Kisha “Ethan..!!!!” Nakaluhod ako habang sinisigaw ko ang pangalan ni Ethan. Ang sakit putek sa pangalawang pag kakataon iniwan ako ni Ethan at walang kasigiraduhan kung kailan siya babalik. “Mam Kisha tama na po.. pumasok na po kayo sa loob” Hindi ko pinansin si Charles patuloy Lang ako sa pag iyak. Naupo ako sa daan at niyakap ko ang dalawang binti ko habang nakasubsob ang aking muka sa mga tuhod ko. “Mam Tara na po..” hinawakan ni Charles ang aking Balikat. Inangat ko ang aking muka at nilingon ko si Charles. “Babalik siya diba Charles?” Umiiyak kong tanong kay Charles “Opo Mam Babalikan po kayo ni Bossing.. mahal po kayo ni Bossing” nakangiting Sagot ni Charles. Tumayo ako at pumasok na sa loob ng bahay. “May kailangan pa po ba kayo Mam Kisha.. gusto niyo po ng maiinom?” Pinunasa

