CHAPTER 98

1556 Words

Nanigas si Lena sa pagkakatayo nang bumagsak sa tabi niya si James. Dilat ang mata nito at nagsimula nang umagos ang masaganang dugo mula sa dibdib ng lalaki. Ilang beses siyang napalunok. Kahit gaano kasama ang lalaki ay hindi niya kaya ang tingnan ang nakalulunos na hitsura nito sa malamig na sahig. Kung sana lang ay naging mabuti ito sa kaniya baka sakali... kahit mahirap ay pinag-aralan sana niya itong mahalin, pero sa halip ay puro kasamaan lang ang pinakita nito sa kaniya at sa anak niya. May awa siyang nadarama pero hindi sapat para mapawi ang galit na nasa loob niya sa ginawa nito sa anak niya na walang kalaban-laban. Nanlabo na lang bigla ang paningin niya at nakaramdam siya ng hilo. “Lena!” Narinig niya ang boses na iyon na kaagad niyang nilingon. Palapit ito sa kaniya na til

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD