Chapter XLII Lumipas ang ilang buwan na parang bula. Halos hindi ko na namalayan na summer na at malapit na ang graduation nila Ryuu. In fact, all fourth years are on the school gymnasium right now to practice the graduation march. Syempre hindi kami kasali kaya may mga klase kami. Pero wala kaming masyadong ginagawa dahil abala rin ang mga professors ngayon lalo na at maraming gagraduate na estudyante sa batch nila Ryuu ngayong taon. Kasama si Louise sa gagraduate. Louise is the eldest among the Sandford brothers. Kaya malamang sa malamang ay siya ang magmamana ng business nila. Expected na iyon lalo na at business man ang tatay ni Louise. Hindi naman lingid sa kaalaman ko pero isa ang daddy ni Louise sa mga kasosyo ni daddy at kuya. Naging tahimik ang mga nakalipas na buwan sa am

