Kisha “Lahat na lang dinadaan mo sa Daddy Daks mo Ethan” naupo ako sa kama. Nagsimulang mag landasan ang mga luha ko. “Ano ba ako saiyo Ethan.. Bakit ba lagi mo akong sinasaktan at niloloko?!” Napatakip ako ng muka dahil Hindi ko na mapigilan humikbi sa kakaiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko ang pag lapit ni Ethan saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Ikaw ang asawa ko Kisha.. you are my everything Hindi ko kayang mawala ka saakin.” Lalo lang akong napaiyak sa sinagot niya. “Ang sarap pakinggan pero Bakit iba ang pinakikita mo?! Sino ba si Andrea?! Asawa mo ako pero May fiancée ka? Huwag mo akong gawing tanga!” Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko. “Look at me Kisha.. tignan mo ang mga mata ko.. mahal kita mahal na mahal” Sabay halik sa labi ko.

