Chapter XXVI Napatulala ako. Literal. Kumakabog ang dibdib ko. Nakatulala lang ako sa kanya habang hindi pa rin makapagsalita. Ang dami-daming tumatakbo sa utak ko pero lahat nang ‘yon ay balewala dahil hindi ko man lang magawang ikilos ang bibig ko. Unti-unti akong napahawak sa labi ko. At doon ko narealize ang ginawa niya na naging dahilan ng pagkatulala ko. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. He kissed me! He’s smiling from ear to ear, like he’s happy that it happened. “N-Nababaliw ka na ba? B-Bakit mo ako hinalikan?” nauutal kong saad sa kanya. “It’s just a friendly kiss.” “Friendly kiss mo mukha mo! Wala tayo sa ibang bansa para magkaroon ng gano’n! H-Huwag ka ngang abnormal diyan!” sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Na

