalayan pa niya akong uminom. "S-Salamat..." humihikbi ko pang sagot sa kanya.

