Asar na asar si Giane sa kanyang asawa.Paano ba naman saan ka ba naman nakakita ng mag asawa na nasa iisang bubong pero hiwalay sila ng kwarto. Isa pang nagpapainit ng ulo nya siya ang asawa pero sa Daddy niya mas sweet pa ito at madalas na magkasama ang dalawa na nagpapakulo ng dugo niya. Nasa isang bar sila nila Veri at Jorge na nagkayayaang uminom pag kalabas niya ng opisina. "Bro ipagtapat mo na lang kasi sa Daddy mo na asawa mo na si Micon para hindi ka na nahihirapan. Wala namang masama kung magpakatotoo ka kay Tito Migs,mauunawaan ka naman ng Daddy mo."ani Veri habang umiinom sila ng kaibigan. "I think your right kasi hindi ko rin nagugustuhan ang pagiging sweet niya kay Daddy.And one more problem is mismong asawa ko na ang umiiwas sa kin,daig ko pa ang ginagapang ang sarili ko

