Chapter 8

4031 Words
A/n: Again, hindi po required basahin ang 'My Wife is a Mafia Queen' dahil wala pong kinalaman yung plot nito doon ? Yun lang, thank you guys! Mwaaaaps :* (Third Person's POV) NAMAMANGHANG nakaawang yung labi ni Beau matapos marinig yung kwento ni Wesley. Nasa loob silang dalawa ng meeting office ng organisasyon nila, hinihintay yung mga kasamahan nilang mag-usap sa opisina ni Vince. Kinwento nya kasi yung tungkol sa nilinis nilang lumang warehouse kanina at sa sinabi nung lalaki na syang huling tinapos nya. "He said that?" Tumatawang tanong ni Beau. "Imposible yon, Wesley. They are dead." "See? I told you! Imposible yon!" Si Wesley ang sumagot. Nakasandal sya sa kinauupuang swivel chair habang ang paa ay nakapatong sa mahabang lamesa at ginawang unang ang mga kamay. "But I think that b*stard piqued Morgan's interest and annoyed her at the same time kaya ayun, akala ko nga bubuhayin nya talaga eh pero pinatapos nya rin sakin yung lokong yon." Tumingala si Beau at pinakatitigan ang kisame bago nag-isip ng malalim. "Nainis siguro sya, pero kahit na diba? Alam naman ni Morgan na matagal ng wala ang pamilya Veratti. She was there when her parents and the organization wiped those devils out. They made her parents mad that led them to their death." "Baka nga." Kibit balikat ni Wesley. "Pero ramdam ko talagang nagdududa pa rin sya eh." "She never believed that they're dead." Napabalikwas yung dalawa sa biglaang pagsingit ni Nicholas. "Dude! Hindi mo ba kayang kumatok?!" Hawak ni Wesley ang dibdib habang si Beau naman ay nanghihinang sumandal. "Jesus Christ, I think I just died for a second." Ngumisi si Nicholas bago inihampas sa ulo nung dalawa yung folder na hawak na ikinaungol ng mga ito sa inis. Umupo sya sa mesa sa pagitan nung dalawa at pinagkrus ang mga braso. "Morgan never believed that the Veratti's are dead. Hindi lang sya nagsasalita tungkol don, pero kahit maglabas pa kayo ng pruweba never syang maniniwala na patay na sila and she's been holding on to that for 17 years." They both grimaced on that. "The hell? Wala ba syang tiwala sa mga magulang nya? Even kuya Vince was there and our parents, of course." "Right." Pagsang-ayon ni Beau kay Wesley. "And if ever man na buhay pa sila, malalaman ko agad yon for sure. I have the most amazing database, you know? I'm even greater than my parent's hacking and technical skills, I can dig deeper than six feet just to get the information that we need." Umiling si Nicholas tsaka umismid. "Nobody knows what's going on inside the mind of Morgan Verdan, but whatever it is that's running on her head, I'm pretty sure that she's already prepared for everything that's coming." Nagkatinginan nalang bago tumitig kay Nicholas na pumapalatak habang binubuklat yung folder na hawak. Nahinto ito nang may maalala. "Ah, by the way." Ani nya tsaka ngumiwi. "Kuya Vince said we will be working with two CIA agents handling the same case." Sabay na suminghap yung dalawa. "You mean..." "Yup." Tango nya. "We'll be working with Jhayrein and Chryseis." "F*CK NOOOOOOO!" Ungol ni Wesley tsaka nagsimulang magpapadyak ang mga paa sa inis. Kabaligtaran ng kay Beau na halos magkikisay na sa kilig. Naiiling na bumalik si Nicholas sa pagbabasa nung papel na nilalaman ng folder na hawak nya. (Noam's POV) "REMINDERS before you leave." Nakangiting saad ko habang hawak ang libro. "Assignment number one for