Tumatakbong pumasok sa loob ang dalaga at nakita ang asawa niya sa mini bar counter nila sa bahay na umiinom. Kaagad na umagos ang luha niya sa nakikita. Akmang lalapitan na niya ito nang may babaeng lumabas mula sa kusina at nilapitan ang asawa niya. Kumunot ang noo niya nang makitang si Kate iyon. Hinahaplos nito ang balikat ng asawa niya. At ang kumag ay hinahayaan lang nito. "Alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ni, Heart. Nandito lang ako. Puwede mong isipin na ako si, Heart. Okay lang sa akin, Sebby, " ani nito. Uminom lamang ang asawa niya at tiningnan ito. "No one can replace my wife. Nag-iisa lang ang asawa ko," sagot nito. Kaagad na napangiti naman siya sa sagot nito. "But I can make you happy. Patay na si, Heart. Ako na lang ang meron ka, Sebby. Let's start again. Alam k

