Chapter 17

4087 Words
(Third Person's POV) "JOKE lang." Naguguluhang nagsalubong yung mga kilay ni Morgan nang biglang bawiin ni Noam yung sinabi nito. "What?" Humawak sya sa magkabilang balikat ng lalaki. "What joke? What do you mean?" "Binibiro lang kita." Ngumiti si Noam tsaka tinanggal ang salamin para punasan yung luha sa mukha nya pero nagtutuloy-tuloy lang iyon. "Are you f*ckin kidding me?" Tumawa si Noam habang patuloy na kinukusot ang mata. "Sorry, ang seryoso mo kasi kaya kusa na lang lumabas sa bibig ko yon." Pinakatitigan sya ng babae. Nakangiti si Noam pero hindi umaabot sa mata, namumula na yung ilong at palibot ng mga mata nito. Hindi nagtutugma yung mga sinasabi nya sa reaksyon na nakikita ni Morgan. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Morgan tsaka mariin na pumikit. Makalipas ang ilang segundo ay sinapo nya yung magkabilang pisngi ni Noam tsaka pinisil ng sobrang diin na ikinagulat nito. "A-aray!" Hinimas ni Noam yung sarili nyang pisngi nang bitawan sya ng babae tsaka pinandilatan ito ng tingin. "B-bakit ka nangungurot ng pisngi? Ang sakit nun!" "For you to wake up and to realize that you were never that great of a liar." Bahagyang nahinto si Noam mula sa paghimas ng pisngi, kinuha naman ni Morgan ang pagkakataon na yon para kunin yung parehong kamay nito tsaka mahigpit na hinawakan sa kabila ng pagkakaroon ng sugat sa kabilang kamay. Bumaba doon yung tingin ni Noam habang lumulunok. "It must have been hard for you to keep this all by yourself." Bulong ng babae habang hinihimas ng hinlalaki nito yung mga daliri nya. "Having no one at your side to comfort and ease the pain that you've been keeping for so long." "A-ano bang sinasabi mo?" Pagmamaang-maangan nya tsaka marahang hinila ang kamay. "I'm not a fool, Noam." Muling sunod-sunod na napalunok si Noam bago tuluyang tumayo tsaka tinalikuran ang babae pero nahabol sya nito tsaka niyakap mula sa likuran. Natitigilan syang napahawak sa braso nitong nakapalibot sa bewang nya. "Morgan..." "Your expressions and your actions sums up everything, I may not be a doctor like Charlotte but I can feel it." Sumandal si Morgan sa balikat nya kaya mas lalo syang nanigas sa kinatatayuan. "That panic attacks that you experienced on the second time we meet, the anxiety that you've been enduring whenever you're in a public place, those several bottles of sleeping pills that I saw the first time that I've been here—I noticed all of it but I'm not saying a word. I told you, didn't I? You don't need to rush it, just tell me when you are ready." Tumahimik sya. Wala syang maisagot dahil kagat-kagat nya ang ibabang labi habang pilit na nakapikit ang mga mata para pigilan yung muling pagbabadya ng luha sa sulok non pero hindi rin nya napigilan. Kaya naman ay humugot sya ng malalim na hininga para pigilan ang pagiging basag ng boses nya. "Bakit ako?" Halos pabulong na tanong nya. "What?" "Marami naman ibang lalaki dyan na pwede mong magustuhan, kaya bakit ako pa?" Inangat ni Morgan yung ulo nya tsaka ipinatong ang baba sa balikat nito habang nakatingin sa mukha ni Noam. "Why not you?" "I'm already broken, Morgan." Tuluyan nabasag yung tinig ni Noam, nagtuloy-tuloy na rin yung luha nya. "My dignity and pride as a man was already shattered and gone into thin air eversince I was abused. I have nothing inside anymore kaya bakit ako? Maraming lalaki sa mundo kaya bakit ka magse-settle sa isang katulad ko?" Umalis si Morgan mula sa pagkakayakap sa kanya para lumipat sa mismong harap nya. "You're asking me why you? Noam, you're the only one that I want and will always have been. What's so hard to believe in that?" "Naiinis ako sa sarili ko, hindi ako deserving para sayo." "But you deserve to have me." May diin nitong saad, ang kamay ay muling sumapo sa magkabilang pisngi habang ang mga hinlalaki ay pinapahid yung luhang walang tigil sa pag-agos pababa ng pisngi. "I don't want to argue with you anymore because you'll be wasting your time proving to me that you're unworthy, filthy and useless which is the total opposite of what I see in you." Hindi na napigil ni Noam yung pagkawala nung mahinang paghikbi nya. Para syang batang nasugatan na hindi kayang patahanin, bahagya ring umaangat baba ang balikat na para bang kinakapos agad ng paghinga kahit na iilang minuto pa lang umiiyak. Si Morgan naman ay seryosong nakatitig sa kanya, patuloy na pinapahid yung luhang nasa pisngi nya kahit alam naman nitong wala ring silbi dahil sa tuloy-tuloy na agos non. "N-nahihiya ako kasi... kasi kalalaki kong tao p-pero nagawa akong..." Huminga sya tsaka bahagyang tumingala. "I'm sorry, Morgan." "Never apologize for being a victim, Noam." Hinawi-hawi nito yung bangs nyang dumidikit na sa noo nya dahil sa pawis at luha. "Being a victim of abuse is something that you should not be ashamed of, yet it is something that you should not be proud of either." Humihikbing tumango si Noam, panay ang singhot at pagpunas nito ng luha gamit ang mga braso. Umangat naman yung kamay ni Morgan patungo sa noo nito para punasan yung pawis gamit ang sariling palad. "There's nothing wrong with you, please stop blaming yourself. We both know that it's not your fault that they are motherf*ckin *ssholes, the fault is not yours and it will never be yours so please don't blame yourself. You're the victim, you did nothing wrong." Muli itong tumango na parang isang batang nakikinig ng mabuti sa sinasabi ng nakakatanda. Bumaba yung kamay ni Morgan sa isang kamay nya tsaka mahigpit na hinawakan. "I... I was raped multiple times, by multiple people..." Anya ni Noam nang bahagyang kumalma pero ang boses ay nanginginig, hindi malaman kung dahil ba sa galit o takot. "I don't even know how many of them already used me, I don't know who took turns on taking me, ni hindi ko na alam kung ilang beses na ba akong nagamit kasi napagod na lang akong magbilang. N-napagod akong lumaban, napagod akong mabuhay. I reached the point wherein I never even uttered a word because I know that my complains will never be heard. "I want to die. I tried to do suicide but I always ended up alive. The scars on my body was gone but the wounds inside me has never been healed. I'm still broken, hindi ko alam kung kailan ako mabubuo ulit, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Morgan. Ang hirap at ang sakit, kasi gusto ko lang naman mabuhay, gusto ko lang makaranas ng maayos na buhay pero hindi yun ang ibinigay sa'kin. Sa lugar na pinanggalingan ko, doon ko lang nalaman na ang halaga ng buhay at katawan ko ay katumbas lang ng iilang bilyon kaya sabihin mo sa'kin, Morgan, gugustuhin mo pa rin ba ako?" "Yes." Walang kakurap-kurap na sagot ng babae. Medyo natigilan si Noam sa mabilis na sagot ni Morgan sa kanya, halatang wala iyong pagdadalawang isip dahil napakalalim ng pagkakatitig nito sa kanya. Mariin nyang kinagat ang ibabang labi. "I was sexually