"Hindi naman sa hindi kita gusto, Liza. I just want you to know that I just can't," malungkot na saad ni Alfred. "Kaya nga hindi kita maintindihan. Hindi naman ako manghuhula no. Mabuti pa ang english ko naiintindihan. Eh 'yang mga sinasabi mo hindi ko ma-gets," naiinis na saad ni Liza. Alfred breathed heavily and stared at her. "Dahil may asawa na ako," sagot niya. Kaagad na kumunot ang noo ng dalaga at maging si Heart ay nagulat sa sinabi ni Alfred. Matagal bago umimik si Liza at tumayo at hinarap siya t'saka malakas na sinampal. "Kasal ka na? At isinama mo ako sa kalokohan mo? Bakit hindi mo sinabi sa'kin? May balak ka pang gawin akong kabit? Buti na lang sinabi mo 'yan ngayon sa'kin. Lalo mo lang pinatunayan sa'kin kung gaano ka kawalang kuwenta," galit na sad ni Liza at tuma

