BELLA POV
Sumasayaw ako ng todo bigay. Namo motivate lang ako sa pera at wala nang iba pa. Sana lang ay 'di ako mag mukang kawawa nito mamaya at may kumuha sa aking customer. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko ang mga kasabayan kong pokpok na animo'y walang mga buto kung sumayaw. Ang lalambot ng mga katawan nito at parang bulato na inasinan.
Nahihiya na ako sa kakasayaw ko. Iniisip ko kung kaya ko pa ba na magtagal sa ganitong klase ng sitwasyon. May mga nilandi na akong mga clients noon pero mas malala ang ginagawa ko ngayon kasi magpapagalaw na ako sa taong 'di ko pa kilala.
Unti unting naglaho ang mga kasabayan ko sa stage. Pati na rin si Marjorie, ako na lang ang mag isang sumasayaw sa entablado. Sobrang nakaka down ito, mayroon pa bang nanonood sa akin? Nakaka down ang ganito, gustuhin ko man umiyak pero mas lalo lang akong magmumukang tanga.
Humarap sa akin si Madam Lolita at sinensyahan akong bumaba ng stage. Ang seryoso ng muka nito na para bang makakarinig na ako ng matindihang sermon galing sa bibig nito. Bumaba na ako ng stage at lumapit sa kanya. Pero napansin ko ang isang lalaki na nagtatago sa likuran nito. 'Di ko masyadong maaninag ang muka nito pero alam ko ay lalaki ito na matangkad at mayroong brusko na katawan. Bakit tila ay kinabahan ako nang makita ko ito.
Nang makalapit ako kay Madam, nakatitig lang ako sa lalaki sa likuran nito at nakita ko na may hitsura ang lalaking ito. Matangakad, matangos ang ilong, at malakas ang dating. Kaya lang, parang lasing na ito at halos titig na titig ito sa dibdib ko habang kagat kagat nito ang kanyang labi.
"Mira, ipinakikilala ko sayo ang unang magiging customer mo na si Kevin. Nag down na ito sa akin pero sinabi nito na s'ya na raw ang magbibigay sayo mamaya. Galingan mo ha? Sinabi ko na sa kanya na virgin kang babae kaya tinaasan nito ang offer n'ya."
Mira? Hindi naman ito ang pangalan ko pero bakit ito ang binigay n'ya sa akin. Pero sabagay, okay lang ito. Dapat lang na itago ko ang pangalan ko upang malayo ako sa kapahaman.
Napatingin ako sa dibdib ni Madam Lolita at nakita ko ang makapal na perang nakaipit sa dede nito. Malamang malaki ang kinita nito pero hindi man lang ako nito nagawang bahagian. Nakakainis lang, sana kahit isang libo ay magbigay ito pero umalis na lang s'ya.
Lumapit ang lalaki sa akin at iniabot nito ang kamay n'ya.
"Kevin pala, nice to meet you Mira. Ang galing mo palang sumayaw kanina, ikaw lang tinititigan ko at walang kurap. Halos lumawa ang mga mata ko ng makita ko ang maputi mong singit. Ang sarap lang dilaan, nalilibugan ako kaagad."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nitong kabastusan sa akin. Ganito ba ang tamang bungad sa isang tao na ngayon lang nito nakilala? Pero customer ko ito at kahit na binabastos na ako nito, dapat ay maging magalang pa rin ako. Pera pera lang ito kung tutuusin, basta may lapag na salapi, kahit na ilang pambabastos pa ang marinig ko sa lalaking ito ay ayos lang.
Imbes na makipag kamay ako, binuksan ko lang ang palad ko sabay ngiti sa kanya.
"Sorry sir pero need ko po muna ng down payment sa inyo para ipagpatuloy natin ang pag uusap natin. Sigurista kasi akong babae at bawat minuto na kausap mo ako, dapat ay bayad."
Medyo matutumba na yata ang lalaking ito na nalunod na sa kalasingan. Mas madali nang lokohin ito at titiyakin ko na uubusin ko ang laman ng kanyang wallet. May kinuha ito sa kanyang bulsa, ang pitaka nitong itim at binuklat n'ya ito sa aking harapan. Makapal ang laman ng wallet nito at kumislap ang aking mga mata sa tag iisang libong pera. Kaya pala nangangati ang palad ko kanina kasi talagang magkakaroon ako ng malaking pera.
Kumuna ito ng isang libo at sinuksok sa pagitan ng dede ko. Nadismaya ako na sa kabila ng makapal nitong pera, ganito lang ang binigay n'ya sa akin. May hitsura ito pero turn off ako sa pagiging kuripot n'ya.
"Isang libo lang sir?" nakukulangan ko pang sabi.
"Bakit? Dadagdagan ko pa ito mamaya. May isang salita naman ako Mira, titiyakin ko sayo na malaki pa ang ibibigay ko sayo. Punta na tayo sa table ko, kanina pa kita gustong matable eh. Buti na lang nga at wala akong kaagaw sayo. Kung nagkataon na may ibang lalaking kumuha sayo, magwawala talaga ako rito. Nakakalibog kang tingnan ngayon, sobrang seksi mo at ang puti pa ng singit mo."
Kinakabahan ako, mukang naka tiempo pa ako ng isang lalaking malibog. Naaatat na ako sa perang ibibigay nito pero hinabaan ko lang ang pasensya ko. Hinawakan ko ang kamay nito at ang lamig nito. Hinigpitan nito ang hawak nito sa akin at dinala ako sa kanyang pwesto. Naka limang bote na pala ito ng alak pero ganito na ang naging epekto sa kanya.
Pagkaupo ko ay nilagay nito ang kanyang kanang kamay sa aking balikat na para bang binabakuran na ako nito. Nag dekwarto ako ng upo ko. Amoy alak ang lalaking ito pero buti na lang at hindi ito mukang unggoy kagaya ng mga ibang sinasabi ni Madam na customers namin. Titiisin ko na lang ang amoy ng alak sa katawan ng lalaking ito.
Napatitig ako sa kanya na titig na titig pa rin sa akin. Hinawakan nito ang aking pisngi na dahilan upang mapapikit ako. Ang sarap lang nitong damhin. Ngunit ng akma na sana nitong tatanggalin ang mask ko ay hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan s'ya. Kahit na lasing ito at madilim sa aming pwesto, ayaw ko pa rin tanggalin ang aking mask. Sa 'di ko maipaliwanag na dahilan ay kinakabahan ako.
"Wait lang bo sir."
"Bakit? I want to see your face. Kanina ko pa ng nga gustong tanggalin ang mask sa muka mo. Magbabayad naman ako Mira."
Ang lambing ng boses nito sa akin habang nakikiusap ito pero ayaw kong ipilit ang gusto nito.