CHAPTER 3

1398 Words
May isang oras nang nakasandal si Kelvin sa motor niya habang naghihintay sa tapat ng bahay nila Lena. Hawak niya ang cellphone at kanina pa hinihintay na sagutin nito ang tawag. Kunot na kunot na ang makapal niyang kilay sa inis. Hindi siya sanay na hindi sumasagot agad ang dalaga sa tawag niya. “Oh Kentoy! Ba’t nandito ka pa?” Agad siyang napatuwid sa pagkakasandal nang lumabas ang Ina ni Lena. “Hindi ba kayo nagsabay ni Lena? Kanina pa s’ya umalis,” dugtong pa nito na lalong nakadagdag sa inis niya. Talagang umalis si Lena nang hindi man lang nagsasabi sa kanya. Samantalang halos araw-araw ata ay magkasabay silang dalawa. “Akala ko ho Tita, nandito pa s’ya, kaya nga po naghihintay ako rito kanina pa,” sagot niya habang tumitipa ng message sa cellphone niya. “Gan’on ba? Aba ay saan naman kaya ang lakad ng babaeng iyon at napaka-aga naman atang umalis.” Hindi na niya nagawa pang sagutin iyon, maging siya ay iyon din kasi ang tinitipa sa screen ng kaniyang cellphone. Halos mabiyak na nga iyon sa gigil ng pagkakadiin niya. ~Hoy Magdalena Tuazon, nasaan ka? Kanina pa ako rito sa labas ng bahay n’yo tapos wala ka! Hindi ka nagpapa-alam!~ Matapos mag-send ang mensaheng iyon ay nag paalam na siya sa Ina ni Lena. Mabilis niyang pinaharurot ang minamanehong motorsiklo dahil sa sobrang inis niya sa dalaga. Ano na naman kayang problema ng isang iyon, mukhang may monthly period at tinu-toyo na naman. Pero alam niyang hindi dahil memoryado niya kung anong petsa ang dalaw nito. Oo, alam niya lahat, alam nga niya kung ilan lahat ang nunal nito sa katawan dahil nagkakasabay pa silang maligo noong mga bata pa sila. Kaya naman masyadong detalyado ang bawat imahe nito sa tuwing mapa-panaginipan niya. Bagay na sobrang nagpa-pahirap sa kanya ngayon. Umibis agad siya pagka-parada niya ng motor sa tapat ng Shop na pinagpa-part time-man ng dalaga. Sabado ngayon at wala silang pasok kaya alam niyang dito sa Shop ang deretso ng dalaga. Hindi nga siya nagka-mali, nandito nga ito at sobrang busy. Busy makipag-ngitian sa lalaking customer na mukhang asong ulol kung magpa-cute. “Magdalena!” tawag at pagkuha niya sa atensyon nito. Agad namang lumipad ang mga mata nito sa kanya. Maging ang kangitian nitong mukhang aso ay lumingon din kahit hindi naman ito ang tinawag. Saglit lang siyang tiningnan ng dalaga, pagkatapos ay ibinalik nito ang atensyon sa kausap. At dahil sa sobrang inis niya, hindi na niya napigilan ang sarili na lapitan ito para ilayo sa mukhang asong kausap nito. “Ano ba Pardz? Ano bang ginagawa mo?” sikmat nito sa kanya nang makalabas sila ng Shop. Ni hindi nga niya napansin na sa labas na pala niya nahila ang dalaga dahil sa sobrang bwesit niya. “Ikaw anong ginagawa mo?” Sikmat din niya rito. “Nagta-trabaho, hello?” anito na animo’y gulat na gulat sa ginawa niya. “Nagta-trabaho? Wow, ganyan na pala ang trabaho mo rito, mag-entertain ng lalak—” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya dahilan upang hindi na niya maituloy pa kung ano man ang dapat ay sasabihin niya. Huli na nang mapagtanto niya kung anong lumabas sa kanyang bibig. He saw her teary eyes before she turned her back on him. “Tangina!” Ano na naman bang pinag-sasabi niya. Alam naman niya na ayaw na ayaw nito na nahahalintulad ito sa pokpok dahil sa pangalan nito na MAGDALENA. Magdalena kalapati na mababa ang lipad, tapos ngayon sinabihan niya ito na parang ganoon din ang punto at gusto niyang palabasin. Wala sa sariling napatakbo siya nang makita itong palabas na ng shop kasabay ang lalaking kausap nito kanina. Halos sumikdo ang dugo niya sa galit nang makita ang lalaki na iginigiya ang dalaga pasakay sa kotse nito. Nakahawak pa talaga ito sa braso bagay na lalong nagpa-sulak ng dugo niya. “Lena!” tawag niya sa pangalan nito pero hindi man lang ito nag-abalang lingunin siya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang ikini-kilos ng dalaga. Sa tagal na nilang magkasama hindi naman iisang beses lang sila nag-away. Madalas pa nga, para silang aso’t pusa na nagbabangayan. Pero kahit ganon hindi pa nangyari ang ganito na hindi ito nagpaalam na ma-uuna na itong umalis. Na hindi ito sumasagot sa text messages at tawag niya. Kapag magka-away kasi sila, isang text lang niya sampu na agad na puro sermon at sentimyento ang reply nito. Mabilis na umandar ang sasakyan, ni hindi nga niya nagawang abutan ito. Sa sobrang inis niya ay halos matumba na ang motor niya nang tadyakan niya iyon. Gigil na Gigil siya sa sobrang inis. Gusto niyang paharurotin ang motor niya para sundan kung saan man balak dalhin ng mokong na iyon si Lena pero minabuti na lang niyang hindi. Ayaw niyang dagdagan ang kung ano mang tensyon meron sa pagitan nila ng dalaga. Kilala niya ang sarili niya pag ganitong galit siya. Walang maidudulot na mabuti kung magsasabay sila ng init ng ulo nito. Napapikit na lang siya nang mariin. Hindi matanggap ng sistema niya na may ibang lalaking sumundo at sinamahan si Lena. Sa tinagal-tagal ng pagsasama at pagkakaibigan nila ngayon lang yata iyon nangyari. Bigla na lang nanikip and dibdib niya sa naisip, naalala niya ang sinabi niya sa sarili na kailangan din niya ng personal space at privacy. Kaya nga may mga lakad din siya noon na hindi alam nito. Paano kung gawin din iyon nito? Paano kung makipagtagpo rin ito sa ibang lalaki ng hindi ipina-paalam sa kanya. What if… “Tangina!” Halos mapangiwi siya nang suntukin niya ang tangke ng motor dahil sa sobrang inis. Hindi niya gusto ang itinakbo ng isip niya. Kilala niya si Lena, alam niyang hindi ito gagawa ng bagay na ikapapahamak nito. Alam din niya na hinding-hindi ito magtatago ng sekreto sa kanya. Over confident na kung over confident pero alam niya sa sarili niya that Lena is a decent woman. ~Alam mo pala, bakit mo sinabihan ng ganong salita?~ Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil sa sinabi niya rito kani-kanina lang. Hindi niya dapat ginawa at sinabi iyon. Masyado lang siguro siyang nadala sa nakita niya. Gusto niyang bigyan ng justification ang inasal at sinabi niya pero wala siyang mahanap na dahilan. Hindi naman niya pwedeng sabihin na basta na lang siya nakaramdam ng galit dahil sa pakikipag-ngitian nito sa ibang lalaki. Bakit? ‘Yan ang unang-una nitong itatanong. Bakit nga ba? Gulong-gulo ang isip niya habang pauwi. Mas minabuti na niya na sa bahay na lang hintayin ang dalaga. Kung ilang oras siyang naghintay ay hindi na rin niya namalayan pa. Sa inip nga niya ay ginawa na lang niya ang nakagawian na niyang gawin. Iyon ay ang sa mismong kwarto na ng dalaga maghintay. Madilim na rin at medyo malamok sa labas at hindi na niya kayang tagalan pa iyon. Mas lalo ring domuble ang inis niya sa isiping inabot ng ganitong oras at madilim na ang dalaga. Kanina pa niya ito sinusubukang tawagan pero pinapatay nito ang cellphone. Kahit ang messages niya ay hindi nito nagawang sagutin man lang kahit mura. Halo-halo na ang nararamdaman niya. Pag-aalala at pagkayamot. Humanda talaga ang babaeng iyon sa kanya mamaya. Kailan pa ito natutong umuwi ng ganitong oras? Ni ha, ni-ho sa kanya ay wala. Sa kabila ng inis niya ay hindi rin niya maiwasan talaga ang mangamba. Paano na lang kung may kasamang nangyari rito. Dapat pala talaga ay sinundan na lang niya ang mga ito at nang alam niya kung saang lupalop ito dinala ng mukang asong lalaki na iyon. Paano na lang kung mapahamak ang dalaga tapos wala itong mahingian ng tulong dahil wala siya sa tabi nito. “Tangina talaga!” Buburahin talaga niya sa suntok ang pagmumukha ng lalaking iyon oras na may gawin itong hindi maganda kay Lena. Nagulat siya at napatuwid sa pagkakatayo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa niyon ang dalaga. Madilim sa buong kwarto dahil hindi niya inabalang buksan pa ang ilaw. Wala rin naman kasing may alam na pumasok siya roon mula sa bintana na inakyat niya kanina dahil sa sobrang inip. Hindi niya maaninag ang hitsura ng dalaga pero hindi nakatakas sa pandinig niya ang mga hikbi nito. “Lena,” aniya kasabay ng pagliwanag ng buong silid nang buksan nito ang ilaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD