Zaire "Susmeyo Santa Maria naman, Zaire, anak! Alam mong mapapatay ka ng ama mo, kapag nalaman niya ito!" rinig kong sabi ni Tita Stella mula sa kabilang linya. Nalaman ni tita ang aking plano at sobra sobra ang disappointment nito sa akin. Si Tita Stella ang kapatid ng aking ina sa ama. "I know, tita. Sino ho ba ang nagsabi sa inyo?" ang naalala ko ay wala naman akong ibang pinagsabihan na ibang tao. Napapikit ako ng mariin nang sinagot ni tita ang aking tanong. "Si Clarence, 'nak." that ass! "Eh sino ba ang napang asawa mo, Zaire Dionysus, ha?" tanong nito sa akin at saka naramdaman ang aking katabi na si Clarentine na kumakain ng dirty ice cream na binili namin sa labas. Late na kami sa aming dinner ngayon, dahil saktong nasa lobby kami ay tumawag ang aking tiyahin na si Tita Stell

