Chapter 3

4338 Words
Chapter 3 Iris Isang beses akong nilingon ni Sir Adam bago ito tahimik na umalis. Nakasambakol naman ang mukha ni Julia nang kuhain nito ang kanyang Laptop sa mesa niya at nagdadabog na lumabas ng opisina. Sa kabila no’n ay nanatiling tahimik ang paligid na para bang pinagbawalang huminga. Dahan-dahan akong umupo dala pa rin ang labis na labis na t***k ng puso ko. What did you do, Achilles? This was too much para sa lalaking binasted ko na! Napakapambihira. “Oh, oh, oh. Mabelle, mag-iingat ka sa paghakbang mo.” Dinig kong sabi ni Lean sa likod ko. “Bakit?” “Baka maapakan mo ang buhok ni Iris!” Napapikit ako at hilot ng noo. “Ay, oo nga pala. Tara, pagtulungan nating buhatin!” Nang sumunod ang tawanan at biruan ay saka pa lang ako napailing. Kinatok pa ni Lean ang mesa ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “What?” Itinuro nito ang mesa. “Ihanda mo na d’yan ang phone mo para mabasa mo agad ang text ni Sir!” Inirapan ko siya at ginalaw ang mouse. “Ewan ko sa ‘yo.” Bulong ko. Nagpatuloy ang tawanan at tuksuhan bago nagsimula sa trabaho. Nawala naman ang init sa mukha ko pero sa tuwing titingnan ako ni Mabelle na kahilera ko ang working table ay binibigyan niya ako ng mapaglarong mga kilay at sabay ngisi. This was totally insane! Sinubukan kong mag-focus sa trabaho. I made new designs and searched for some new furniture too. Nagawa ko namang i-divert doon ang atensyon ko hanggang sa makabalik sina Sir Adam at Julia sa opisina. Ang buong team namin ay nakatingin sa kanila at umaasang makabalita kung pumasa ba ang kanilang presentation. I heard, it was a big project. Matagal na tinrabaho iyon nina Sir. Nilingon ko si Julia. Aba, malaki ang ngisi sa labi. Malamang napakasa sa taas. “Okay, guys, listen,” Pumalakpak pa si Sir Adam para makuha ang atensyon ng lahat. Na hindi na naman kailangan. Kita na sa mukha ni Julia. “We will be having a mini celebration later. Isang proyekto ulit ang nakapasa,” he declared. Nagpalakpakan at sumipol ang ilan. Naramdaman kong binuggo ni Mabelle ang upuan ko kaya nilingon ko siya. She leaned forward. “Mas magse-celebrate ako kung hindi pumasa iyong design ni Julia!” bulong niya. “Magaling naman siya, a.” Sumimangot siya. “Duh! Magbabakarda sila, kaya!” Napailing na lang ako. Tiningnan ko ulit si Sir Adam. Kausap nito si Julia. Hindi naman siguro magtrabaho si Sir. Magaling din siyang Architect at malamang alam din niya ang kakayahan ng kaibigan niya kaya napagkakatiwalaan. Hindi lang siguro dahil magkakaibigan sila. “Ano, Iris? Sama ka?” aya sa akin ni Lean. Naisip kong huwag na lang. Pagkatapos no’ng nangyari kanina ay parang hindi ko pa kayang makasama sa ganoong celebration sina Julia. Saka, project naman nila iyon. Though, magkaopisina kaming lahat, kaya lang ay hindi naman kami ganoon magkalapit. Siguro dahil na rin sa bago ako. “Come with us, Iris.” Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Sir Adam. Iniwan niya sa kanyang mesa si Julia na ngayon ay nakahalukipkip habang nakatingin sa amin. Tiningnan ko ang mukha niya. Nakataas ang isang kilay at nakangisi. Pangkaraniwan na niya yatang expression iyon kaya hindi ako nabahala. “Uh, pass muna ako, Sir.” Magalang kong tanggi. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Kailangan bang magtanong muna kay Achilles bago ka sumama sa amin?” biro nito. Hilaw akong tumawa. “Hindi naman po. Hindi naman kailangang magpaalam muna sa kanya,” Bakit ko naman kailangang magpaalam doon? Masyado naman nilang sineryoso ang ginawa ni Achilles kanina rito. “Gano’n naman pala, e. Then come celebrate with us. Normal na lang naman ang ganitong munting party namin at pamin-minsan lang. Ano?” Siniko ako ni Lean at nginusan ako. May pamimilit na aya sa kanyang mukha. ** Sobra akong nakaramdam ng insecurity nang makita ang suot nina Julia. Pagdating kasi sa club ay iba na ang suot nila ng mga kaibigan niya. Nakaitim na tube top na lang ito at low waist black skinny jeans. Mas lalo pa siyang tumangkad sa suot na high heels. Ang makeup niya ay mas nag-dark din. Bloody and glossy red lips. Naka-ponytail naman na sobrang higpit ng buhok niya. Iyong dalawang kasama ay ganoon din at suot pero iba ang kulay. Maingay sa loob at maraming tao. Nagkukumpulan sa dance floor. Nagsisigawan kapag nag-uusap at nag-iinuman din. Katabi ko sa pa-U shape na couch sina Lean at Mabelle. Si Sir Adam ay hindi ko na makita. May nakita siyang kakilala kanina tapos ay tinawag siya. Hindi pa nakakabalik hanggang ngayon. Ang suot naming tatlo ay iyong suot din namin kanina sa opisina. Nakapamot ako sa ulo. Buti nakapag-powder pa ako sa mukha. Binunggo-bunggo si Mabelle ang balikat ko. Nilingon ko siya at may tinuro sa akin. “Look,” turo niya sa dereksyon ng dance floor. Kumunot ang noo ko. Bumabaha ng inumin ang mesa namin pero ni isa ay wala pa akong naiinom. Dapat talaga ay hindi na ako nagpumilit. “Ano ‘yun?” “Ayun, oh. Grabe pala makasayaw si Julia, ‘no? Mukhang sanay na sanay sa ganitong lugar,” I sighed. Nakita ko nga si Julia. Nasa paligid niya ang dalawang kaibigang babae pero may isang lalaki siyang sinasayaw sa harap. Hindi ko kilala pero matangkad at gwapo. Sexy din ang ngiti niya. Pinatong pa niya ang mga kamay sa balikat ng lalaki at tumingala roon. Iyong mga kamay naman ng kasayaw ay bumaba sa nakalabas niyang baywang. They both danced sexily. Kumekembot ang balakang ni Julia. Sumasabay naman sa beat ng tugtog ang lalaki. She was very confident. Well, walang masama kasi sobrang sexy naman talaga niya. Namilog lang ang mga mata ko nang maghalikan na iyong dalawa sa gitna ng mga tao! Sabay na napangiwi sina Lean at Mabelle. Tinanggal ko na lang ang tingin doon at tumuon sa ibang dereksyon. “Pustahan, sa hotel ang uwi niyan? Ano?” Umiling ako. “’Wag kayong gan’yan.” Saway ko. Humagikgik si Lean. “Kung si Iris ang may suot nang gan’yang damit, naku, malamang na nagkandarapa na si Sir Achilles dito,” Ako naman ang napangiwi. Magkadikit ang mga tuhod ko. Pinatong ko roon ang siko at nangalumbaba. “Asa kang magsusuot ako ng gan’yan. Hindi ko kaya.” “Dapat sa ‘yo i-makeover para mas lalo kayong bumagay ni Sir,” Tiningnan ako ni Mabelle at pinasadahan ang kabuuan ko. “Tama, tama. Tapos kulayan natin ‘yang buhok mo para mas lalo kang magmukhang mestiza.” Bumuntong hininga ako. “Magsitigil na nga kayong dalawa. Walang patutunguhan niyang mga plano niyo.” “Iris!” Sabay-sabay naming nilingon si Sir Adam. Namumula na ang mukha nito pagkabalik. “Sayaw?” Napaawang ang labi ko at mabilis na umayaw. “C’mon! I haven’t seen you dancing!” “E, hindi po kasi ako marunong sumayaw, Sir.” Binaba niya ang hawak na baso sa mesa at lumapit sa akin. Kinuha ang palapulsuhan ko at pilit pinatayo. “’Wag na po, Sir, Hindi ko talaga kaya,” “Sige na, Iris, Go!” tukso pa nina Lean at Mabelle na naiwan sa couch. “Ha? Pero-“ “Madali lang naman, e. Just let go of your stress!” baritone siyang tumawa. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa hawiin niya ang ilang tao para makapasok kami sa gitna ng dance floor. I saw Julia and her friends eyed me. Halos sabay-sabay nila akong inirapan at bumaba ang tingin sa pulsuhan kong hila-hila ni Sir Adam. Napakalikot ng ilaw. Nang huminto kami ay hinarap ako ni Sir at nginisihan. He started dancing while I stood still. Napalunok ako. Okay, magaling din palang sumayaw sa ganito si Sir. Matangkad kaya agaw-tingin mula sa mga babaeng katabi namin. Napaigtad ako nang bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko. He saw my reaction and smirked again. He leaned on me, “Relax. Just dance, Iris.” He whispered. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Naamoy ko na nga ang hininga niyang may halong sigarilyo. Nabunggo ako ng nasa likod ko kaya bumangga ang katawan ko kay Sir Adam. “Sorry po!” He laughed. “I like you.” Sabay baba ng tingin sa mukha ko. Para akong naduling kaya nilayo ko agad ang mukha ko. But he was still holding my waist. Natitigan ko sa malapitan ang mukha ni Sir Adam. Ang haba ang lashes niya at mapupula ang manipis ng labi. Binasa niya iyon at mas lalong kumintab. “Is Achilles courting you, Iris?” bulong na naman niya sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad. Nalilito ako kung bakit nga kami napunta rito. He just asked me to dance. Para siyang nagbibiro na hindi ko mawari. “Sir?” He smirked again. Bumagal ang pagsayaw niya. “Seryoso ba si Achilles sa ‘yo?” Napalunok ako. “Mag-magkaibigan lang po kami. Este, ‘yung pinsan niya po ay kaibigan ko. Kaya parang magkaibigan na rin kami. Ganoon lang po.” Tumango-tango at ngumuso. Nang humapit ulit ang kamay niya sa baywang ko ay napahawak na ako roon at inalis. He looked down at me. Kumunot ang noo. “B-babalik na po kina Lean, Sir.” Nagmamadali kong paalam sa kanya. “What? Wait, Iris. Did I do something wrong?” gulat niyang tanong at tumigil na rin sa pagsayaw. Umalis kami sa kumpulan ng mga tao. Dinala niya ako sa medyo tahimik at hindi mataong pwesto. Hindi ko na natatanaw ang mesa namin. Umiling ako. “Hindi naman po, Sir.” Hinawakan niya ako sa siko. Pinatitingala ako sa kanya. Ginawa ko. Sinalubong naman ako ng maamo niyang mukha. Hindi kaya dahil lasing na siya kaya ganito ang ginagawa niya? “Then why? Exclusive ka ba talaga kay Achilles?” Napasinghap ako at hinila ang siko. “Wala pong ganoon, Sir Adam-“ “Adam.” Napapikit siya at hilot sa bridge ng ilong niya. I sighed. He opened his eyes. It has the same affection. Mas lalo pang umamo ang mukha niya. “Kaibigan ko si Achilles. Boss din. But it doesn’t mean I can’t compete with him. Look, Iris, I like you too. I want to get to know you more. To properly court you. Ayun kung, papayagan mo ‘ko?” “Po?!” gulat kong reaksyon. He smiled. Lumunok at namulsa. “I really like you.” Ulit niya pa. Napaawang ang labi ko. Hindi ko siya napigilan nang tumaas ang kamay niya at sinikop ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Para akong namalikmata. Gusto niya raw ako? “What? Bakit parang gulat na gulat ka? Maganda ka, Iris. Gusto ko rin ang kasipagan mo sa trabaho. Hindi mahirap na magustuhan ka,” Napalunok ako. Sinarado ko ang labi ko sa takot na may pumasok