the third quarter, chapter seven, lesson one, page two hundred fifteen. Copy and answer, okay?" Nagkanya-kanyang ungol sila bilang pagpo-protesta—nangunguna pa roon sina Salazar at Linus na parehong tila lantang gulay kung makaupo sa armchair nila dahil para na silang nakahiga. Kulang nalang ay bigyan mo ng unan at makakatulog na. Nameywang ako at nagkunwaring galit. "Anong nirerekla-reklamo nyo? Simpleng assignment lang, tinatamad na kayo." "Seeer! Konting kunot pa ng noo maniniwala na kaming galit ka." Nakataas ang kamay na anya ni Salazar. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko, mas nagsalubong yung mga kilay ko at pirming inismid yung labi ko habang inililibot ang tingin sa kanila. "Galit na talaga ako, kasi hindi nyo na ko sinusunod. Puro kayo reklamo." "Weeeh? Hindi nga sir?" "Ang cute cute nyo sir!" "Ayieeeeh nagtatampo si sir satin!" "Hala siiir I love you!" "Gagawa kami sir hihihi wag ka ng magalit!" Pinagtaasan ko sila ng kilay. "Totoo?" "Opooo!" "Sige." Pagpayag ko tsaka lumitaw yung pinipigil kong ngiti. "Kailangan bukas, lahat kayo may assignment. Kapag may isa sa inyo na walang assignment, hindi ko tatanggapin yung assignment ng lahat. Maliwanag ba?" Gusto kong tumawa nang makita kung paanong bumakas yung gulat sa mukha nila, paniguradong hindi nila inaasahan yung kondisyon ko dahil hindi naman ako mahigpit na guro. Pero kailangan kong maghigpit ngayon, third quarter na at ayokong magpapetiks-petiks lang ang mga estudyante ko lalo na't Senior High na sila next year. Hindi ko sila pinipilit na makakuha ng mataas na grado, pero ayokong maglagay ng 'failed' sa card nila. Yung tunog ng bell ang nagpahinto sa kanilang lahat. Para silang nakarinig ng nagkakantahang anghel dahil biglang nagsingitian yung mga estudyante ko habang nagmamadaling lumabas. "Bye sir!" "Ingaaat sir Noam!" "Bukas ulit sir!" Ngiti at pagtango nalang isinagot ko sa kanila bago inumpisahan yung pagliligpit ng gamit ko. Patapos na akong magligpit nang mapansin ko yung isa sa mga estudyante ko na nakayukong naglalakad palapit sakin kaya inihinto ko yung ginagawa ko. "Gianna, may problema ba?" "S-sir..." Taka ko syang pinakatitigan. Medyo namumutla sya at pinagpapawisan, hindi rin sya mapakali dahil panay ang pisil nya sa mga palad nya dahilan para mag-alala ako. "Uhm, ayos ka lang ba?" Sinubukan ko syang hawakan pero mabilis syang umiwas kaya mas lalo akong nag-alala. "Gianna? Anong problema?" "May... may sasabihin s-sana ako." "Ano yun?" Umawang yung labi nya pero wala ni isang salita ang lumabas doon kaya muli nyang itinikom yon bago mariing pumikit at umiling-iling. Mukhang may gusto syang sabihin pero may pumipigil sa kanya, pansin ko rin na parang namamasa na yung mga mata nya. "Gianna—" "S-sorry sir! U-uuwi na po pala ako, bye!" Sabay takbo. Hahabulin ko sana sya pero sakto namang pumasok sina Andrei kaya hindi agad ako nakasunod kay Gianna. "Oh, top student mo yun diba?" Nakalingon sya sa pinagtakbuhan ni Gianna bago nagtatakang lumingon sakin. "Anong ginawa mo?" "H-ha? W-wala akong ginawa sa kanya ah." Pagtanggi ko pero pinaningkitan nya ko ng mata na tila naghihinala kaya napalunok ako. "Eh ba't tumakbo?" Bahagya akong napanguso sa kanya. "Ewan ko." Wala naman talaga akong ideya sa kung anong gustong sabihin ni Gianna, siguro tatanungin ko nalang sya bukas. Ginaya nya ako at ngumuso rin bago tuluyang pumasok sa loob. Binalitaan nya lang ako tungkol sa mga kukuning form bukas para ibigay sa mga top students, sasalain na kasi namin kung sino yung mga pwedeng ipasok sa scholarship for tertiary education dito mismo sa eskwelahan. Kumpleto kasi dito mula preparatory hanggang tertiary level, magkakahiwalay lang ng building. Inaalala ko si Gianna, bukas ko nalang siguro sya kakausapin. Hindi naman nagtagal at nagpaalam rin agad si Andrei na aalis na dahil may mahalagang lakad daw sya, ginulo pa nya yung buhok ko bago umalis. Hindi na rin naman ako nagtagal at naglakad na rin palabas. Nang makarating ako sa gate ay puro pamilyar na boses ang naririnig kong nag-iingay kaya sumilip ako don. "Ateee! Sige naaa! Isabay mo na ko!" "No." Anya na nagpalunok sakin. "Bakit hindi mo ko isasabay?! Huhuhu! H-hindi mo na ba ako mahal?! Waaaaah!" "Sabay ka nalang samin ni daddy, Linus." "Waaaaah! Ayoko! Kay ate ako sasabay! Waaaaah!" "Go home, Linus. Tell our parents that I'll be home late." "ATE NOOOOOO!" Kumurap-kurap ako sa eksenang nadatnan ko sa labas ng mismong gate at agad na namula ang pisngi nang maalala kung bakit narito si Morgan. Oo nga pala, yung dinner. Prenteng nakasandal sya sa motor nya habang naka-angkla sa braso nya si Linus na kulang nalang ay maglupasay. Ngumangawa sya at nagulat ako nang mapansing may totoong luhang naglalandas pababa ng pisngi nya, samantalang yung ate nya naka-ismid lang, hindi mo matukoy kung naiirita na ba sya sa ginagawa ng kapatid o normal lang talaga yun sa kanya. Naroon rin si Salazar na nakatayo sa gilid malapit sa isang kotseng nakaparada. Hinihintay nya yatang matapos magmaktol si Linus. "Hindi mo na ko mahal, ate?! Huhuhu!" "Shut up. Stop being childish—" Nahinto sya sa sasabihin nang magtama yung tingin namin. "Noam." "Ahm. H-hi." Teka, ako lang ba o talagang nagliwanag yung mukha nya? I mean hindi sya ngumiti pero yung aura nya nagliwanag. Napatingin yung dalawa sakin pero si Linus nagpalipat-lipat yung tingin samin ng ate nya. Bakas doon ang paghihinala dahil naniningkit yung mga mata nya. Tumuwid naman ng tayo si Morgan bago naglakad palapit sakin. "I texted you. I've been waiting here for fifteen minutes already, I thought you ditched me." "Pasensya na hindi ko napansin kasi nasa bag yung phone ko—" Natigilan ako nang may mapansin sa bandang kanang parte ng leeg nya. "Teka, ano to? Dugo ba to? Nasugatan ka ba?" May pulang mantsa kasi doon, more on tumalsik. Nag-alala agad ako kasi baka mamaya may sugat sya na hindi nya alam. Kinapa nya yung parte ng leeg nyang tinitingnan ko tsaka tiningnan ang palad. Ewan ko kung ako lang ba talaga pero napansin ko kung paanong naging malamig yung ekspresyon ng mukha nya bago tuluyang pinunasan yon. Para bang nawalan bigla ng buhay yung mga mata nya nang makita yung mantsa sa kamay nya. "It's just a paint." "Paint? Nagpintura ka?" Tumango sya. "Yeah. I painted all day, part of my job." Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kasi talaga nasugatan sya ng hindi nya alam. Ngumiti ako bago pinagpag yung leather jacket nya, pinunasan ko rin yung doon banda sa kwelyo kasi may mantsa rin doon. Hindi halata sa una pero may mga talsik din doon. "Magsuot ka ng ibang damit kapag magpipintura ka sa susunod, namamantsahan yung damit mo." Nakatitig lang sya sakin kaya nagtataka ko syang tinitigan pabalik. Nakakunot rin yung noo nya at pirming nakatikom ang mga labi, tila ina-analyze yung sinasabi ko sa isip nya. "A-ano..." Kinamot ko yung batok ko. "Aalis na ba tayo?" Bumalik sa usual na ekspresyon yung mukha nya tsaka tumango bago humawak sa isang kamay ko. "Let's go." "Whaaat?! Saan kayo pupunta, ate?! Tsaka bakit hawak mo yung kamay ni sir?!" Naghi-hysterical na sambit ni Linus. Nakahawak sya sa sariling buhok habang nakanganga. "Ateee! Bakit magkahawak kamay kayo ni sir?! Anong ibig sabihin netooo!" "I have a dinner date with Noam." Ani nya na ikinasinghap ko. "D-d-d-date?! Dinner date?! DATE?!" Si Linus. "A-anong dinner date?" Lumunok ako bago lumingon kay Linus na tila hihimatayin na sa nalaman. "H-hindi ganon yon. Ahm. M-maghahapunan lang kami ng ate mo." Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak nya doon, ni hindi ko man lang maagaw. "Tara na, magsi-uwi na tayo!" Singit ni Mr. Trias na sumulpot nalang mula sa kung saan at inakbayan yung dalawang binata. "Ako na ang bahalang mag-uwi dito kay Linus kaya pwede na kayong humayo, mag-date at magpakarami." "Okay." Nanlaki yung mata ko at lalong nag-init yung buong mukha ko. "H-hindi nga po yun date! T-tsaka anong magpakarami? Wala kaming gagawing ganon, k-kakain lang kami!" Bumaling ako kay Morgan na nakatitig sakin. "Ikaw? Anong ino-okay-okay mo dyan?" Nagkibit balikat sya na para bang wala lang yon kaya napapantastikuhan akong napanganga. Hindi na sya nagsalita at basta nalang akong hinila patungo sa motor nya, samantalang sina Salazar at Linus ay inakay na ni Mr. Trias kahit panay ang palag ng kapatid ni Morgan. Grabe, anong okay-okay sinasagot nya? Huwag mong sabihin na sumasang-ayon sya sa ideya ni Mr. Trias? *** AKALA ko nung sinabi nyang dinner, sa isang simpleng fastfood restaurant kami kakain, pero mali ako. Pakiramdam ko hindi akma yung damit na suot ko sa pinagdalhan nya sakin. Sa labas palang halatang pang-mayaman tong restaurant na to, ang elegante at gara ng disenyo. Hindi rin crowded at malalayo ang mga lamesa, napalunok pa ako nang makita yung mga customer na simple lang ang mga suot pero halatang mayayaman. Sa tingin ko rin ay madalas sya rito, halos lahat kasi ng staff magmula sa guard hanggang sa mga waiter ay binabati sya kahit nilalagpasan nya lang ang mga yon. "Good evening, Miss Morgan." Bati ng isang waiter na sumalubong samin. "To your usual table?" Tumango sya bago luminga-linga. "Where's your boss?" "He's on the kitchen, Miss Morgan." Marahan akong hinila ni Morgan mula sa likuran nya patungo sa tabi nya tsaka ako inakbayan. Hindi nalalayo yung height naming dalawa kaya madali lang para sa kanya ang akbayan ako. Nakita ko kung paano nangiti yung waiter sa ginawang yon ni Morgan kaya muling nag-init yung mukha ko sa kahihiyan bago nag-iwas ng tingin. Ang kaso ay pati yung ibang waiters na nakamasid samin ay nakangiti kaya kay Morgan ko nalang ibinaling yung tingin ko. "Tell your boss that I want him to personally handle our dinner, if not, I'll burn this restaurant of his." Nalaglag yung panga ko bago naiilang na nginitian yung waiter. "Ano, nagbibiro lang sya." Sansala ko dahil natigilan yung waiter sa sinabi nya. "No, I'm not." "Uy, tumigil ka nga." "I'll really burn this place, Noam." Pinandilatan ko sya tsaka mahinang tinapik sa kamay na ikinalingon nya sakin. "What?" "Masama magbanta sa iba." Tinitigan nya lang ako ng ilang segundo bago pinisil yung pisngi ko. Kakaiba talaga sya. Yumuko yung waiter sa amin na may sinusupil na ngiti. "Noted, Miss Morgan." Iminuwestra nya yung daanan. "Please, this way to your table." Sinundan namin sya pero itong kasama ko parang nasa ibang planeta ang isip. Habang naglalakad kasi kami panay ang pisil nya sa balikat ko, hindi pa nakuntento at talagang pati pisngi ko sinimulan nyang sundot-sundutin. Lahat tuloy ng atensyon ay nasa amin, siguro nawiwirduhan sa pinaggagagawa nya. "Bakit ba panay ang sundot mo sa pisngi ko?" Hinuli ko yung kamay nya kaya doon dumako yung tingin nya. "Hindi naman mataba yung pisngi ko pero panay yung sundot at kurot mo." "You're so cute in my eyes that I couldn't even contain myself from touching your face every second." Kinagat ko yung ibabang labi ko. "Iba nalang yung pagkaabalahan mong hawakan, hindi naman stufftoy tong mukha ko para panggigilan mo eh." Pantay na umangat yung mga kilay nya. "You want my hands to touch you somewhere?" Halos pabulong nyang saad tsaka dahan-dahang bumaba ang tingin kaya sinundan ko yun at pinasadahan din ng tingin yung sarili ko. Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang mapagtanto kung saan sya nakatingin—doon sa ano ko! Kaya agad kong tinakpan ng kamay ko yun tsaka sinimangutan sya. "M-morgan naman?" "What?" "Anong what? A-ang bastos mo." Pasimple ko syang inirapan tsaka bahagyang tinalikuran habang magkasabay pa rin kaming maglakad. "Kababae mong tao, kung ano-anong pinagsasabi mo." Narinig ko yung mahinang pagtikhim nya bago humawak sa isang kamay ko at marahan akong hinila para magkaharap kaming muli. "You sound upset." "Hindi ako galit, pero hindi tama yun, okay? Lalo na't nasa public tayo." Nangislap yung mga mata nya tsaka namamanghang umawang ang labi. "You mean, it's okay if we're in private?" "Morgan!" Saway ko na may kasamang tapik sa kamay nya. Pakiramdam ko pulang-pula na talaga yung mukha ko. "A-ano ka ba..." Lumitaw yung pilyang ngisi sa labi nya na mas lalong ikinapula ng mukha ko. Bumalik nanaman yung hindi ko maintindihang bilis ng t***k ng puso ko tulad kaninang umaga. E-eto nanaman, hindi kaya epekto to ng sleeping pills ko? Baka kailangan ko ng bumisita ulit sa doktor ko. "I'm just kidding." Tumabingi yung ulo nya tsaka kinurot yung tungki ng ilong ko. "I love seeing you making that grumpy face, you look like an angry tomato who wants to explode in embarrassment. So cute." Iniwas ko yung tingin ko sa kanya habang nakanguso. Sa totoo lang, nagsisimula na akong mai-stress kay Morgan, mas nakaka-stress sya kaysa sa mga estudyante ko. Lagi lang akong kalmado pwera nalang kapag may panic attacks pero kay Morgan? Sa tingin ko nawawala yung pagka-kalmado ko sa tuwing nandyan sya, iba yung epekto nya sakin. Wala na ni isang nagsalita saming dalawa hanggang sa makarating kami sa VIP table na nirequest nya, umalis rin yung waiter para ipahanda yung order namin. Mas malayo itong table namin kaysa sa mga mesa na nadaanan namin kanina, mas malaki rin ng konti yung space at talaga namang may privacy kasi tahimik sa pwesto namin. Mas makakapag-usap kami ng maayos dahil hindi masyadong rinig yung ingay mula rito. Nang mapatingin ako sa kanya ay bahagya pa akong nagulat, paano ba nama'y nakatingin rin pala sya sakin. Tuwid na tuwid yung pagkakaupo nya kahit nakasandal sya pero nakadekwatro na pambabae ang mga binti, ngayon ko lang rin napansin na nakapagsindi na sya ng sigarilyo at ekspertong hinithit iyon. "You look quite amazed." Sambit nya tsaka bumuga ng usok sa gilid. "First time?" "Hindi ko alam na may ganitong restaurant dito." Pag-amin ko. Saglit syang kumurap-kurap bago tumaas ng kaunti yung sulok ng labi na tila ba gustong matawa. Gusto kong mamangha dahil kada kibot ng labi nya nag-iiba yung aura sa paligid nya. "You've never been here or you never heard about this restaurant? Which one is it?" "Hmn. Pareho. Madalang akong kumain sa labas." Pinaningkitan nya ko ng mata bago tumango. "D*mn, the owner will surely get upset." Kumunot yung noo ko sa pagtataka, hindi ko kasi nakuha yung ibig nyang sabihin. Tumikhim nalang ako tsaka nagtanong. "Ikaw? Mukhang madalas ka rito." "Hmn. This is where I eat my lunch everyday." Dinampot nya yung menu mula sa mesa tsaka iniabot sakin. "Here, choose whatever you want, my treat." "Hindi mo ko kailangang ilibre, maghati nalang tayo sa bayad." "No. I took you here, so I'll pay for it." "Morgan, hindi lang ikaw ang kakain. Dalawa tayo kaya dapat lang na pareho tayong magbayad." Pinagtaasan nya ako ng kilay na para bang nanghahamon. "Can you afford it, though?" Napasimangot ako. Bakit parang nagyayabang yung tono nya? Hindi naman siguro aabot sa lilibuhin yung kakainin namin, mukha naman afford ko kahit isang putahe man lang. "Oo naman, kahit papaano ay sapat yung sweldo ko." "Okay, if you say so." Binuksan ko yung menu at nagbasa-basa pero agad rin akong nanlamig nang makita yung presyo. Hala! Overpriced naman tong mga to! Isang pinggan ng pasta halagang dalawang daan? Sobra naman yata yon? Yung pasta na yon isang kainan lang, eh samantalang budget ko na yung halaga non ng dalawang araw. Pero teka, kung ganito yung presyo ng pagkain dito at madalas kumain dito si Morgan—i-ibig sabihin mayaman sya?! T-teka, oo nga, malamang mayaman sya kasi sa private school nag-aaral si Linus. Suko akong bumuntong hininga. Hindi ko nga afford. "I told you, my treat." Bahagya akong ngumuso tsaka ibinaba yung menu. Ayan nanaman yung sulok ng labi nyang nakaangat habang nakaipit sa pagitan non yung sigarilyo. Parang ang yabang-yabang ng dating non kahit na normal lang naman yon. "O-oo na." Pagpayag ko bago lumunok at iniwas ang paningin ko sa kanya para hindi ko makita yung pagngisi nya. "P-pero sa susunod, ako naman ang manlilibre." May kung anong emosyon yung kumislap sa mga mata nya pero nababasa ko yung pagkamangha sa mukha nya dahil sa pagka-awang ng labi nya. "You'll treat me, Noam?" "Oo naman." Humalumbaba sya gamit ang isang kamay habang ang sigarilyo'y nakaipit sa pagitan ng daliri nya. Naningkit yung mga mata nya kasabay ng pagbasa ng dila nya sa ibabang labi nya bago muling umangat yung sulok non. "Great, I can't wait for that." Lumunok-lunok ako tsaka kunwaring nagbasa nalang ulit nung menu dahil kung patuloy kong lalabanan yung titig nya ay matatalo ako, lalo na't tila nanghihigop yung kulay kayumanggi nyang mga mata. "YOU GREEN HAIRED B*TCH!" Sigaw ng kung sino mula sa kung saan na nagpaigtad sakin. Napalingon ako sa likuran ko at doon nakita ang isang lalaki na padabog na naglalakad patungo sa direksyon namin. Base sa namumula nyang mukha at halos mag-usok na mga ilong at tenga ay malamang galit na galit sya, kasunod nya ang iilang waiter at chef na hindi alam kung hahawakan sya o hindi. Pero hindi ko maiwasang hindi mamangha, magandang lalake sya at halatang mayaman doon sa suot nyang itim na bulaklaking polo na naka-tuck in sa pants nya, bukas ang iilang butones non dahilan para lumitaw yung matipuno nyang dibdib. Pansin ko rin na lahat ng kababaihan sa paligid ay nakatitig sa kanya. Nang tuluyang makalapit ay mabilis nyang hinablot yung stick ng sigarilyong hawak ni Morgan tsaka binato sa carpeted na sahig at inapak-apakan. "Didn't your parents taught you how to f*ckin read?!" Tinuro nya yung signage sa pader. "B*tch, look at this! THIS IS A 'NO SMOKING' SIGN!" "Where's the food?" Walang emosyong tanong ni Morgan, hindi alintana yung galit na mukha ng kausap. "What food?! What food?! NO FOOD FOR A GREEN HAIRED B*TCH! Pagkatapos mo kong pagbantaan na susunugin mo tong restau ko—how dare you! I'm not your f*ckin servant okay?! Tigil-tigilan mo kakautos sakin dahil hindi mo ko utusan, utak lumot!" U-utak lumot? "What? How come there's no food? I'm famished." "B*tch, magtiis ka! Famished-famished—you think I'm your errand boy or something?! Pare-pareho kayong magto-tropa ginagawa nyo kong utusan!" Dahan-dahan akong sumiksik sa kinauupuan ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. Sobrang nakakatakot kasi yung lalake, halos mag-usok na yung ilong at tenga nya na parang takure sa galit. Nagpatuloy sila sa pagsasagutan habang nanonood lang ako sa isang gilid, sa totoo nga lang hindi sagutan yon dahil halos lumabas na yung ugat nung lalake sa leeg kakasinghal kay Morgan pero itong isa tila inaantok pang makinig sa kausap. "You're loud." "And who the f*ck cares if I'm loud?! I'm in my restaurant and nobody here cares if I'm f*ckin loud—" Natigilan sya nang mapalingon sakin. Tila nawala yung pag-uusok ng ilong at pamumula ng mukha nya pagkalingon nya sakin pero salubong ang mga kilay nyang nakatingingin sakin kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti at kawayan sya. "H-hello." Hindi nya ko sinagot. Nagtatakang lumingon sya pabalik kay Morgan na binigyan sya ng makahulugang tingin. Ilang segundo pa ang nakalipas ay umismid sya tsaka pa-irap na humarap sakin. "Do you have any allergies?" Kumurap-kurap ako. "Uhm. Peanuts." Bumaling sya sa katabing chef. "You heard the boy? Special dinner without nuts." B-boy? A-ako? Hindi ba dapat man? A-adult na ko. "Yes, boss. Special dinner without nuts, coming right up." Agad na tumalima yung chef at sinenyasan ang mga kasamahan pabalik sa kusina. Tinaasan nya ng kilay si Morgan. "We will talk some other time, Verdan. For now, your dinner will be serve after fifteen minutes, enjoy the appetizers created by my head chefs first as I assist my cook in preparing your dinner." Pinasadahan nya rin ako ng tingin bago hinawi paitaas ang buhok. "Nice to meet you, by the way." "A-ah, nice to meet you rin." Nakangiti kong bati habang tumatango. Nagkrus yung mga braso nya sabay ikot ng mga mata. "Whatever. Ciao." Tumalikod sya at naglakad palayo. Nilingon ko si Morgan na nagsisindi na muli ng panibagong sigarilyo. "S-sino yun?" "Theodore Scott, the owner of this restaurant, The Scottified." "Ah, magkakilala kayo?" She nodded. "We're friends." "Friends?" Niyakap ko yung sarili ko tsaka lumunok. "Kulang nalang saktan ka nya kanina dahil galit na galit sya, t-tapos friends kayo?" Nagtataka nyang itinabingi ang ulo. "Isn't that what friends do?" Saglit na umawang yung labi ko bago ako bumuntong hininga. Nakalimutan ko, medyo ignorante pala si Morgan sa ibang bagay. Hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD