Naglalakad ang dalaga sa pathway papunta sa office of the management. Nandoon na lahat ng big boss ng entertainment industry na pinagtatrabahuan niya. Susunod naman mamaya si Sebastian. Kasama niya ngayon si Liza. Binuksan ni Liza ang pinto at pumasok na siya sa loob. Nakangiti pa ang mga ito na nakaupo sa mahabang couch na tila ba ay walang ginawang masama sa kaniya. "Hindi kami nagkamali at bumalik ka nga," wika ng executive director na si Mr. Ramon Suarez. Halos lahat ng big boss ay present. Umupo siya sa bakanteng upuan at pormal na ipinasa ang resignation letter. Alam niyang wala siyang nilabag na kontrata dahil tinapos niya iyon lahat. Kaagad na nagtinginan ang mga ito. "You should have known that you can't go back here if you continue doing that," ani ni Mrs. Spark. Kaagad na t

