Kabanata 4

1578 Words
Hello! It's been a long time since I update this story and I'm sorry to keep you waiting, so to make it up to you....Here's my update.....Enjoy!!!! Nemesis Guevara Si Klinn ay isang maliit na nilalang hindi naman sya maituturing na dwende pero maliit talaga sya, actually maliit ang normal nyang anyo pero kapag tinuturuan nya ako nagiging human size na ang kanyang laki, obviously lalaki si Klinn mga kasing edad ko lang rin kung titingnan but he's already a hundred years old! "Kilala mo ba si Klinn manong?" tanong ko kay manong. bigla na lang kasing sumusulpot iyong si Klinn. Never naman nyang sinabi ang dahilan nya kung bakit nya ako tinuturuan..basta ang sabi lang nya ay magagamit ko raw lahat ng matututunan ko mula sa kanya sa tamang panahon.. Tumayo na si manong o si Master Nazi Greenyard ayon sa mga maliliit na nilalang sa harap ko... " Mahal na Prinsesa ang Klinn na iyong nakilala ay isang napaka importanteng tao sa mundo ng mga bampira..Sya Si Master Klinn Jeyq Argstorn sya ang namamahala sa sikat na paaralan sa mundo ng mga bampira.. Ang Steveson Academy At sya ang inatasan ng isang babaylan para maging iyong guro sa pakikipaglaban...Hindi man sya Prinsepe ngunit mayroon syang sariling kaharian at sapat na ang kanyang kakayahan at kaalaman para ituring syang isa sa mga respetadong bampira sa ating mundo.." Paliwanag nang Ginoo. "Ah..Kung ganoon nasaan sya ngayon?" Sana ay makita kong muli si Klinn itinuring ko na rin kasing kapatid ang isang yun.. "Are you looking for me Young Lady?" Wala pang isang minuto ay nakita ko na ang aking kinilalang kuya..Hindi sya maliit sa mga oras na ito, bagkus ay mukha syang kagalang galang...Nakasuot ito ng kulay itim na balabal..sa isiping naroroon sya sa harap ko ay naisipan kong gamitin ang ilang kakayahang itinuro nya sa akin... Agad akong sumugod sa kanya...Nang makita nyang nais kong makipaglaban sa kanya ay humanda na sya sa aking magiging pag atake.. puro suntok lamang ang aking naging pag atake at sya ay patuloy lamang sa pagsalag ng aking mga atake..suntok sa leeg, sa tagiliran, sa sikmura at sa iba't ibang parte ng kanyang katawan..Ang iba kong atake ay hindi nya nasasalag o sinasadya nya ito...Pero hindi naman iyon ang rason ko sa pag atake...Nais ko lamang makita kung ano ang magiging epekto ng mga suntok ko sa maseselang parte ng katawan nya...Tumigil ako sa pag atake... Bumilang ako sa isip ko hanggang tatlo.. 3! nang dumating sa tatlo ay sumuka ng dugo si Klinn...Nang tumingin ito sa akin ay nakita ko ang kasiyahan sa mga mata nya...sabi na eh! wala pa ring pagbabago! hmp! ulol parin! nasaktan na masaya parin! gago! "Magaling Nemesis Pinahanga mo ako!" sabi nya habang pinapahid ang dugo mula sa bibig nya..Inabot ko naman ang panyo ko sa kanya.. "Baliw ka pa rin! Nasaktan ka na nga at lahat nagagawa mo pang ngumiti." bigla namang nawala ang ngiti nya sa mga labi.. "Mukha may alam ka na kung bakit ka nandirito.. Princess Nemesis..." ew! hind bagay! "Nais ko lang sabihin sa iyo na habang nandirito ka sa Greenyard marami na ang nakaamoy ng iyong dugo..Hinahanap ka na nila...Ngunit hindi maaaring mapahamak ang aming prinsesa..Kaya naman nais kong pumasok ka sa aking paaralang pinamumunuan habang abala ang Hari At Reyna sa paghahanap sa ating Prinsesa...Doon mapoprotektahan ka namin at matuturuan ka rin kung paano mo gagamitin ang iyong mga kapangyarihan.." Mukhang maganda yun ah. Tumingin ako kay Ginoong Nazi, tango lamang ang kanyang sagot.. "maaari ka namang tumungo dito kahit anong oras mahal na prinsesa sa iyo na ngayon ang greenyard na ito..Ako ay tanging mangangalaga na lamang nito habang wala ka." mungkahi ni Ginoong Nazi.. "Magaling! Sa ngayon nais kong maghanda ka na dahil bukas na bukas ay magtutungo na tayo sa mundo ko saan ka nararapat....Sya nga pala...Nais ko itong isuot mo.." May inilabas si Klinn na isang kwentas, Kwentas na naman! mayroon pa akong isang kuwentas eh..May koronang palawit yung isa kung kuwentas...Habang itong isang kuwentas sa harap ko ay mayroon namang puting dyamante sa gitna kasing linaw ng hangin ang pagkaputi nito... "iyan ang magtatago ng amoy at halimuyak nang iyong dugo sa mga gahaman sa kapangyarihan na mga bampira...Huwag na huwag mo iyang aalisin, may basbas na iyan ng pinakamagaling na babaylan sa ating mundo..." kinuha ko ito at isinuot,so dalawa na ang suot kong kuwentas, ng mapatingin ako sa crystal ay mayroon na roong parang hanging kulay rosa na tila umiikot at nakakulong sa loob.. "Iyan ang halimoyak ng iyong dugo...May kakayahan ang crystal na iyan upang ikulong ang iyong halimuyak tanging isang nilalang lamang ang makakaamoy sa aroma ng iyong dugo at iyon ay ang itinakda sayo." Itinakda? My Mate? "Salamat..Maraming Salamat.." Sabi ko kay Klinn, ngumiti lamang ito at nagpaalam na matapos nyang sabihin sakin na susunduin nya na lang ako bukas sa aking apartment para magtungo na kami sa paaralan ng mga bampira.. Nang makaalis na si Klinn ay tsaka naman ako nagpaalam kay Ginoong Nazi nais ko na rin kasing umuwi upang makapaghanda na rin naman ako sa paglipat ko ng tiraha...Nasabi rin kasi sa akin ni Klinn na mayroong dormitoryo ang mga bampirang mag aaral sa kanyang paaralan...Matagal ko na kasing gustong pumasok sa paaralang may mga dormitoryo...kaya ang masasabi ko lang ay excited na ako para bukas! Pero kailangan ko ring magpaalam kina Auntie at Uncle...Dali dali naman akong nagtungo sa kanilang tahanan Ng kumatok ako sa kanilang pinto ay agad din naman itong bumukas at bumungad sa akin si Auntie "Oh Nemesis napadalaw ka? Gusto mo bang pumasok muna? may problema ka ba?" sunod sunod nyang tanong "ah hindi na po Auntie..Naririto lang po ako para magpaalam sa inyo ni Uncle, lilipat na po kasi ako ng paaralan..Scholarship po ako doon at mayroon na pong dormitoryo ang school..Diba nasabi ko naman na sa inyo Auntie na gusto sa school na may mga Dorm para di na ako nakakaabala sa ibang tao.." pagkuwento ko..Malungkot ang bukas ng mukha ni Auntie..Pero maya maya ay nakabawi ito at tinawag si Uncle.. "Hon! halika maysasabihin si Nemesis." tawag ni Auntie kay Uncle "oh! mabuti at andirito yang si Nemesis, hindi na kasi madalas dumalaw ang batang iyan sa atin. Nakatampo na ah! " lumitaw naman ang asawa ni Auntie sa gilid ng asawa "Magandang Hapon Uncle..Pasensya na po at hindi ako madalas makadalaw sa inyo...Masyado lang po akong abala sa pagaaral.." paumanhin ko "oh ay ano ba ang sasabihin mo sa akin.." tanong ni Uncle "Ah Hon..lilipat na daw ng school si Nemesis.." Si Auntie na ang nagsabi kay Uncle...Si Uncle kasi ang sobrang maalaga sa akin...baka hindi sya pumayag. "huh?" Yan lang ang nasabi ni Uncle "Lilipat na po ako ng school Uncle, nakuha po akong scholarship doon at may dorm ang mga estudyante doon.." ako na ang nagsabi kay Uncle. akala ko ay hindi sya papayag..Ngunit nagulat na lang ako ng yakapin ako nito... "mag iingat ka doon ha? wala kami ng Auntie mo roon..Basta tawagan mo lang kami pag may problema ka? alagaan mo ang sarili mo ron ha." maya maya ay naramdaman ko na rin si Auntie na nakayakap sa akin "lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin Nemesis, para ka narin naming anak ng Uncle mo" sabi ni Auntie habang umiiyak... Napaiyak na rin ako...At ng matapos ang aming kadramahan ay naghiwalay kaming tatlo sa pagkakayakap.. "Saan ba ang paaralan na papasukan mo?" tanong ni Uncle. "Steveson Academy po Uncle." unti unting nanlaki ang mata nina Uncle at nagkatinginan pa ang mga ito...Tapos ay nag buntong hininga na lamang pagkatapos "kung ganon ay mag ingat ka..Yung kuwentas mo ingatan mo yun at wag mong ipakita kahit na kanino...Tsaka yung balat mo itago mo ring mabuti, yung dalawang iyon ang magdadala sa iyo sa kapahamakan.." Si Auntie Maya maya ay lumapit muli sa akin si Auntie at hinalikan ako sa noo... nalilito man ay nginitian ko na lamang ito...Si Uncle naman ay hinihipan ang kanyang dalawang palad na parang nagbuga sya ng hangin mula sa bibig nya pagkatapos ay ipinatong nya ang dalawa nyang palad sa ulo ko habang nakapikit at may mga salita syang binibigkas...Naguguluhan man ay nagpasalamat ako sa dalawa. "Mapapanatag na ang aming kalooban sa iyong pagalis, basta lagi mong tatandaan na andyan lang kami palagi sa tabi mo." Si Auntie "Sige na magpahinga ka na...Maaga ang alis mo patungo sa bago mong eskuwelahan.." Si Uncle naman ang nagsalita..Kaya naman tumalikod na ako at lumakad na patungo sa apartment ko.. Andito na si Klinn sa apartment ko Asusual nakasuot na naman sya ng kanyang balabal...sabi nya ay dadaan kami sa isang portal para makarating sa paaralan... maya maya ay itinaas nya ang kanyang kanang kamay at itinapat nya ang palad nya sa salamin ko sa apartment...not a moment later nakita ko sa salamin ang isang malaking gate at sa arko noon ay may naka sulat sa gintong letra na.... STEVESON ACADEMY. "Welcome to the Vampire world, in the City of Huxley at Steveson Academy...It's a pleasure to have you here as our new transfer student...Enjoy your stay Your Highness.." --------- CuriousPillow
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD