Nanginginig ang kamay na inabot ni Mariana ang noo ni Kevin. Halos mapaso sya sa init non. Umungol lamang ito at maya-maya ay dinalahit na naman ng ubo. Malalim ang mga mata nito at nangingitim pa ang ilalim, medyo na hupyak din ang pisngi ng lalaki. “Kevin… Kevin…” niyugyog nya ng bahagya ang balikat nito ngunit tanging ungol lamang ang tugon ng lalaki. Hindi naman na sya nag-aksaya pa ng oras at agad nagpakulo ng tubig, wala naman nabago sa mga gamit at pinaglalagyan ng mga iyon. Yun nga lamang ay may bagong tangke at kalan na wala naman noon dahil de uling na kalan ang gamit nya dati. Mabilis syang nakapag pakulo ng tubig at nahagip ng kanyang kamay ang putting bimpo sa bag ng lalaki. “Kevin tumihaya ka.” Pagkatihaya nito ay agad nyang nililis ang kumot. Sandali pa syan

