CHAPTER 34

1254 Words

“I do,” matamis na tugon ni Janet nang tanungin siya ng abogado na nangkakasal sa kanila ni Hedeo. Isang simpleng kasal lamang iyon. Wala ng pasakalye na marami. Wala rin naman siyang kamag-anak na papupuntahin dahil tanging siya na lamang naman at ang kapatid niyang binata ang buhay sa pamilya nila. Buong puso niyang tinanggap si Hedeo sa buhay niya. Hindi importante para sa kaniya kung simpleng hapon at hindi mayaman ang binata. Sapat na, na pinatunayan nito sa kaniya ang pag-ibig nito. Hindi siya nagdalawang isip na magpakasal dahil mahal din niya ang binatang hapon na asawa na niya ngayon. Nakangiti si Hedeo sa kaniya matapos nitong pirmahan ang papel na nagsisilbing kasulatan ng karapatan nila sa isa't isa bilang mag-asawa. Napangiti siya nang bumulong ito sa kaniya ng mga salita ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD