Nemesis Guevarra
Hawak hawak ko ang libro habang papauwi ako, nakakapag taka lang kasi kakaiba ang librong ito. Napaka gara ng libro, yung parang nanggaling na sa ilang henerasyon bago pa mapasa akin. At tsaka ang pamagat nya ay nakasulat sa Hindi ko maintindihang lenggwahe.
Malaki at malapad din sya Hindi katulad ng ibang libro na katamtaman lang ang laki.
Ewan! Iba rin pakiramdam ko sa librong ito. Yung feeling na parang sakin talaga ito. Mga ganon ba! Pero baka guni-guni ko lang yun, ngayon lang naman ako naka- encountered ng gantong uri ng libro, tsaka Hindi ko alam na may ganto palang libro sa library sa school.
Nakaka-curious tuloy!
Babasahin ko talaga ito pag uwi ko.
----------------
Andito nako sa kwarto ko.
Actually mag isa na lang ako sa buhay sabi kasi Nina auntie at uncle namatay daw ang parents ko sa pagkapanganak palang sakin.
For an Unknown reason raw eh!
Hindi naman sakin pinaliwanag ng maayos Nina auntie at dahil hindi ako palatanong at tahimik lang ako Hindi ko na rin inungkat. Sensitive na topic kasi yun para sakin, kahit Hindi halata.
Merong namang naiwan sa akin ang aking mga magulang ito ay ang bilog Kong kwentas na may hugis korona sa loob. Kulay pilak ito.
ito na nga kaharap ko na yung libro.
"Vampireoulogy. The history of the fallen one." Vampireoulogy is it connected with vampires? are they really real? At tsaka bakit nababasa ko na, samantala kanina halos Hindi ko maintindihan yung title Pero ngayun halos mabasa ko na kahit maliliit na detalye.
Weird!
Unang buklat ko pa lang ng pahina ng libro. Parang nakapasok ako sa kakaibang mundo. The weird thing in this book is...
All of the pictures are moving!
Nagulat na lang ako nang biglang may lumabas na ermitanyo sa ibabaw ng nakabukas na libro, may mahaba at kulay puting buhok ito at pati narin ang balbas nito ay puti narin, may dala itong mahabang kulay itim na tungkod na may kulay pula at kumikinang na bato sa dulo ng tungkod! Ang mas ikinagulat ko ay nang magsalita ito!
" binibini napaka tagal kitang hinintay. Sa wakas nahanap ka na rin ng mga batang yun! Nais kong malaman mo ang istorya ng iyong pinagmulan Mahal na Binibini." Sabi Nito at bahagyang yumukod na wari mo ay nagbibigay galang. Ang tanging nagawa ko lang ay ang matulala..
Nagsimula na syang mag salita meron daw syang nais na ikwento sa akin
Gamit ang mga litratong nasa libro.
The first picture na umilaw dahil itinuro nya ay ang tatlong clan....
" They are the three Ruler Clan in the Vampire World." Vampire World? So totoo nga sila?
Itinuro nya ang pangalang Acrux na nakatatak sa isang black crest or badge at umilaw ito.
"Ang nasa huling angkan ay ang Pamilya Acrux. The 'Acrux Clan' are the most harmless Clan in the Vampire World they are good at mind games, manipulation, and other abilities that are connected to mental skills, in other words they are the mind of the three Clan. They Plan, the Second Clan, they Prepare and the first And the Superiors among all of thee Clan are called the Killers. The Acrux can also be called as the 'Silent Killers'. Their Heir is Jun Alkin Acrux" Patuloy na pagkukuwento Ni manong.
Grabe! Harmless pa yun ha! yung Acrux clan harmless pa daw! Hindi ba nila alam na pwedeng ikamatay ang pagkontrol sa utak ng sinong mang nilalang! tapos harmless pa daw! eh Ano pa kaya yung nangunguna sa Clan. My God! Baka lahat ng makakasalubong non patay agad! Nakakatakot naman!
" Binibini Hindi naman ganon kasama si Lord Laszlo." Sa aking gulat ay biglang akong kinausap ni manong.
"Huh? Lord Laszlo? Who the hell is that Lord?" Takang tanong ko
" Binibini sya ang taong nasa iyong isipan." Dugtong nya
" what do you mean?" Dugtong ko rin habang naguguluhan. Teka! Anong bang iniisip ko kanina.
Hmmmm!
Ah! Alam ko na! Sya yung nangunguna sa clan!
" Tama ka Binibini." Bigla na naman nag salita si Tanda.
" teka! Manong nababasa mo ba yung mga nasa isip ko?" Pag aakusa ko dito. Siguro Kong may makakakita sakin iisipin siguro nila na baliw na ako. Well I'm not! I'm just a curious human being!
Tanging ngiti lamang ang naisagot Ni manong sakin at pinagpatuloy na ang kanyang kuwento.
".....ang pangalawa sa pinaka malalakas na angkan ay ang Pamilyang Hemberg. They are called the offense of the the Clan Or should I say ang Pamilya Hemberg ang sumasangga sa mga kumakalaban sa kanila. Their Heir is Tailin Rein Hemberg." Si manong ulit.
Wow! Sosyal ng mga pangalan nila hah!
"....ang pinaka nirerespetong angkan sa Vampire World ay ang Angkan ng Pamilyang Houston ang angkan na Hindi mo dapat banggain kung isa ka lamang normal na Bampira. "
Omg! Ito ata yung sinasabi Ni tanda kanina!
"...kung ang dalawang angkan ay sa utak at sa opensa ang posisyon ang angkan ng Pamilyang Houston ay Hindi matatawaran halos lahat ay alam niya."
" huh? Sinong nya? " takang tanong ko Kay tanda.
" ......Sya ang nag iisang tagapagmana ng angkan ng Houston, sa edad na 17 ay pinamunuan na ni Lord Laszlo ang buong Huxley City ito ang kalahati ng Mundo ng mga bampira, hinati ito sa dalawa at si Lord Laszlo ang itinalaga ng Hari at Reyna na mangalaga rito habang hinahanap nila ang 'nawawalang Prinsesa ng mga Bampira'."
"....Ang Huxley City ay hinati ni Lord Laszlo sa dalawa at itinalaga niyang pamunuan ito ng natitirang dalawang angkan ang Fletcher ang lugar na pinamumunuan ng angkan ng pamilyang Acrux ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Huxley City at ang Ferguas ay pinamumunuan naman ng pamilyang Hemberg ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Huxley City."
"..... Ang tatlong tagapagmana ng bawat angkan ay kasalukuyang desenuwebe anyos na at nagaaral sa academya na pagmamayari ng Hari at Reyna, ang Steveson Academy."
".....ang angkan ni Haring Theo at Reyna Dashia ang numuno sa buong Mundo ng mga bampira noon Pero Simula ng pangmalakihang digmaan na naganap isang siglo na ang nakararaan ay nahati ang Mundo ng mga bampira sa dalawa Ang Huxley at Clemen City. nagkaroon ng alitan sa magkapatid na Steveson dahil sa kapangyarihan ng ama ng Hari ngayong Kasalukuyan, ang panganay na anak ni Haring Satyr na syang ama ng Kasalukuyang Hari at ang dating Hari ng Clemen City ay ang bunsong anak naman Ni Haring Satyr, nais Ni Haring Satyr na pamunuan Ni Haring Theo ang kasalukuyang Hari ng Huxley City ang Mundo ng mga bampira ngunit ang bunsong anak na si Prinsepe Castor ay sadyang ganid sa kapangyarihan at gusting sya ang sunod na maging Hari kaya laging niyang sinisiraan sa kanilang ama si Prinsepe Theo ngunit lagi paring kinakampihan Ni Haring Satyr ang unang Prinsepe kaya naman patagung bumuo ng sarili nyang kaharian si Prinsepe Castor na ngayon ay kilala bilang bayan ng Clemen City, mas lalong umigting ang alitan ng dalawang prinsepe ng dumating sa buhay nila ang Prinsesa Dashia, napaka amo at matulungin ng Prinsesa kaya naman nahulug ang loob ng dalawang Prinsepe dito at lalong nagalit si Prinsepe Castor Kay Prinsepe Theo ng malaman nito na ikakasal na at magkakaanak na ang dalawa, duon nagsimulang magplano Ni Prinsepe Castor na mag deklara ng pang malawakang digmaan sa Mundo ng mga bampira, pinili nyang isagawa ito sa oras ng panganganak ni Reyna Dashia, nang oras na ng digmaan ay sya ring oras ng panganganak Ni Reyna Dashia ng maisilang nya ang prinsesa ay oras din na lagyan nya ito ng basbas upang itago ang kapangyarihan nito na magiging dahilan ng pagbagsak ng Hari ng Clemen City.
.....Ipinadala Ni Reyna Dashia ang prinsesa sa Mundo ng mga tao sa tulong ng kanilang mayordoma sa palasyo na ordinaryong tao rin lamang ang tanging palatandaan ng Reyna sa Prinsesa ay Ang birthmark nitong hugis libro sa kanyang batok na syang magiging dahilan ng pagbukas ng libro ng kasaysayan ng mga bampira ngunit angka-akibat na pagkakakilanlan sa prinsesa ay ang pagtugis rin ng mga taga Clemen City dito, at ang prinsesa lamang rin ang tanging makakabukas, makababasa,at makakakita ng tunay na hitsura ng libro, ang mga normal na uri ng tao at bampira ay nakikita ang libro ngunit sa kanilang paningin ay normal na libro lamang ito." Mahabang salaysay Ni tanda.
".....ang prinsesa ay kilala sa Mundo ng mga tao sa pangalang Nemesis Guevarra."
OMFG!
---------------
Enjoy reading!