harassed at the age of 13, auctioned at the age of 14 and was named as an official s*x slave at the age of 15 and so on. Marami ng gumamit sa'kin! Pinagpasapasahan, pinag-agawan, pinagsabay—name it! Marumi na akong tao, kaya bakit nagtitiis ka sa'kin?" May pagmamakaawa sa tono ng boses nya. "Because you are Noam." Pagdidiin nito. "The guy who pushed me on the bridge instead of pulling me, the guy that I saved on the bar against those filthy thugs, the guy that coincidentally happens to be my brother's homeroom adviser, the guy that I personally took on what I considered as my first real date, the guy that personally cooked for me, the guy that unconsciously changes me in an unexpected way—It's you, Noam." "Hindi ka ba nandidiri sa'kin?" Umiling ang babae. "That will never happen." "Pero Morgan—" "If you can't love yourself then let me do it for you." Putol nito sa kanya. "Morgan naman..." "What part of the 'I like you so I'm not leaving you' phrase that you can't understand? I'm not saying that I can't live without you because that's foolish, but I'm not going to deny it either that my life is not the same anymore without you in it." "Pero natatakot ako..." Pag-amin nya habang nagsisimula na namang dumagsa yung luha sa sulok ng mga mata nya. "Wala pa tayong isang buwan pero parang hindi ko na agad kakayanin kapag iniwan mo ko." Kinuha ng babae yung parehong kamay nya tsaka hinalikan yung likuran ng palad nya habang ang mga mata ay sa kanya nakapako. Napalunok sya sa ginawa nito, nagdulot ng kakaibang init sa puso nya yung kilos na yon. "It's okay to be afraid. If you're scared of losing me then that means you're falling for me right?" Anya nito. Hindi sya nakasagot dahil wala syang mahagilap na salita. Kaya naman nang lumapit ito para sakupin yung labi nya ay nagpaubaya sya. Marahan yung paggalaw ng labi nito na para bang sinasadyang bagalan para damhin yung lambot ng labi nito. Bahagya tuloy syang nadadala at sandaling nakakalimot kahit na patuloy yung pagbagsak ng luha nya. "I'm happy to hear that you don't want me to leave your side." Hinimas nito yung pisngi nya. "However, there's no reason for you to be scared." "W-wala ba talaga...?" Usal nya nang saglit na maghiwalay yung labi nila para kumuha ng hangin. Napangiti si Morgan bago tuluyang humiwalay sa binata. Ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa kamay nito habang ang isa ay nakahawak sa batok nito. "Dito ka lang sa'kin, Noam." Bulong nito habang kinikintalan ng maliliit na halik si Noam mula sa labi, pisngi at panga. "Aalagaan kita, poprotektahan at mamahalin. Hindi mo kailangang mag-alala dahil marami akong dahilan para hindi ka iwan at sisiguraduhin kong mararamdaman mo araw-araw yung dahilan na yon habang nananatili ako sa tabi mo." Nang marinig yon ay kagat ang labing niyakap nya ang babae ng mahigpit. Mas lalo pang gumaan yung pakiramdam nya nang hawakan nito yung ulo nya para isandal sa balikat nito habang hinihimas ng isa pang kamay yung likuran nya. "T-thank you, Morgan." (Noam's POV) HALOS hindi ako makadilat nang magising ako kinabukasan. Alam ko naman kung bakit pero hindi ko inasahang talagang mamamaga ng ganito yung mga mata ko. Hindi ako OA, totoong hindi talaga ako halos makadilat dala ng pamamaga non. Hindi rin ako makahinga dahil sa sipon ko at nananakit yung lalamunan ko, pakiramdam ko ayaw akong patayuin ng kama dahil bukod sa lambot ng bagong kutson ay tila ba napakabigat ng katawan ko. Medyo kumikirot din yung ulo ko. Ngunit kahit na ganon ay masaya naman ako kasi magaan na yung pakiramdam ko. Para bang nabawasan yung halos kalahati ng stress na dinadala ko dahil sa pag-uusap namin ni Morgan kahapon. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras pero agad ring nawala yon nang sunod-sunod akong napaubo. "M-morgan?" Tawag ko sa paos na boses tsaka ko sinubukan maupo, pilit kong idinidilat yung mata kong parang inaantok na ewan. "Morgan..." Wala akong narinig na tugon pero sapat na yung kirot ng pagpitik ng daliri nya sa noo ko para malaman kong nasa tabi ko lang sya. "Don't move." "A-ang sakit." Saad ko tsaka bumalik sa paghiga habang umuubo. "Where?" Tinuro ko yung sentido ko tapos yung lalamunan ko. Hinawi nya naman yung buhok ko tsaka ako pinakatitigan saglit, matapos non ay tsaka lang sya kumilos. Sinundan ko sya ng tingin nang tumayo sya mula sa pagkakaupo sa tabi ko para dumiretso sa bagong ref. May kinuha syang kung ano mula sa loob non at kumuha ng baso para salinan ng tubig bago bumalik sa'kin. Naupo sya ulit sa tabi ko tsaka nakasimangot na sinalat yung noo ko. Teka, bakit sinasalat nya yung noo ko? May sakit ba ko? Wala naman akong sakit ah. "S-sa tingin ko, ubo't sipon lang 'to." Kinuha ko yung kamay nya para alisin sa noo ko pero pinitik nya lang ulit yon. "Aww, b-bakit mo ko pinipitik?" "You're burning with fever." Natanga ako sa kanya. So may sakit nga ako? Pero paano? Sinalat naman nya yung leeg ko tsaka pumalatak habang umiiling-iling, binalatan nya yung gamot at iniabot sa'kin na nagtataka kong tinanggap. "Bakit naman ako lalagnatin? Hindi naman ako naulanan o naambunan kahapon, imposible yon kasi tirik na tirik yung araw." Ininom ko yung gamot at tubig tsaka ibinalik sa kanya yung baso. "Dummy, you spent one and a half hour taking a bath last night before going to bed, remember?" Napaungol ako sa inis nang maalala na nagbabad nga pala ako sa banyo kagabi—hindi ako nagsenti, may bathtub na kasi ron kaya sinubukan ko lang gamitin kaso nakaidlip ako. Ewan ko paano nya napakabitan ng bathtub yon ng mabilisan. Pumwesto sya ng patagilid na higa sa tabi ko, ang ulo ay nakasandig sa kaliwang braso kung saan ang siko ay nakatukod sa kutso. Ang kanang kamay naman ay humihimas sa noo ko, hinahawi-hawi yung bangs kong tumatakip doon at paminsan-minsan ay pinipindot-pindot yung namamaga kong mata, o di naman kaya ay pinipisil yung tungki ng ilong ko. "You took a bath for so long that's why you got a cold, also maybe it is because you cried a lot yesterday." "May nilalagnat ba sa pag-iyak?" Takang tanong ko na ipinagkibit balikat nya. "I said 'maybe', meaning I'm not sure." Bahagya akong ngumuso habang nakatitig lang sya sa'kin. Inaantok talaga ako kahit na kagigising ko lang, dala siguro ng lagnat 'to. Habang magkatitigan kami ay bigla kong naalala yung pinag-usapan namin, dahilan para mapalunok-lunok ako. Hindi yun panaginip diba? I mean, para kasing ang saya lang kung talagang totoo yon. "You're smiling." Dumako yung kamay nya sa bewang ko para yumakap. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin habang namumula yung tuktok ng tenga ko. "A-ano, Morgan..." Umubo ako para palinawin yung paos kong boses. "May tanong ako... k-kung... kung okay lang sana?" "Sure." "Y-yung kahapon ba... ano... yung k-kahapon, totoo ba yung sinabi mo?" "Hmn..." Tanging saad nya habang nagsisimula na naman humalik-halik sa pisngi at panga ko. "A-anong hmn?" "What do you think?" "E-ewan ko... baka kasi mamaya... h-hindi pala." Mahina syang natawa na ikinalingon ko. Nanlaki yung mga mata ko at agad na pinamulahan ng mukha nang bumangon sya para pumaibabaw sa'kin. Hindi ko naman ramdam yung bigat nya pero naiilang ako, lalo na noong bahagya syang yumuko para sapuin yung magkabilang pisngi ko para halikan—teka, bakit nya ko hinahalikan?! "M-morgan hindi pa ako nag-toothbrush." Pigil ko sa kanya pero nagpatuloy lang sya. "Morgan!" "Aww. You're hurting my feelings, don't you want my kisses anymore?" Kunwaring nasasaktan na anya na ikinahinto ko. Imbes na ma-cute-an ay medyo naalibadbaran pa ako sa way ng pagkakasabi nya non, para kasing pilit na pilit yung pagpapaawa nya tsaka hindi akma yung sinabi nya sa reaksyon ng mukha at tono ng boses nya! Nakangisi sya ng konti pero yung tono ng boses nya seryoso—basta hindi akma sa kanya! "H-hindi pa nga ako kasi nagto-toothbrush t-tsaka may lagnat nga ako diba? Baka mahawa ka." Lalong tumaas yung sulok ng labi nya na tila natutuwa sa mga pinagsasasabi ko. "Do you have any idea on how cute you are?" "Morgan..." "You're cute asf." Kumunot yung noo ko. "Asf?" Ano yung asf? "It means 'as f*ck'. It is used as an expression on text messages that states something being 'extreme'." "A-ah." "Want me to explain the meaning of 'f*ck' too?" "No, thank you." Mabilis kong sagot nang makita kung gaano kaganda yung pagkakangisi nya ng pilya. "You're so adorably soft and innocent that makes me want to lay in your side everyday just like this." Sabay pisil sa pisngi ko, ang labi ay dumadampi-dampi sa labi ko. "I'll never get tired doing this. I've never been so hyped around someone that I just met weeks ago." "A-ano nga kasi? Hindi mo sinagot yung tanong ko." "You already know the answer." "So... totoo nga?" "Yeah." Hinto nya tsaka pinisil yung tungki ng ilong ko. "Why? Have you forgotten already?" "T-totoo nga kung ganon." Napangiti ako tsaka tumango. Grabe, sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw. Hindi ko ma-describe kung gaano ako kasaya ngayon, na para bag nawala yung mabigat na dindala ko sa loob ng ilang taon. Medyo nakakapagtaka lang kasi hindi naman ako ganito kasaya nang maikwento ko kay Charlotte at sa pamilya nya yung dinanas ko. Gumaan yung pakiramdam ko pero hindi tulad nito. Ngayon, parang pati paghinga ko ay maluwag. Ang saya-saya lang. "Hey, why are you crying? Stop it." Pinahid nya yung pisngi ko tsaka humalik sa sentido ko. "God, Noam, you're burning in fever while your eyes and nose are still swelling from crying too much yesterday. If you're going to cry again you'll be having a hard time opening your eyes." "M-masaya lang ako. Sobrang saya." Saad ko habang nakangiti sa kanya. Saglit nya naman akong tinitigan bago umiling tsaka nagpakawala ng magaan na ngiti. "Yeah, me too. I'm very, very happy." Anya habang sinsero ang pagkakangiti nya sa'kin na mas lalong nagpagaan sa nararamdaman ko. "So happy that I have enough grudge to kill everyone who harmed you." "Huh? Anong sabi mo?" Hindi ko narinig yung huling sinabi nya dala ng sobrang hina ng boses nya. "Nothing."  Sinalat nyang muli yung noo ko tsaka pumalatak. Pagkatapos non ay nilingon nya yung orasan na nasa pader—hala, pati wall clock ko napalitan? Hindi naman sira yun ah. "Stay here and rest well, I'll just call Theodore to check if he's on the way. He'll deliver our food today." "Oh, okay." Humalik sya sa noo ko na ikinapula ng mukha ko. "Thank you, Morgan." "No worries, sunshine." Ngiti nya sabay kindat. *** "GO, get some good sleep." Taka ko syang sinundan ng tingin. Nagsuot kasi sya ng jogging pants at sando tapos patingin-tingin sa orasan. "May lakad ka?" Umiling sya bago lumapit sa'kin para muling i-check kung bumaba na ba yung lagnat ko. "Hmn... So far, your temperature decreased a bit but you still need to take a rest and take some meds." Nakangiti syang humalik sa pisngi ko tsaka tumayo. "I'll buy some medicines for you in the nearby pharmacy. Don't worry, I'll be quick." "Okay." Nginitian nya lang ako ulit bago tuluyang lumabas. Napahikab ako habang inabala na lang yung sarili ko sa pagtitig sa kisame. Medyo naba-bagot ako ngayong araw dahil kanina pa ako nakahiga rito. Kumain na rin ako, nakapag-asikaso na rin ng sarili pero wala akong ibang magawa bukod sa mahiga para magpahinga. Grabe ganito pala yung pakiramdam kapag may nag-aalaga sayo? Sobrang maasikaso nya, konting kibot laging nakaalalay. Kinikilig tuloy ako. Hindi ko mapigilan ang hindi pagngiti, pero napasimangot ako nang may maalala. Ano na kayang pinagkaka-abalahan ng mga estudyante ko? Panigurado tuwang-tuwa yung mga yon kasi absent ako. Hmp. Akala nila hindi ko alam. "Teka nga, nasaan ba yung cellphone ko." Sinubukan kong maupo at sumandal sa headboard ng kama, nang maabot yung cellphone mula sa katabing bedside table. Medyo nanakit yung mata ko pero hindi naman ako magtatagal mag-cellphone. Inisa-isa ko yung messages na naroon. Nangunguna yung kay Jethro na may limang messages, sunod si Enzo at Andrei. Nagtaka pa ako ng makitang may message din si Linus at Salazar, tinatanong kung buhay pa raw ako na ikinasimangot ko. Lagot sa'kin yung dalawang yon. Kahit na naiinis ay sinave ko pa rin yung number nilang dalawa. Re-replyan ko sana nang lumitaw yung caller ID ni Charlotte. Tumikhim muna ako bago sinagot yung tawag nya. "Hello." "Noam! Anong nangyari? Ayos ka lang ba!? May masakit ba sayo!? Sabihin mo sa'kin kung hindi mo na kaya, pupuntahan kita!" "Ah, hahahaha lagnat lang 'to—" "Anong lagnat lang!? Baka naman kung ano ng nangyari sayo dyan! May ginawa ba si Morgan sayo!?" "Huh? Wala ah." Ngumiti ako kahit hindi nya nakikita. "Inalagaan nga nya ako, lumabas pa nga sya para bumili ng gamot ko eh." "Sigurado ka!? Baka mamaya pinagtatakpan mo lang mga kalokohan ni Verdan sayo!?" Ngumuso ako. Anong klaseng mga kalokohan ba? Yung kalokohan lang naman na ginagawa nya madalas ay yung nakaw ng nakaw ng halik o di naman kaya ay yung mahahalay nyang pinagsasasabi, bukod naman doon ay wala na. "Hindi ko sya pinagtatakpan kasi wala naman talagang dapat pagtakpan." Nilaro-laro ko yung parte ng kumot na hawak ko habang nangingiting kausap sya. "Paano mo pala nalaman na may sakit ako? Sinabi ba ni Morgan sayo?" Umungol sya sa kabilang linya na para bang may naalalang hindi kanais-nais na pangyayari. Ginagawa nya yon kapag naiinis sya eh. "Yun na nga eh! Malamang wala syang balak sabihin sa'kin kasi alam nyang pupuntahan kita! Nyeta sya!" Natawa ako sa sinabi nya, malamang ay nagdadadabog na sya sa pwesto nya. "Si Theo ang nagsabi sa'kin, masama raw pakiramdam mo baka raw kung pwede puntahan kita para tingnan ang kaso ay medyo busy ako rito sa clinic ko." Nanlaki yung mata ko. "T-talaga?" "Oo, eh sabi ko nga baka ibalibag ako nung utak lumot naming kaibigan kapag pinuntahan kita—SAGLIT LANG! HINDI KA MAKAPAGHINTAY!? KAUSAP KO NA NGA DIBA!? MAUPO KA LANG DYAN!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Charlotte at bahagya pang nailayo yung telepono sa tenga ko. Halatang nagsasagutan sila ng kausap nya kasi may sumisigaw rin na boses ng lalaki, pero na-touched naman ako kasi concern para sa'kin yung kaibigan nyang si Theo. Mukha lang syang masungit pero sa tingin ko naman ay mabait sya. "Pasensya na, dito kasi si Theodore dumiretso sa'kin kaya nakukunsumi na naman ako." "Ayos lang. Pakisabi nga pala sa kanya salamat sa paghatid ng pagkain, masarap yung mga luto nya."—'medyo overpriced lang', idudugtong ko sana. "No problem raw." Kinamusta pa nya ako ulit at tinanong kung ayos na ba talaga ako. Nagbilin rin sya sa kung anong dapat kung gawin para bumaba na yung lagnet ko, ganon rin yung sipon at ubo tsaka yung mga dapat kong inumin. Mataman naman akng nakikinig sa kanya dahil doktor sya, alam nya kung ano yung dapat at hindi dapat gawin isa pa ay sanay na akong binibilinan nya. "Noam..." Biglang tawag nya sa kalagitnaan ng tawanan namin. "Hmn?" "Gusto mo ba talaga si Morgan?" Natigilan ako pero saglit lang, tsaka natawa dahil sa tono ng boses nyang parang nadidismaya. "Oo naman, bakit mo naman naitanong?" Bumuntong hininga sya. "Wala naman. Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na magkakilala kayo and the worst is may relasyon pa kayo." Napayuko ako ng kaunti. "Ayaw mo ba sa'kin para sa kaibigan mo, Charlotte?" "Anong—syempre hindi ganon yon! Ang ibig kong sabihin eh ayaw ko si Morgan para sayo." Nagsalubong yung kilay ko sa pagtataka. "Huh? Para sa'kin?" "Oo." Hindi ba't parang baliktad? Si Morgan yung mas matagal na nyang kaibigan kaysa sa akin kaya bakit ayaw nya kay Morgan? Magkaaway ba talaga sila? "Alam kong iniisip mo na magkaaway kami pero hindi. Hindi kami magkaaway, Noam. Kaibigan ko sya pero kasi mas nag-aalala ako sayo." "Bakit naman? Mabait naman si Morgan at matino naman syang babae." "Hindi mo sya kilala." Ubod ng seryosong saad nya. "Siguro nga mabait sya...sayo, maganda yung mga ipinapakita nya sayo pero kasi hindi mo pa nakikita kung gaano kadelikadong tao si Morgan." Natahimik ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. "She's silent but deadly." Nagbabantang anya na ikinalunok ko. "Parang utot?" Saglit kaming natahimik pareho hanggang sa marinig ko syang magmura sa kabilang linya. "What the f*ck?" "B-bakit?" "Wala ka ba ibang maisip na salita? Sa lahat ng pwedeng pagkumparahan kay Morgan—sa utot pa talaga!" Bakas ang kunsomisyon sa boses nya kaya napakurap-kurap ako. "Eh ano ba dapat?" "Ang inaasahan kong sasabihin mo bulkan!" Singhal nya. "Bulkan, Noam, bulkan! Yung tahimik lang pero kahit anong oras ay nagbabantang sumabog! Gets mo, pare? Bulkan yon, bulkan!" "Ah, hindi ko naisip yun eh." Kinamot ko yung ulo ko habang natatawa rin. Totoo naman kasing hindi ko naisip yon, yun kasi unang pumasok sa utak ko. "Anak ka ng tinola, Noam! Akala ko ba teacher ka?!" "G-grabe ka naman. Wala namang kinalaman yung pagiging teacher ko ron, Charlotte." "Aish!" May ibinulong-bulong pa sya bago nagpaalam na ibaba yung tawag. Nangingiti ko naman na ibinaba yon. Ngunit kahit natapos na yung tawag ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala dahil sa mga sinabi nya, may tiwala ako sa kanilang pareho... ...pero mas may tiwala lang talaga ako kay Morgan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD