I'm His Lady Guard" [ CHAPTER 8 ] Angelina pov: NAKAUWI kaming ligtas sa bahay na binili namin. Nabangga lang naman kami sa puno at nayupi lang ang unahan ng van ni Jay-ann, Wala rin naman nasaktan isa man sa amin at humingi rin ako ng pasensya sa driver nya dahil sa ginawa ng aking anak ako naman kasi ang may kasalanan kong bakit nagawa yon ng anak ko. HINIRAM ko muna ang katulong ni Jay-ann na naghihintay na rin sa bahay para maayos ang mga gamit sa loob at may magluluto ng pagkain para sa amin. Kaya pagdating namin kanina ay nagpahinga lang kami ng kaunti at bago tinungo ang hapag kainan para kumain. Lumipas ang maghapon at nagyaya na silang apat na umuwi dahil may klase pa sila bukas at ako ay bukas rin mag rereport sa school kong saan ako magtuturo.Iiwan ko muna si Jonas sa kay

