Three days na ang nakalipas mula nang masalinan ng dugo ang anak nila. Stable na ang kundisyon ng bata at nagising na rin ito sa wakas. Sooner ay ipagtatapat din niya sa anak ang totoo tungkol sa totoong ama nito but for now ay hahayaan muna niya na tuluyang gumaling ang anak. Kelvin was very hands on sa pag-aasikaso sa anak nila. Naguguluhan man ang bata na nakikita ang binata sa kwarto nito ay nalilibang naman ito kapag nag-umpisa na itong kwentuhan ng binata ng mga nakakatuwang bagay. Ni hindi hinahanap ng bata ang kinilalang ama nito dahil sa trauma na inabot nito sa kamay ng lalaki. Kapag nababanggit nga ang pangalan ng lalaki ay nanginginig na sa takot si Calvin at umiiyak. Mabuti na lang at napapatigil ito ni Kelvin bagay na ipinagtataka na rin niya minsan. Katulad ngayon, narinig

