EPISODE 2

1053 Words
(KEVIN POV) Sumaludo kaming dalawa ni Paul kay Sir Robert at isinantabi ang aming pag aaway. Pero it does not mean na papalampasin ko ang mga sinabi ng lalaking ito. "Para talaga kayong mga aso at pusa na nag aaway sa iisang buto. Rinig na rinig ko sa labas ang pag uusap n'yong dalawa at tungkol na naman ito sa babae. Mag move on na kayo at ibaon ito sa limot. Sa trabaho natin, we need to work as a team. If we are not going to do that, eh ano pa ang mangyayari sa atin? Okay sige ganito na lang, wag sana kayong maingay. Tutal kahit ako ay stress na rin sa aking trabaho at sa misis ko sa bahay, mas maganda siguro kung pupunta na lang tayo sa bar kagaya ng dati nating gawi. Pero wala na munang chicks, baka habulin. Iinom lang tayo just the old good days para naman maging masaya ang ating samahan." "Pass po!" sabay naming sabi ni Paul, nagtinginan pa kami sabay parehas na ngisi. Mas gugustuhin ko na lang na mag isa kesa sa kaharap ko ang lalaking ito. "Okay sige. Kung ayaw n'yo na ay wala akong magagawa pa. Sayang, minsan lang ako manlibre pero tinanggihan n'yo. Sabagay, ang lalaki ng mga sahod n'yo kaya wala lang ito." Nauna na akong umalis at naramdaman kong sinusundan ako ni Paul. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Basta ako, gagawin ko lang ang makakaya ko upang tugisin ang hinahanap namin para magkaroon ako ng promotion sa trabaho. Nang makarating ako sa parking, sa harapan ng aking sasakyan, naririrnig ko pa rin ang mga yapak ng paa nitong si Paul. "Ano ba ang hanap mo, gulo? Kung may pahabol ka pang sabi, sabihin mo na sa akin kasi aalis na ako." "Wala pare! Dito din kasi naka park ang bago kong sasakyan kaya wag mong isipin na sinusundan kita. Mali ka ng inaakala mo sa akin." Lumingon ako sa kabilang kotse at napansin ko na bago ito. 3 months old pa lang ang sasakyan ko na hulugan ko pa rin. Kulay black ang sasakyan na ito, bagong model lang at tila ay nilaos nito ang sasakyan ko. Bagong bago pa ito at ang ganda pa ng design. Nagtataka ako kung paano s'ya nagkaroon ng ganitong klase ng sasakyan. Ano ang meron? "Cash ko binili ang sasakyan na yan pare! Simula nang napunta sayo si Steph, nag ipon na akong pera upang makapag pundar ako ng sasakyan." Ngumisi ako. "Congrats! Mukang umaasenso ka na yata at nagagawa mo nang makasabay sa akin. Ingatan mo ang kotse mo ha. Parang aabutin ka pa ng ilang taon bago ka ulit makakabili ng bago." Pasakay pa lang ako nang bigla itong humabol ng pagsasalita. "Wag ka munang magyabang pare. Kung dati ay nangungulelat ako sayo, it will be an entire different story now. I will guarantee you, ako ang mapo promote sa ating dalawa at hindi ikaw. Pinagbigyan na kita dati pero not this time. Ihanda mo na ang sarili mo kasi kapag naging superior mo ako, baka pag initan kita sa lahat ng mga ginagawa mo sa akin." I just f*****g ignored him and went inside my car. Tonight, I still have a time para uminom sa isang bar. And I am going to drink moderately before finding that woman. While driving my car, I received an email coming from sir Robert. Isang kamay muna ang ginamit ko sa pagmamaneho. To my surprise, sinend nito sa akina ng photos ni Bella- ang babaeng tinutugis namin. And aside doon sa mga photos na sinend nito sa amin kanina, may ilan pang additional na mga larawan itong ipinadala. Halos ihinto ko nga ang aking sasakyan ko. Natulala ako kasi isang napakagandang babae ni Bella, maputi, sexy, malakas ang dating. At higit sa lahat, maputi ang kilikili nito. Aminado ako na bilang isang totoong lalaki, fetish ko ang maputing singit ng babae. Ito ang dahilan kung bakit ko rin nagustuhan si Steph. Muntik na akong mahulog sa nakakalasong kagandahan ng babaeng ito pero buti na lang ay napagtanto ko na isa itong kriminal and it is my duty to apprehend this woman. Sayang lang, ginamit lang s'ya ng mga sindikato upang gumawa ng kasamaan. Kung sakaling ako ang una nitong nakilala, baka maging iba pa ang landas nito. She is still too young para maging isang masamang tao. But baka pwede pa itong ma abswelto kung babaligtad ito at tetestigo laban sa sindikato. Pero hindi rin siguro, myembro s'ya nito at malaki rin ang magiging pananagutan ng babaeng ito sa batas. And I am going to do whatever it takes para mangyari ito. After all, I will be promoted to a highe position at matutuloy na ang inaasam asam naming magandang kasal ni Steph. She has been dreaming of a lavish wedding at titiyakin ko na matutupad ito. I just need to avoid my emotion get the best of me. Natakot naman ako ng puro busina na ng sasakyan ang naririnig ko sa labas. Masyado na yata akong nagtagal sa pagtirik ng aking sasakyan kaya muli ko itong pinaandar. Mahirap na at baka mapag initan pa ako ng ibang tao rito. Marami pa ring bar na bukas dito sa Manila at marami na akong nakikitang mga tao. May mga gusto akong puntahan na bar pero puno ang mga parking ng tapat ng mga ito at yung iba, wala talagang parking para sa sasakyan. Pero nagtiyaga akong maghanap ng bar hanggang marating ko itong Medusa bar na malapit lang sa isang restaurant. May parking pa ito para sa mga sasakyan. Na curious lang ako kasi mayroon daw itong event mamaya. Baka may bandang tutugtog o iba pang entertainers na darating. I do not mind kung may 100 entrance free sa loob. Ang mahalaga sa akin ay may parking lot ito at may entertainment pa. Saktong sakto at kailangan ko ng ganito sa stress na trabaho ko. Nagpark ako at naghubad ng damit. Hindi ako pwedeng naka uniform dito sa loob ng bar kaya magsasando lang ako at pantalon na itim pagpasok. Kinuha ko ang wallet ko sa likod at binulsa ko ito kasama ng cellphone ko. Bago ako lumabas ng sasakyan, nagpabango muna ako at nag deodorant. Maselan lang din ako sa aking katawan at gusto ko ring sumayaw mamaya kung mayroong ganito sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD