Kisha
Nandon na Eh.. Padurog na yung puso ko.. Pa walling na ang iyak ko dahil sa pakikipag break ko kay Justin pero bwisit itong katawan ko narinig ko lang ang pa baby ni Ethan nag init ako agad dahil naalala ko ang panaginip ko.
“Baby.. Este Ethan..” nakita kong napangiti ito. Gwapo talaga shocks.
“Sino siya Kisha Bakit baby tawag niya saiyo.. kaya ka ba nakiki pag break dahil sa lalaking yan!” Tumayo ito sa pag Kaka luhod saaking harapan.
“Hoy Justin!! Huwag mong ilipat saakin ang sisi!! Hindi mo ako katulad na baboy..” tinitigan ni Justin si Ethan at si Ethan naman nakipag titigan din. Naalala ko tuloy si JM sa love story 3 ni Ms April May staring contest daw hihihi.
“I thought you like older men Bakit mukang nahilig ka na sa may gatas pa sa labi?” Sarkastikong tanong nito.
“Akala ko kasi pag gurang na tapos na sa pam babae akala ko matured kana at seryoso pero nagkamali ako edad lang pala ang matanda saiyo pero isip bata kapa din” inalis nito ang pag kakatitig kay Ethan at lumingon muli saakin.
“Mahal kita.. mag dadalawang taon na ang relationship natin Huwag Mo naman sanang itapon lang sa isang pag kakamali ko.. lahat naman ng tao nag kakamali” natawa ako ng pilit.
“Ako talaga ang sumayang? Ako talaga ang tatapon ng pinag samahan natin.. sana inisip mo yan bago mo pinasipsip ang tit! Mo sa babaeng yun!!” Nakalimutan ko nandito nga pala si Ethan nahiya tuloy ako sa kabastusan ng bibig ko.
“Umalis kana utang na loob baka kung ano ano pa ang masabi ko” he held my hand. Naglakad si Ethan palapit saakin.
“I’m not going to give up.. liligawan kita ulit kung kinakailangan” tinangal ni Ethan ang pag kakahawak ng kamay ni Justin saakin.
“She said leave!” Mariin na Sambit nito.
“Tsss.. sa tingin mo ba natatakot ako saiyo totoy?” Panunuya ni Justin kay Ethan.
Nakita ko Kung papano sumama ang tingin ni Ethan kay Justin.
“Ethan.” Hinawakan ko ang muka nito upang ako ang titigan niya.
“It’s ok Huwag mo ng patulan.. he’s not worth it” kumalma naman ito pero yung pekp3k ko ang Hindi kumalma Panay ang pintig sa mga titig ni Ethan. “My gosh ang landi ng pekp3k ko”
“Ikaw Justin umuwi kana at Huwag ka ng babalik dito” pag tataboy ko dito.
“No babalikan kita at ikaw totoy Hindi pa tayo tapos” sabay lakad nito palabas ng bahay. Napa buga ako ng hangin ng maisara ni Badet ang pintuan. Pag harap nito saakin binigyan ako nito ng pilyang tingin.
“So baby.. Este Ethan..kailan mo pa naging baby itong gurang na virgin?” Natawa ng bahagya si Ethan kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Badet!! Bibig mo!” Nag peace sign pa ang Loka loka
“Kagabi lang” mabilis na Sagot ni Ethan.
“Hoy! Siraulo ka baka maniwala yan si Badet!!” Hinampas ko ito sa braso niya.
“Biro lang.. Hindi pa pero sana soon.” Sabay tingin nito saakin.
“Baliw!!” Inirapan ako ni Badet.
“Kaya pala malakas loob mong makipag break kay papa Justin dahil May Baby kana super yummy pa” si Ethan naman Tuwang tuwa sa sinasabi ni Badet.
“Excuse me!! Hindi noh!! Estudaynte ko lang si Ethan” depensa ko sarili ko.
“Ngayon estudyante mo ako sana soon baby mo na.. tapos hubby mo na” namula ako sa sinabi ni Ethan. “Ano bang sinasabi ni Ethan.. Huwag kang pa fall marupok ako” sigaw ng utak ko.
“Ah baby Ethan gusto mo ng maiinom” malanding tanong ni Badet.
“No thank you” mabilis na Sagot ni Ethan habang nakatitig saakin.
“ May gagawin kaba today Kish-
“Wala! walang gagawin yan sige na Kisha sumama kana ako ng bahala sa gawaing bahay.. lumandi ka deserve mo yan” nakakahiya talaga to si Badet.
“Oo Meron eh.. Mag go-grocery ako tapos mag huhulog ako ng pera sa pamilya ko” kahit naman gusto kong maka date siya Huwag naman tayong obvious noh.. kaka break lang sa fiancée date agad palipasin muna natin ng mga isang Oras joke!
“Samahan na kita.. hatid ka na namin ni Ben” alok nito.
“Sino si Ben? Pogi din ba Ethan pakilala mo ako” singit ni Badet ulit.
“Oh yeah wait I’ll call him” pag Balik nito kasama na niya si Ben. Nakita ko Kung papano nag Ning Ning ang mga mata ni Badet. Matangkad si Ben at Maliit na babae si Badet. Gwapo din at mistisong chinito si Ben.
“Hoy Bakit kaba nag bu-beautiful eyes diyan na puwing kaba?” Asar ko dito pero Hindi man Lang ako pinansin.
“Ah Ben si-
“Bernadeth but you can call me Bebe” natawa ako sa kalandian ni Badet.
“Hi nice to meet you Bebe” Sagot naman ni Ben
“Dagdagan mo kaya ng Ko para nakakakilig.” Hirit ni Badet.
“Bebe- ko?” May pag ka uto uto din itong Kaibigan ni Ethan.
“Yes bebe-ko that’s perfect” sa laking tao ni Ben malamang lamang warak na warak ang petchay ni Badet pag nag ka taon.
“Ah Ben pahiram ako ng Susi sa samahan ko lang si Kisha sa grocery store maiwan ka muna dito kay bebe mo” biro ni Ethan. Kay bilis binigay ni Ben ang Susi kay Ethan mukang May gusto din kay Badet.
“Tagalan niyo sissy ha.. mga next year na kayo bumalik.” Kinurot ko ito sa tagiliran dahil sobrang harot.
Pinag buksan ako ng pintuan ni Ethan.
“Ka ano ano mo Si Ben Ethan?” Tanong ko habang nag dadrive ito.
“Oh he’s my personal driver/body guard pero matalik na kaibigan ang turingan namin.” Medyo nagulat ako sa Sagot niya.
“Mayaman ka siguro kaya May personal body guard ka” napa sulyap ito saakin.
“Ako? mahirAp lang ako ang Daddy ko ang mayaman..siya nag papa Sahod kay Ben” tumango ako. Parang lalong Gumuho yung pag papantasya ko kay Ethan. Dahil bukod sa malayo ang edad namin malayo pa ang estado namin sa buhay.
“Bakit bigla kang tumahimik?” Sabay hawak sa aking kamay pinag saklop pa nga.
“Ethan..” tanging Sambit ko.
“ I like you a lot Kisha.. gusto kitang ligawan at kilalanin pa” gusto kong mag tumbling sa tuwa sa sinabi ni Ethan.
“Bakit ako?.. mahirAp lang ako tapos mas matanda pA ako saiyo..Kung gusto mo din akong pag laruan Ethan Huwag naman maawa ka saakin kota na ako sa heart ache” gusto ko si Ethan pero hanggang pantasya lang naman ayokong palalimin dahil alam kong sa huli ako ang masasaktan.
“I’m not playing you.. alam mong noon pa ako nag papansin saiyo ikaw lang ang masungit saakin lagi” napakagat ako ng labi. Noon papala niya ko gusto akala ko magaling lang mang asar.
“Pwede ba akong manligaw? May chance ba ako?” Tanong nito habang nakatitig sa daan.
“Huwag ka ng manligaw sinasagot na kita” gusto ko man isantinig nahihiya ako.
“Hah..seryoso ka nga?” Tanong ko. Sinulyapan niya ako at hinalikan ang aking kamay.
“Yes baby seryoso ako saiyo sobra” sabay ngiti nito. Sh!t! Na malagket! Nakadikit sa pwet!.
“Huwag ka na manligaw sinasagot na kita!” Bigla nitong prineno ang kotse niya.
“Araayyyy.. Ethan ano ba!!” Kamuntik na akong ma sakal ng seatbelt at mauntog sa dashboard.
“Sorry binigla mo ako sa Sagot mo Eh. Wala ng bawian yan ha tayo na!!” Napangiwi ako.
“Baliw kaba alam mong kaka hiwalay ko lang sa fiancée ko eh binibiro lang kita isa pa Ethan ang daming mas bata diyan at kasing yaman mo.. sila nalang pag aksyahan mo ng panahon Wala kang mapapala sa katulad ko” totoo naman sinabi ko. Gusto ko si Ethan pero malayo agwat namin.
“Real talk lang Ethan.. maaring May gusto ka nga saakin pero lilipas din yan dahil mag kaiba ang edad natin..time will come mag hahanap ka ng mas bata yung kaya kang sabayan sa lahat ng bagay.” Tila Hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
“Hindi mo pa nga ako kinikilala hinusgahan mo na ako.. Hindi naman kita mapipilit Kung ayaw mong mag paligaw” nakunsensiya tuloy ako sa sinabi niya. Did I sound like judgemental or pakipot.
“Ethan..” tanging Sambit ko.
“Nandito na tayo sa grocery.. let’s go” bumaba na ako sa kotse niya. Siya na ang kumuha ng shopping cart at nag tulak nito
“Anong kailangan mong bilhin?” Tanong ni Ethan.
“Ahh.. konti lang kami lang naman dalawa ni Badet” kumuha lang ako ng ilang delata cup noodles.. mga sabon panlaba at panligo.
“That’s not healthy delata at cup noodles why don’t you by fresh meat alam mo never pA ako pinakain ng delata ni nanay Lydia puro lutong bahay.. maliban sa Reno liver spread palaman sa pandesal” Tatawa tawa nitong sambit
“Nanay Lydia? Mommy mo?” Tanong ko.
“Oo nanay ko” kumuha ito ng mga karne iba iba pa nga pati isda hipon crab” inaawat ko ito dahil wala akong pambayad.
“Ethan tama na yan.. mauubos yung pera ko naka budget lang ito” Hindi naman ako pinapansin.
Nang mag babayad na nagulat ako sa presyo.
“Total po mam ay twenty five thousands po” napa lunok ako. Halos kalahating buwan ko ng sweldo yun.
“Ibalik ko nalang po yung mga seafood-
“Here..” nilabas ni Ethan ang card niya.
“Ethan Hindi na ako na..” Awat ko.
Pero mabilis nitong na swipe ang card niya .
“It’s ok.. think about it as your bonus dahil ang galing mong magturo ng piano.. isa pa libre mo na lang kami ni Ben Ng beer at pag Luto mo ako ng pulutan” Napa isip ako.
“Kapag may alak may balak diba? May balak kaya siyang gahasain ako? Kung Wala ako nalang gagahasa sakanya pag nalasing siya” kausap ko sarili ko. Hindi ko namalayan na napangiti pala ako sa kalandian ko.
“Anong nginingiti ngiti mo diyan?!” Takang tanong ni Ethan.
“Wala masaya lang ako sa pa bonus mo.. I’m sure matutuwa si Badet” Matapos kong mag hulog ng pera sa mga nanay. Dumaan kami sa tindahan para bumili ng beer. Pag bukas ko ng Pintuan dinig na dinig ko ang hiyaw ni Badet.
“Ahhhh.. ang sarap.. sige idiiin mo pa bebe ko oooohhh” nahihiya ako kay Ethan sa kalandian ni Badet.
“Badet.. nandito na kami..” ka Katok sana ako pero bukas naman ang pintuan ng kwarto niya at walang tao.
“Saan nakikipag lampungan yung babaeng yun?!” Hinanap ko ito at narinig ko ang ungol niya sa likod ng bahay kung saan kami nag lalaba.
“Oooohhh sarap Bebe ko.. sige pa” dinig kong ungol ni Badet. Tinakpan ko ang mga mata ko at nagsalita akong muli.
“Sissy.. nandito na kami.. mamaya niyo na ituloy yang ginagawa niyo” nanatili lang nakatakip ang mga mata ko.
“Sissy.. tanggalin mo nga yang kamay mo sa mata mo.. muka kang tanga.” Pag tanggal ko ng kamay ko nakita ko si Ben na minamasahe lang pala ang balikat ni Badet habang nag lalaba.
“Sa lahat ng virgin ikaw ang malaswa ang utak sissy” napahiya tuloy ako kay Ben. Kung maka ungol kasi si Badet parang na Kikipag chuva-chuchu eh.
“Ben inom tayo.. libre ni Kisha tapos mag luluto siya ng pulutan” umupo si Ben sa couch.
“Ah bossing.. bukas May training ka don’t forget.. mayayari tayo sa Daddy mo.. kaya hinay hinay lang sa pag inom” nakita ko Kung papano lumungkot ang muka ni Ethan.
“Huwag ka na kayang uminom next time nalang Ethan May importante ka pa lang gagawin bukas” umiling ito at Ngumiti.
“No.. it’s ok gusto pA kita makasama Kisha.. ako kasi naniniwala ako na you have to spend more time sa mga taong mahal mo dahil you’ll never know kung ano mang yayari bukas..” napaka Lalim naman ng sinabi ni Ethan pero na touch ako ramdam ko yung bawat salitang binitiwan niya.
“Isa pa let’s make drinking more exciting Lagyan natin ng twist” nakangiting sambit ni Ethan.
“Ay sige sige bossing gusto ko yan”
“Ako din gusto ko yung may twist” singit ni Badet.
“Anong twist?” Tanong ko.
“Truth Dare or drink.. you will choose truth or dare pag Hindi mo na Sagot ang tanong or nagawa ang dare you will do bottoms up game?!!”
“Game!!!” Sabay Sabay naming Sagot