Chapter XXIII “Flowers?” tanong sa akin ni ni Keith nang makita niya ako rito sa quadrangle. Sinabi ko kasi na dito na lang kami magkita habang break time. Si Sienna naman ay hindi ko mahagilap. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng ‘yon? “Thank you,” sabi ko habang nakangiti. Pinipigilan ko ang kilig na nararamdaman ko ngayon dahil ayokong makita niya ang side ko na ‘yon. Baka mamaya ay isipin pa niyang nababaliw ako. May sasabihin pa dapat ako nang dumating si Yui at tinawag ang pangalan ko. Nagulat pa nga ako nang malaman kong nandito siya. Ano naman kayang ginagawa ni Yui rito? Kung nag-effort pa siyang pumunta rito ay ibig sabihin napakaimportante ng sasabihin niya. “Hannah, pwede ba tayo mag-usap?” sabi ni Yui pagkatapos nitong lumapit sa akin. She’s wearing her usual clothe