doon. Nagbaba ako ng tingin. Hindi na ako mapakali. Napakabilis ng sipa ng puso ko. “Pe-pero Sir . . . seryoso kayo?” pagkumpirma ko. He bit his lower lip and nodded. “Can I text you?” Binasa ko ang labi. Paano ba ito? Hindi ko malaman kung hahayaan ko o hihindi. I mean, trabaho talaga ang focus ko ngayon. Pero si Sir Adam . . . mabait sa akin ito, e. Wala akong makitang kahindi-hindi sa katauhan niya. Kahit na kakakilala pa lang namin. Though, alam kong hindi sapat iyon. Matino pa rin ang unang impresyon ko sa kanya. “What’s your number?” nilabas niya ang cellphone. Binuksan at tiningnan ako. “Uh, 0917 . . .” Nagpipindot siya sa cellphone niya at ni-register nga ang numero ko. Hirap akong tumanggi na ibigay. Hindi naman ako lasing. Pero kasi . . . ginagalang ko siya at mabait din sa akin. Hinatid niya ako ulit sa mesa pagkatapos ay nagpaalam siyang pupuntahan ang kaibigan. Siguro iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. May pananakot ang mga tinging binato sa akin ng dalawa kong kaibigan. Pinagsawalang-bahala ko at inabot ang isang inumin sa mesa para makawala ang tension. “Tutuhugin mo ‘yung magkaibigan, ‘no?” maingay na tanong ni Mabelle. Inabot ni Lean ang bangs niya at hinila. “Aray-aray!” “’Yang dila mo, Mabelle, pasmado.” Napangiwi ako matapos makasimsim ng inumin. Hindi ko alam kung ano iyon pero binitawan ko na agad. Hindi masarap. Hinihingal ako kahit hindi naman nakasayaw. Siguro dahil pressure kay Sir Adam. “Ang lapit-lapit niyo kanina. Sama nga ng titig sa ‘yo ni Julia, e.” inayos ni Mabelle ang bangs niyang nagulo. “Talaga? Hindi ko napansin.” Sabi ko. Ang gusto ko ngayon ay mapakalma ang dibdib at makapag-isip nang mabuti. “Naku! Kapag nagkataon, matatanggal sa trabaho si Sir. F.O na.” ani Lean. “Tama. Tapos pababagsakin ng mga Castillano ang kabuhayan ni Sir Adam. Tapos, gagapang sila sa lusak dahil sa pang-aagaw niya rito kay Iris. Tapos, magsosolian ng gamit. Tapos, lahat ng pinagsamahan nila mula noon hanggang ngayon mabubura na parang bula!” “Oy! Bakit may sulian ng gamit?” “E, kasi nga F.O na sila. Maraming gan’yan. Mga dating magkaibigan pero nang dahil sa isang babae, ayun, nagkalabuan.” “Ay, oo. True ‘yan. Meron pa nga dati mga nag-aabangan sa kanto tapos maghahamon ng suntukan. Nakakahaba ng hair doon sa babae,” “May code-code kasi ‘yan. Kapag unang nagkagusto ‘yong isa, awtomatik, hindi na pwede umeksena ang isa pa. Syempre, may mas nauna na, e.” Tiningnan ako ni Mabelle. “Nauna na si Sir Achilles, Iris. Kaya si Sir Adam ligwak na.” Napayuko ako. “Umuwi na tayo.” Aya ko sa dalawa. Tutal, mukhang may sariling mundo naman ang ilang kasamahan namin. Mas mabuti pang umuwi na lang. “Tutulungan ka naming magpa-makeover, Iris!” biglang excited na sabi ni Lean. Hinawakan pa niya ang mukha ko at chineck ang buhok ko. “Kapag naayusan ka pa, mas lalong pipila ang mga manliligaw mo,” Sumimangot ako. “Wala akong manliligaw.” “Weh?” sabay nilang tanong. Bumuntong hininga na lang ako. Bumagsak ang mga balikat ko. Okay, walang naniniwala sa akin. Ako rin naman. ** Napaigtad ako nang makaidlip. Pagkadilat ko ay tila nagliwanag ang paligid ko. Dinala ako sa salon nina Lean at Mabelle para paayusan. Sila pa nga ang nagsabi sa stylist kung anong gagawin sa akin. Libre raw nila kaya nagkibit na lang ako ng balikat. Kinulayan nila ang buhok ko. Coffee Brown. Pagkatapos ay pina-trim na rin pati ang kilay ko. Sunud-sunuran lang ako sa gusto nilang ipagawa kaya naman nakakatulugan ko kung minsan. Sumali silang dalawa sa manicure at pedicure. Magkakatabi kaming tatlo at panay ang tawanan. Lalo kapag napapag-usapan sina Achilles at Sir Adam. Para bang excited silang makatapak ako sa opisina taglay ang bago kong itsura. They put minimal colors on my face. Ang kilay ko ay natural naman ang pagkakalagay ng kulay. Medyo bushy. Tapos ay pang contour na powder ang nilatag sa mga talukap ko. Nilagyan din ako ng liquid eyeliner. Pina-curl ang mga pilik-mata ko. They added soft blush and lose powder. And then, pang huli ang matte red lipstick. Pinasuot din nila sa akin ang pinamiling bestida. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa dalawang ito. Itim na hapit na hapit sa katawan ko iyong damit. Simpleng spaghetti strap at medyo kita ang cleavage ko. Tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin ng salon. Napaawang ang labi ko. Ako ba ito? “Shucks.” Mangha at bulong ni Mabelle. Tumagilid ako at sinipat ang sarili. Nagustuhan ko iyong kulay ng buhok at makeup sa akin. Hindi naman pang sagala ang ayos pero parang ang laki rin ng binago ng itsura ko. “Picture, picture!” aya ni Lean na nakaanggulo na rin ang cellphone niya sa amin. “Hindi ako papasok sa opisina na ganito ang itsura ko.” Pinabaunan pa nila ako ng ilang makeup products. Gamitin ko raw pagpasok. “Itong damit masyadong revealing at baka punain ako roon,” “Bakit naman si Julia?” kontra ni Mabelle sa akin. “Iba siya. Iba ako. May confident siya at ako wala no’n.” “Sos! Ang liit ng problema mo, girl.” Ani Mabelle. Nilapitan ako at bahagyang tinaas ang mga dibdib ko. Bahagya akong nagulat. “Ikaw meron, siya fake!” “Talaga fake ‘yon?” usisa ni Lean. Tumango-tango si Mabelle sa kanya at minolde ang sariling dibdib. Wala sa akin kung fake iyon o hindi, talagang hindi ako sanay sa ganitong damit. Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko pang may katawanan si Mommy sa sala. Paglingon nila sa akin ay parehong nalusaw ang mga ngiti nila. Si Mommy ay napatayo at pinasadahan ako ng tingin. “Anak, ikaw ba ‘yan? Ha?” madrama niyang tanong. Napailing ako at tiningnan ang bisita namin sa sala. Si Achilles. His face was now too hard. Tinitigan niya ako. Sinuri. Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya ang ayos ko o hindi. Kasi ang impassive ng mukha niya. “May bisita po pala,” sabi ko. “Ay, oo! Ayaw kasing ipasabi nitong ni Achilles na nandito siya. Hihintayin ka na lang daw niya tutal ay mga katrabaho mo rin ang kasama mo.” Bigla akong nahiya sa itsura. Tinaas-taas akong strap sa kaba. Hinila ako ni Mommy sa sala. Malapit sa inuupuan ni Achilles. “Maupo ka na r’yan. Ikukuha kita ng maiinom. Ikaw, hijo? Gusto mo pa ba ng juice?” Napatingin ako kay Mommy dahil sa magiliw niyang kausap sa kanya. Parang mas close na sila, ah. Tumayo si Achilles. Nakasuot ito ng itim na pantalon at branded na T-shirt. Sulit na sulit iyong garter sa manggas dahil sa laki ng braso niya. Though, hindi naman panget tingnan. “I’m okay, Ma’am. Thanks.” Magalang niyang sagot. He smiled at my mother. Nakangiti si Mommy at tumango-tango. Kinuha niya sa akin ang hawak kong paper bag at sling bag. Pinatong sa lamesita sa gitna ng sala. “O, ikaw na ang bahala sa kanya, Iris. Asikasuhin mo si Achilles.” “Thanks, Ma’am.” I rolled up my eyes. Pagkaalis niya ay saka ako humalukipkip. Ang tagal naming hindi nag-usap na dalawa. Iyong sinabi niyang ite-text niya ako? Ha, scam iyon. Hindi na niya ako tinext. Pakiramdam ko nga parang si Sir Adam ang pumalit sa kanya sa parteng iyon. Yes, Sir Adam and I were now constant textmate. Kapag walang trabaho ay tumatawag din. Para magtanong kung kumain na ba ako o kung nasaan ako. Hindi na niya ulit sinabi na gusto niya ako. Para nga lang kaming magkaibigan na medyo sweet. “Napasyal ka?” malamig pa sa bagyong tanong ko sa kanya. Inabot niya ang kamay ko. Iniwas ko iyon. Inirapan ko siya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. Mas lumabas ng bandang chest ko kaya agad akong na-conscious. “I’m sorry. I was busy these past few days. Hinihintay mo ba ang tawag ko, mm?” Inabot niya ulit ang kamay ko. This time, hindi na ako nakaiwas. Hinila niya ako para makaupo sa tabi niya. Pero umusod ako palayo. Dumikit ulit siya. Umusod ako ulit at nasa tabi na ako ng armrest. Umusod siya ulit kaya napalingon na ako sa kanya. Wala na akong uusuran pa. “Hindi kita hinintay. Busy rin ako.” He scanned my hair, face and dress. “Busy para magpaganda?” “So?” He grinned. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil. “Maganda ka na. Ngayon sobra-sobra pa.” he looked down at my fingers. Hinaplos niya iyong mga kulay brown na nail polish. “You don’t need this.” He murmured. Nagwawala na ang puso ko sa rib cage ko. Sa malapit ay mas napansin kong kahit pala mukhang matigas ang anyo niya ay may parte pa ring maamo sa kanya. Siguro ay ang matangos niyang ilong at mga mata ang maamong tingnan. Hindi ko siya natitigan nang matagal dahil nilingon niya ako agad. Umiwas ako. Inabot ko na lang iyong remote ng TV at nilagay sa Youtube. Nakalagay doon ang mga previous na video na pini-play ni Mommy. Puro music lang. Una kong nakita iyong kanta ng bandang Freestyle na “Before I Let You Go”. I needed distraction so I played it. Nag-angat ng tingin doon si Achilles. Lyric video iyon. He was still squeezing may hand. Napalunok ako. Bumalik si Mommy. Dinalhan nga ako ng juice. “Nagugutom ka ba, Iris? Ipaghahain na rin kita,” Umiling ako. “Hindi po, Mi.” Isang sulyap ang ginawa niya sa kamay ko at kay Achilles. May kakaibang tingin na binigay sa akin bago pumihit pabalik sa kusina. “I hope you were doing okay while I was away from you.” Tiningnan ko siya. “Nasa iisang building lang tayo, Achilles.” “I was busy.” Nagkibit ako ng balikat at pinanood ang TV. “Bakit ka nagpakulay ng buhok?” inabot niya ang dulo ng buhok ko. Nakita kong nilagay niya iyon sa palad niya at tila iniimpeksyon ang bawat hibla. Inulit ko ang pagkabit-balikat. “Wala lang? May ginagaya ka bang artista?” “Wala ‘no. Naisipan ko lang ‘to.” Turo ko pati sa porma. He chuckled. “I don’t think I will allow that dress inside my building,” Niyuko ko ulit ang suot. “Ayoko rin naman. Saka hindi ako kumportable. Napilit lang ako nina Mabelle at Lean,” “Your officemates?” Tumango ako. “Napagdiskatahan nila akong ayusan.” Natawa rin ako sa huli. “Para kanino?” “Wala. Siguro dahil wala akong taste sa pananamit.” “So what? Mas okay nga ang mga sinusuot mo dati. Kahit noong nasa college ka pa.” Napakamot ako ng leeg. “Syempre, nagbabago ang taste ng tao. Lalo na kapag nagma-mature. Saka, para na rin ito sa trabaho ko. Kailangang presentable rin ako.” “Mature? You think