Eksaktong nagtatapis si Kevin ng tuwalya ng tumunog ang telepono nila sa kwarto. Wala si Mariana roon abala ang babae sa paghahanda ng tanghalian. “hEllo?” “Kevin, wait wag mong ibaba.” Awat sa kanya ng babae sa kabilang linya, si Victoria. “Ano!?” singhal nya rito. “Nasaan ang asawa mo kahapon?” Nangunot ang kanyang noo dahil sa narinig mula rito. Umalis si Mariana kahapo at nagpaalam na bibili ulit ng mga prutas sa bayan. Ngunit hindi tulad noong isang linggo na umuwi itong mag-isa, kahapon ay hindi sya pumayag na iwan ito ni Mang Berting roon. “Bakit?” “Alam mo bang lihim silang nagkikita ni Lucas?” Natawa sya sa sinabi ng babae. “Alam kong nagkita sila ni Lucas sa bayan, sinabi sa akin ng asawa ko.” Pag didiin nya sa salitang asawa. Ibaba na sana nya

