Nakabusangot ang dalaga habang nakatingin sa kuwarto nilang parang walang laman. Humiga siya sa kama nila at inamoy ang unan na gamit ni Sebastian. Umalis si Sebastian papunta sa Portugal para sa isang business conference. Gusto niyang sumama pero ume-extra ang utak niya na huwag na. Masiyado na siyang dumidikit sa asawa niya na parang tuko. Hindi niya rin naman maintindihan ang sarili kung bakit ganoon siya. Napatingin siya sa cellphone niya nu'ng tumunog iyon. Mabilis pa sa alas-kuwatrong sinagot niya iyon. "Hello, Seb," bating pambungad niya. "Miss mo naman agad," ani ng babae sa kabilang linya. Natigilan siya at napakunotnoo. "Sino ito?" tanong niya habang nakakunotnoo. "Hindi mo ako kilala?" tanong nito. Napairap naman agad ang dalaga. "Magtatanong ba ako kung kilala kita?