you’re mature enough to notice me, Iris?” Padarag kong hinila ang kamay mula sa kandungan niya. Binitawan na rin niya ang buhok ko. Pero nilagay naman niya ang braso sa sandalan ng inuupuan ko. Making him too near from me. “It will mean so much to me.” Humalukipkip ako at binagsak ang likod sa sandalan. There, even if I knew I felt his arm, I didn’t revolt. “Alam mo na ang sagot ko r’yan, Achilles. Makulit ka lang talaga ngayon.” Bahagya niyang nilapit ang mukha sa gilid ng mukha ko. Tinuon ko lang ang paningin sa TV. Sumunod ang kanta ng Side A na “So Many Questions”. “I don’t think you were serious when you turned me down the last time I confessed to you.” He almost whispered. Pakiramdam ko ay kinilabutan ako. Para masawata ang nararamdaman ay sumabay ako sa pagkanta. Lalo na sa bandang chorus na alam na alam ko. “So many questions. But the answers are so few. All I really know is, I love you.” I pouted at the last sentence. Uminit din ang mukha ko. Dinig na dinig pa niya ang pagkanta ko! s**t! Nilingon niya ang TV at binasa rin ang lyrics. Ang kaso wala na iyong part na kinanta ko. Binalik niya ulit sa akin ang tingin at umusod pa ulit. Matalim ko siyang nilingon. “Ang sikip-sikip na. Usod ka pa ng usod,” Tumaas ang gilid ng labi niya. And his fresh breath was fanning my cheek. “I have only one question. If you’re answer is ‘I love you’, then I’m going to marry you.” Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. Binalewala ang inis ko kanina. “I have no question for you, Mr Castillano. But one command. Stay away from me. Basted ka.” He looked down at my lips. Nagtagal doon ang mga mata niya. Wala sa sariling napalunok ako. He licked his own lips like as if he was thirsty or hungry. Or drooling. Damn, Iris! Drooling?! “If that’s the case, then I will ask for a second chance.” Tinulak ko ang dibdib niya palayo sa akin. “There’s no second chance. My decision is final.” Umayos ako ng upo pero nakasandal pa rin ang likod sa braso niya. Nilapit na naman niya ang sarili sa akin. This time, he caressed my cheek. He slowly caressed his finger while staring at my face. “Pero hindi ko kayang malayo sa ‘yo. Gawan mo ng paraan para patuloy akong mabuhay,” I scoffed. “The words of a playboy. Tsk, tsk.” “Then make me yours.” Umirap ako sa screen. “Ibang-iba ka talaga kay Ridge. ‘Yon, stick to one. Ikaw, stick to many.” Hinarap niya ang mukha ko sa kanya. “Then test me. Sagutin mo ako ngayon at subukan. Wala kang makakalaban sa akin.” “Hindi tini-test ang relasyon, Achilles. Ako, kapag gusto ko, susunggaban ko. Pero kung hindi ako sigurado, hahayaan kong walang commitment dahil ayokong may masaktan sa huli.” Nagsalubong ang mga kilay. Parang nagalit. “Hindi ka pa nakikipagrelasyon sa iba, ‘di ba?” “Hindi nga. Kaya sinasabi ko sa ‘yo ang view ko pagdating sa gan’yan. Ano ‘yon, susubok kang pumasok sa relasyon tapos hindi ka pala sigurado na kayo ang end game? ‘Wag na lang makipagrelasyon kung hindi naman sigurado. Dahil isa sa atin ang masasaktan kapag hindi nag-work out.” My parents were my example. “Pa’no kapag okay naman? Nag-workout at ayaw nang makipaghiwalay sa isa’t-isa?” “Then it’s good. They are perfect for each other.” “Then I tell you, no matter how much you hate me, you’re still perfect for me, Iris. I dreamt of you night and day. Probably, forever.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD