(Third Person's POV) "AAAAAH! Help! Tulong! Tulungan nyo kame!" Sa lakas ng sigaw na yon ay imposibleng walang kapitbahay ang makakarinig sa kanya at sa dalawang taong nakayakap rin sa kanya. Tatlo silang kasalukuyang umiiyak habang nasa isang sulok, para silang nanlalata sa kalaban na kaharap nila. "Daddy, is this the end?" Tanong ng anak nyang bunso. Wala syang ibang maramdaman kundi awa para sa dalawang anak na lalong napakapit sa kanya pero imbes na malungkot ay mas ngumiti pa sya. "Wag kayong mag-alala mga anak, may parating ng tulong." Paniniguro nya tsaka hinalikan sa noo ang anak na babae bago ang bunso. "Wag tayong mawalan ng pag-asa, alam kong may taong darating para saklolohan tayo-" "What the f**k is this screaming all about!?" Putol ng boses na kabababa lang ng hagdan.

