Chapter 9

4732 Words
(Third Person's POV) WALONG tao ang kasalukuyang umu-okupa sa mahabang mesa sa loob ng meeting room ng ilegal na organisasyon. Hindi pa sumisikat yung araw pero heto sila't gising na gising, ang tanging aantok-antok lang ay si Wesley na napilitan pang pumunta dahil si Nicholas mismo ang tumawag sa kanya. Pinangungunahan yon ni Vince na syang nakapwesto sa dulo ng mesa, magkakasunod naman na magkakatabi sina Nicholas, Wesley, Beau sa kanang bahagi ng mesa habang nasa kaliwa naman sina Morgan, JR, Chryseis at si Charlotte na hindi alam kung bakit sya nasama doon. Wala ni isang nagsasalita at tanging ingay lang ng malaking kahoy na ceiling fan ang tanging maririnig bukod sa mahihinang tapik ng daliri ni Vince sa mesa kaya naman ay kinuha na ni Charlotte ang oportunidad na iyon at nagtaas ng kamay, dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ng lahat. "Yes, Charlotte?" Tanong ni Vince. "Uh, huwag ka sanang ma-beastmode kuya Vince pero kasi bakit pati ako pinatawag mo?" Walang pakielam nyang kinamot yung ulo habang ang isang paa ay nakaangat sa sariling upuan na para bang nasa bahay lang. "I mean, nampotek hindi naman ako official member ng organisasyon. Normal filipino citizen lang ako." "I'm aware of that but we need your help today." Nanlaki yung mga mata nya. "Oh no, I don't do illegal stuffs!" "You'll do it later." "I'm not going to do it!" "Yes, you will. Now shut up and listen. I have an important thing to discuss." Maotoridad na utos nito kaya dali-daling nanahimik si Charlotte tsaka nagmamakaawang tumingin sa mga kaibigan Sinenyasan lang sya ni Chryseis na manahimik habang ngiwi at iling ang isinagot ni JR. Si Morgan naman ay tila wala sa sarili dahil nakayuko lang ito at nakatitig sa kung saan, wala namang pumapansin sa kanya dahil ang lahat ay nakatingin sa pinsan nyang nagsimulang magpaliwanag sa harapan kasabay ng pagpapakita ng mga blueprints at litrato ng target sa malaking screen sa likuran nya. "...Nicholas have recovered the list of all the branches of those child traffickers here in NCR. They are like the sub-units, scattered around the region for faster transactions. We are also informed that they are now running under the two leaders that came from London, one Asian and one Italian, both working in the same Mafia syndicate that was annihilated seventeen years ago—the Veratti Mafia." Natigilan sina JR, Chryseis at Charlotte tsaka hindi makapaniwalang tinitigan si Vince. "Isn't that the people who..." Nabitin yung sasabihin ni Chryseis nang madako yung tingin nya kay Morgan na ngayo'y nakapikit na. "Yes. It is." Sagot ni Vince sa tinutukoy ni Chryseis. "We all know that this Mafia family was already burried six feet under the f*ckin ground yet one of those traffickers claimed that the two leaders whose  handling them were working under this dead family." Bumaling sya kay JR. "And I'm pretty sure that you're handling the case related to this one, Liutenant Colonel." "I was assigned to capture those two anonymous leaders. Walang specific na information tungkol sa mga lintek na yon at iilang descriptions lang ang meron ako, though I have a list of the possible people that I'm looking for." Sagot ni JR. "We can help you looking for those people, mas marami, mas mabilis ang magiging paghahanap." Suhestyon ni Nicholas pero inilingan sya ni JR. "Salamat pero kailangan ako mismo ang gumawa dahil misyon ko yon and besides, the people on the list are from the entertainment industry. Mahihirapan kayong mag-undercover." Tumango-tango si Vince. "She's right. We don't have any people who can sneak up on show business, it'll be easy for JR to do it herself since her husband is a superstar." "Can we atleast have a copy of your list, Jhayrein? Para ma-check ko sa database yung background nila." Kinikilig na saad ni Beau habang nakahalumbaba sa mesa. "Tas pirmahan mo na rin, hehehe. Yung may heart." "Ayoko." Sabay nandidiri syang ngumiwi. "Tsaka tantanan mo nga ako, Beau. Nabibwiset ako sa pagmumukha mo." Bagsak ang balikat na sumimangot si Beau. "Bakit kapag sa babae ang lambing mo?" "Gusto mong lambingin kita ng sapak?" Maangas nitong anya na ikinabagsak lalo ng balikat ni Beau. Tumihim si Vince para kunin ulit yung atensyon nila. "So I assume that you'll be working alone on that part?" Tumango si JR. "Not basically alone, I have Chryseis on my side—not all the time tho, pero itong kupal na to ang mag-a-assist sakin." "We'll be working by your side too, Jhayrein." Singit ni Nicholas, lumitaw ang ngiti sa labi nya nang mapadako ang tingin sa kanya ng kausap. "We will not interfere on any of your movements, we'll just clean all of your traces from the bodies up to the location." "That's cool." Sipol ni Chryseis tsaka tinapik si JR sa balikat. "Oks good sakin yon, hindi ka mahihirapan maglinis." "Bakit tayo yung maglilinis ng kalat nila?!" Pagdadabog ni Wesley habang masama ang tingin kay Chryseis. "We're not your d*mn cleaners!" "Puro ka tantrums eh wala ka namang binatbat." Asar pabalik ng babae. "Anong sabi mo?!" "Oh, pass nga!" Sulsol ni JR habang nakalahad ang parehong palad sa dalawa, sabay na tinapik ng mga ito yung palad nya kaya napahalakhak sya. "Oh ano? Hanggang titigan lang? Hawakan na sa tenga!" Halos mag-usok na yung ilong ni Wesley sa inis dahil sa pang-aasar ni Chryseis na ginagatungan pa ni JR. Napapabuntong hininga naman silang pinanood ni Nicholas, hindi malaman kung sasawayin ba yung dalawa o hahayaan na mapagalitan ni Vince na hindi na maipinta yung pagmumukha. "Wala naman pala akong gagawin, pwede na ba akong umalis?" Singit ni Charlotte. Inirapan sya ni Wesley. "Oo, lumayas ka na wala kang silbi dito." "Wag mo kong hamunin, Wesley." Banta ni Charlotte habang masama ang tingin sa binata. "Kaya kong baliin lahat ng buto mo sa katawan!" "Ha! Kung kaya mo!" Nanghahamon netong anya. "Talaga! Painitin mo yung ulo kong h*yup ka at makikita mo kung paano ko pagpalitin ng pwesto yang bungo't talampakan mo!" Malakas na ibinagsak ni Vince ang kamay sa mesa dahilan para manahimik ang lahat. Masama ang tingin na bumaling sya kay Wesley na ngayo'y nagkakamot na ng ulo, nakahalukipkip naman si Charlotte habang minamasahe kunwari ni Chryseis ang balikat at binubulong-bulungan pa ma paran dinedemonyo ang kaibigan. Huminga sya ng malalim tsaka mariing pumikit bago muling nagsalita. "Morgan." Tawag nya sa pinsan na blanko lang syang binalingan ng tingin. "The plan." Ilang segundo muna ang lumipas bago ito tuluyang kumilos. Tinatamad syang umayos ng upo tsaka isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan. Dinampot nya yung maliit na remote para sa screen at pinindot yon para ilipat ang slide na naroon. "We have eight sub-units pretending to be a solitary syndicate inside NCR, two units down and six to go. The objectives—finish the men and take the leaders, they are needed alive for information gathering." Sinimulan nyang ituro isa-isa ang mga kasamahan. "Beau would be the eye for everyone. He'll watch our every work 24/7 and of course, he is in charge with technology sh*ts. Wesley is the bait. He'll be the one who will pull up some f*ckin strings and pose up as a buyer to make a fake transaction while Nicholas would be the one who will take note everything, from location up to the number of people that we need to kill, you'll also taking charge of the cleaning. "If the deal was closed and we got the right infos then it would be Jhayrein's turn." Baling nya sa kaibigan na matamang nakikinig. "You'll do all the physical work. Take whoever you need to take, leave the victims to the people of the organization. They will take care of them." Lumipat kay Chryseis yung atensyon nya. "And you will be the one who will monitor the shipments since you're always out of the f*ckin town." Sabay silip kay Charlotte. "Of course, Charlotte will play the doctor's role." "G*go ka ba?" Bira ni Charlotte. "Hindi ako doktor ng tao." "Yes, you are." "Baka nakakalimutan mong beterinarya ako? Hayop ang ginagamot ko hindi tao." "We're all f*ckin wild animals here, Charlotte." Makahulugan nitong sagot habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "And when I say that you'll be the doctor, be the doctor." Pinaningkitan sya ng mata ni Charlotte bago asar na pumalatak at tumingala. Walang nagawa kundi ang sumang-ayon dahil hindi nya rin naman kayang pabayaan yung mga kaibigan nya. "If JR succeeds in her assignment on getting those two anonymous leaders, we can finally get some information about the dead Mafia family. Her success is also our success, therefore we should do our best to execute this plan." Nagkatinginan silang magpinsan bago bumaling si Vince sa kanila. "Any questions?" Nagtaas ng kamay si Charlotte kaya bumuntong hininga ang lalake. "What is it, Charlotte?" "So all in all, lahat pala kami rito ay may roles, ganon ba?" "Yes." Tango ni Vince. Doon nalukot yung mukha ni Charlotte tsaka tumayo. "Eh anong gagawin ng lintek na to!?" Tukoy nya kay Morgan na tamad na tamad syang nilingon. "Nothing." Naglabas ng stick ng yosi si Morgan tsaka sisipol-sipol na sinindihan yon. "I'll do nothing." "N-nothing?! You can't just sit in a corner and watch us the whole time while we're working our ass off?! That's unfair!" Reklamo ni Beau. Kinunotan nya ng noo ang mga ito tsaka nagbuga ng usok. "I already filed a leave." "LEAVE?!" Sigaw ng lahat kasabay ng panlalaki ng mga mata nila sa gulat. "Yeah. A leave. One month leave." "I-isang... isang buwang bakasyon?!" Eksaheradong anya ni Wesley. "Kami nga ni absent hindi namin magawa tapos ikaw—isang buwan kang magli-leave?!" "I'm not even allowed to be late! I'm ordered to go here thirty minutes before the time tapos ikaw nag-file ka ng leave?" Dagdag pa ni Nicholas. "This is really unfair! I'm tracking everyone the whole day then inaabot pa ako ng overtime yet I can't even maximize my day-off! How can you do this to us, Morgan?!" Reklamo nanaman ni Beau. Muli syang nagkibit balikat bago sumandal sa kinauupuan, pumikit at tila ba may sariling mundo sa loob ng isip nya dahil wala syang ibang marinig. Ni hindi na nya pinansin kung paano sermonan at pagalitan ng pinsan nya ang nga ito dahil naglalakbay na yung utak nya sa kung saan. Natapos ang meeting nang hindi na sya nagsalita pang muli. Pinanood nya lang magsi-alisan ang mga kasamahan hanggang sa tumayo na rin si Beau, doon lang sya tumayo tsaka hinabol ang lalake. "Beau." Tawag nya sa kaibigan na agad namang lumingon. "Hmn?" Ibinuga muna nya yung usok bago nagsalita. "Check someone's background for me." Hindi iyon humihingi ng pabor o nagtatanong, diretso at pautos nyang sinabi iyon. Pinagtaasan sya nito ng kilay dala ng pagtataka pero hindi nya iyon pinansin. "His name is Noam Rivera." Pagpapatuloy nya. "A guy with a beautiful face. Pitch black eyes and hair, heart shaped face wearing round eyeglasses, small pointy nose, long lashes, semi thick brows, pinkish semi thin lips, natural blushing cheeks, skintone that is literally close to white, skinny and around the same height as mine. He's Linus' homeroom adviser." Walang hinto nyang sinabi yon habang hindi pa rin nagbabago yung ekspresyon ng mukha nya, nagdulot yon nang pagkakalukot ng mukha ni Beau dahil lalo syang nagtaka sa pinagsasabi nito. "Teka, gusto mong mag-background check ako sa adviser ng kapatid mo na male version ni Snowhite?" Pangungumpirma nya na tinanguan naman ni Morgan. "May I know why?" "No." Nagkamot ng ulo ang kausap. "Alam ba ni kuya Vince to—" "No." Sagot nyang muli bago pinatay yung sindi ng sigarilyo sa mismong mesa tsaka diretsong tinitigan sa mata ang lalake. "He don't know, he will not know and he doesn't need to know." Nag-aalala itong nilingon sya. "What do you mean by that, Morgan?" Humakbang sya patungo sa mismong tabi ni Beau at ipinatong ang isang kamay sa balikat nito tsaka lumapit sa tenga nito para bumulong. Makalipas ang ilang segundo ay natigilan ito tsaka sunod-sunod na napalunok matapos marinig yung ibinulong ni Morgan. Nagkatinginan silang dalawa. Maya-maya pa'y tumango ito sa kanya na para bang nauunawaan nito ang ibig nyang sabihin. "I'll send the file tonight." Hindi nagsalita si Morgan pero sapat na ang tingin nito bilang sagot. Pinanood nalang ni Beau kung paano sya nito tinalikuran at naglakad palayo. Bakas sa mukha nya ang kaba at pag-aalinlangan, ganon rin sa biglang pamamawis ng sentido't leeg nya kahit na balot ng lamig ang buong kwarto. Hindi naman sya pinagbantaan ni Morgan pero alam nya sa sariling mas nakakatakot yung ibinulong nito sa kanya. (Noam's POV) MALAKAS ang kulog at kidlat sa labas ng mansyon, walang humpay rin yung buhos ng ulan at tila humahampas sa bintana yung malakas na hangin. Madilim na ang gabi pero binibigyang liwanag yon ng kidlat. Bawat ingay ng kulog ay hindi ko ikinagugulat. I'm not even afraid of it, imbes na magtago sa ilalim ng kumot at piliting matulog ay narito ako sa mismong pinto ng balkonahe—nakatulala habang pinanonood kung gaano kalakas yung ulan. Mapait akong napangiti. Sana laging malakas ang ulan, sana laging may kidlat, sana laging may kulog para matabunan ng ingay ng kalikasan yung palahaw ko. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang marinig ko yung pagbukas ng pinto kaya napalingon ako doon. Dinamba ng kaba yung puso ko nang mapagtanto kung sino yung taong pumasok at ngayo'y naglakakad na palapit sakin. "Noam." Tawag nya sa pangalan ko. Pero hindi ako nakasagot at mas lalong hindi ako nakakilos. Nanlalamig at nanginginig, yun agad yung naging reaksyon ng katawan ko. Nabato ako sa kinatatayuan habang sya naman ay masuyo akong niyakap ng mahigpit, ang labi ay marahang naglalakbay sa panga't leeg ko habang ang isang kamay ay nilililis yung robang suot ko dahilan para dumausdos iyon pababa ng balikat ko. Hindi nagtagal ay bigla nalang humawak yung kamay nya sa buhok ko at hinila yun na nagpatingala sakin, sapat na para magtagpo yung mga mata namin. Nagsimula na akong manginig sa takot nang dumako ang isa pa nyang kamay sa leeg ko at dahan-dahang hinigpitan ang hawak doon. Isang mala-demonyong ngisi ang lumitaw sa labi nya tsaka binanggit ang mga salitang nagpainit sa sulok ng mga mata ko. "Let's play again, Noam." KAPOS ang hiningang nagmulat ako ng mga mata at tulad ng dati ay ang kisame ng tinutuluyan ko yung unang bumungad sakin. Mabilis akong umupo mula pagkakahiga tsaka inilibot ang paningin, sinisiguro kung gising na ba talaga ako. Matapos non ay sunod kong pinakiramdaman yung sarili ko. Nanginginig ako at nanlalamig tulad ng nasa panaginip ko, nangangatal yung mga labi ko, hindi malaman kung magsasalita ba ako o hindi. Tagaktak ang pawis at mabilis ang kabog ng puso, para akong tumakbo ng libong kilometro dahil para akong mamamatay sa paghahabol ng hininga. Mariin akong pumikit tsaka humawak sa dibdib ko. "Please... Just let me live normally..." Bandang huli ay nauwi ako sa pag-iyak habang yakap-yakap yung sarili ko. Iyak na nagsasawa, iyak na pagod at iyak na walang makarinig. 'Leaving it behind the dark doesn't mean you're completely forgetting it.' Lagi nalang ganito. Akala ko tapos na. Akala ko wala na, pero nandoon pa rin pala yung bangungot. Saglit lang syang nawala pero agad ring bumalik, kailan ba to matatapos? Gusto ko nalang mawala kasabay ng mga alaalang yon. "A-ayoko na... napapagod na ko..." Sinubukan kong pahirin yung luha ko pero nagtutuloy-tuloy pa rin yon kaya mas lalo akong napahagulgol. 'The time will come that you'll be able to face those memories you left in the dark without being afraid.' Yung mga katagang yon ang saglit na nagpahinto sakin pero yung mga luha ko patuloy sa pagdausdos pababa ng pisngi ko. Tila narinig ko yung boses nya sa isip ko, sapat na para kumalma ako ng kaunti. "When is that time, Morgan?" Bulong ko. *** "GOOD morning!" Pilit na ngiti lang ang naisagot ko kay Andrei nang batiin nya ko matapos kong bumaba ng jeep. Umakbay sya sakin habang nakakunot ang mga noo sa pagtataka. "Anong nangyare sayo, Noam? Mukhang masama yung gising mo ah." "Uh, medyo hindi lang ako nakatulog ng maayos." Pagpapalusot ko tsaka pasimpleng tinatanggal yung braso nya sa balikat ko. "Bakit? Ano bang nangyare?" Sasagot pa lang ako nang may kung sinong nagtanggal ng braso nya mula sa pagkaka-akbay sakin. "Oy! Ako naunang umakbay kay Noam!" Dinilaan sya ni Jethro. "Nobody cares." Tsaka sya naman ang umakbay sakin at nakangiting nilingon ako. "Good morning, Noam." "Good morning rin." "Nag-almusal ka na ba?" Kinurot nya yung pisngi ko. "Mukhang matamlay ka ngayon ah." "Oo naman kumain ako. Medyo kulang lang sa tulog." "Okay ka naman na nitong mga nakalipas na araw, ano bang nangyari?" Huminga ako ng malalim tsaka umiling-iling. Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam. Akala ko kasi kahit papaano ayos na ako dahil ilang gabi rin ang nagdaan na nakatulog ako ng mahimbing, kaso mukhang matagal pa talaga bago ako makakalimot sa lahat ng nangyari noon. "Hoyyy!" Sigaw ni Enzo mula sa malayo. "Hintayin nyo ko!" "Sh*t! Nandito na si pangit!" "Hoy! Narinig kita, Andrei!" Muling nagmura si Andrei bago nagsimulang tumakbo palayo, sinundan naman sya ni Enzo na binati kami bago kami tuluyang nilagpasan. Halos lahat ng estudyanteng nadadaanan namin ay natatawa sa kanila, may ibang napapangiwi at napapakunot ang noo pero lamang ang mga nangangantyaw. Napangiti nalang ako sa pagiging isip bata nila. Wala eh, ganyan talaga sila minsan. "They are acting like kids again." Natatawang anya ni Jethro bago ako binalingan. "Wag kang gagaya sa kanila, ah?" "Huh? Ako?" Natawa na rin ako. "Imposibleng mangyari yon." "Right. Kumpara sa dalawang yon, mas matured kang mag-isip." "Pero ikaw ang pinaka-matured mag-isip sa ating apat." Bumagal ng konti yung paglalakad nya kaya nilingon ko sya. Nakangiting nakatitig sya sakin habang hinihintay yung iba ko pang sasabihin. "Really?" "Hmn." "How come?" Saglit akong nag-isip. "Kasi ikaw yung laging nagsasaway sa kanila kapag nag-iisip bata nanaman sila, ikaw rin yung laging nagli-lead sa amin sa mga gawain at syempre ikaw yung pinaka-reasonable sa atin. Para ka ng kuya namin, ganon." Kita ko kung paano nangislap yung mga mata nya po hindi ko alam kung anong klaseng emosyon yung saglit na dumaan doon pero base sa pagkaka-angat ng sulok ng labi nya ay masasabi kong napapantastikuhan sya sa sinabi ko. "Kuya?" Mahina syang tumawa tsaka ginulo yung buhok ko. "Seryoso ka? Para akong 'kuya' para sayo?" "Oo, tapos ang tangkad mo pa." Inangat ko yung kamay ko tsaka inabot yung ulo nya. "Para kang kuya, na may dalawang makulit at isang mabait na kapatid." Tukoy ko saming tatlo nina Enzo at Andrei. "I can be more than that." Tuluyan akong nahinto sa paglalakad at nagtataka syang tiningnan. Ganon rin naman sya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. "Anong sabi mo?" "I said..." Lumapit sya ng kaunti tsaka hinawi yung bangs kong tumatabing ng kaunti sa mga mata ko. "...I can be more than just your older brother, Noam." Bahagyang umawang yung labi ko, hindi makapaniwala sa sinabi nyang iyon. Nawala rin yung pagiging cheerful nya at napalitan ng pagkaseryoso. Nakangiti pa rin sya pero tila ba iba na ang ibig sabihin sakin non, na para bang may gusto syang ipahiwatig na hindi ko malaman kung ano. Napansin ko rin yung pamumula ng tuktok ng mga tenga nya kaya alam kong nahihiya sya. Kaya humawak ako sa laylayan ng damit nya. Kita ko kung paano bumaba yung tingin nya ron bago muling bumalik ang paningin sa akin. "J-jethro... Ibig mong sabihin..." Lumunok sya tsaka dahan-dahang tumango. "Yeah, Noam." "Seryoso?" "You know what I mean." Sinapo ng isang kamay nya yung pisngi ko. "Yes, Noam. What you think is right." "K-kung ganon..." Namula yung buong mukha ko tsaka napahigpit ang hawak sa damit nya. "...gusto mong maging tatay namin nina Andrei at Enzo?" Bigla nalang syang naestatwa sa kinatatayuan nya, hindi sya gumalaw at ni hindi sya kumurap pero makalipas ang ilang segundo ay napuno na ng malakas nyang halakhak yung buong paligid dahilan para maagaw namin yung atensyon ng iba. "Anong nakakatawa ron?" "Ikaw, obviously." Nagsalubong yung mga kilay ko bago bumitaw sa damit nya. "Sabi mo 'you can be more than just an older brother', anong nakakatawa ron?" "Paano mo naman kasi naisip na gusto kong maging tatay-tatayan sa inyong tatlo nina Andrei at Enzo?" Tinakpan nya yung bibig nya para pigilan ang pagkawala ng tawa nya. "That's too funny." "Ano bang mas mataas sa pagiging kuya? Hindi ba tatay? Unless gusto mong maging nanay." "Are you thinking about us being a family or something?" "Magkakapatid lang." He chuckled. "If the four of us would really born as siblings then that could be a huge problem...magiging incest tayong dalawa..." "Ano?" Hindi ko narinig yung huling sinabi nya dahil sobrang hina. Pero imbis na sagutin yung tanong ko eh umiling lang sya. "Ah, I really love how naive you are on some other things." Sinapo nya yung magkabilang pisngi ko tsaka sinimulang ipit-ipitin yon ng palad nya. "I love everything about you, Noam. You can easily light up the mood with your simple minded ideas, making you the most special person in my eyes." "Special? Like, bestfriends?" Panghuhula ko na dahilan ng pagngiti nya. "A little bit more than that." Ah, super bestfriends siguro. Nginitian ko sya at hindi na sumagot kaya naman bumalik sya pagkaka-akbay sa balikat ko tsaka nagyayang bilisan ang lakad at yun nga ang ginawa namin. Nang makarating kami sa faculty ay kanya-kanya kami ng ayos ng mga gagamiting gamit bago naghiwalay ng daan patungo sa mga classrooms. Normal na gawain namin sa araw-araw bilang mga teachers, gaya ng nakasanayan ay sinalubong ako ng masasayang bati ng mga estudyante ko pero syempre hindi nawawala yung pagiging makulit nila. Kahit na ganon ay hindi ako nakakaramdam ng inis. Sa mga ganitong pagkakataon ay nakakalimutan ko ng panandalian yung mga problema ko. Nawawala saglit yung bigat na nararamdaman ko dahil sa mga batang to. Nakakainggit, kung sana lang talaga naranasan ko yung ganitong klase ng mga bagay... ang kaso ay hindi... Mabilis lang na lumipas ang oras, ni hindi ko namalayang lunch break na kung hindi pa ako sinabihan ng mga estudyante ko. "Siiir! Time na po!" Sinulyapan ko yung orasan sa dingding. "Hala oo nga, pasensya na." Ibinaba ko yung index cards sa mesa. "Sige na kumain na kayo." Halos magtatalon sila sa tuwa matapos kong sabihin yon. Nag-uunahan silang lumabas ng pinto habang ang iba sa kanila ay nagtutulakan pa, dahilan para mailing ako bago sumunod sa kanila. "Ano kayang ulam sa cafeteria ngayon?" Bulong ko nang may maalala ako bigla. "Si Morgan kaya kumain na? Malamang sa dun nanaman sya kakain sa restaurant na mahal ang presyo pero konti yung servings. Hindi pa pala kami nag-uusap mula kani—" Umiling-iling ako. "Bakit naman kami mag-uusap? Eh kailan lang kami nagkakilala." Ngumuso ako sa naisip kong yun. Bakit ba bigla ko nalang syang naaalala? Hindi naman kami ganon ka-close, medyo lang kasi ilang beses na kaming nagkikita at nagkakasama pero kahit na ganon ay wala naman akong dahilan para maging sobrang concern sa kanya. Friends lang kami—tama, friends lang kami. "Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napaka-pursigido nyang mahalikan ako." Namula yung pisngi ko sa kahihiyan kaya sinapo ko yun gamit ang dalawang palad, ramdam ko yung init non. Naalala ko yung bawat kilos nya. Lahat malumanay at marahan na para bang kailangan nyang mag-ingat sa bawat galaw nya, hindi ko rin alam kung sinasadya ba nyang maging sweet o sadyang ganon lang talaga sya. "Kiniss nya ko rito." Turo ko sa gilid ng labi ko. "Tsaka rito." Tapos dumapo yun sa noo ko bago ako nameywang. "Hinahawakan nya yung kamay ko, minsan naman sa bewang, inakbayan nya na rin ako tsaka hinawakan baba—lahat ng kilos nya, kahawig sa kilos ng lalaki." Mukhang natural sa kanya ang kumilos ng ganon, hindi ko tuloy alam kung mamangha ako o ano. "Hindi kaya... crush nya ko?" Biglang tanong ko sa sarili ko. Kasabay ng lalong pag-iinit ng mukha ko ay yung pagningning ng mga mata ko. Alam kong assuming ako pero kasi kung sakaling crush nya ko ay ito palang ang unang beses kaya naman ay hindi ko maiwasang matuwa at kiligin ng kaunti. Pero friends pa rin kami, walang magbabago ron. Nahinto ako bigla sa paglalakad nang salubungin ako ng mga estudyante mula sa advisory class ko. Nagtitilian sila at naghihiyawan habang kung ano-ano ang kinakantyaw. "Sir Noaaam~" Kaway ni Salazar bago ako hinatak sa kamay. "Tara sir! Sama ka sakin, daliii!" "T-teka, s-saan tayo pupunta?" "Basta sir, sumama ka nalang hehehe!" Wala akong nagawa kundi ang magpatianod nalang sa kanya, pati kasi yung iba nyang kaklase nakikitulak at hila sakin kaya hindi na ako tumutol pa. Dinala nila ako patungo sa parking lot kung nasaan nagkukumpulan rin ang iba pang estudyante. Naguguluhan akongtumingin kay Salazar pero nginisihan nya lang ako at nag-thumbs up pa. "SEEEEEEEER!" Sigaw ng pamilyar na boses habang tumatakbo palapit sakin. "L-linus?" Huminto sya sa harap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Namamaga yung mga mata nya na para bang kagagaling lang sa pag-iyak, pati ilong namumula at sumisinghot-singhot pa. "Sir Noam, magtapat ka nga sakin." Lumunok ako nang makitang naluluha na sya pero mababakasan ng pagkaseryoso ang mukha. "A-ano ba yon?" "Huwag kang magsisinungaling sakin, Sir." "Ano nga kasi?" Inilapit nya yung mukha nya sakin habang naniningkit ang mga mata. "Mag-jowa ba kayo ni ate Morgan?" "A-ano?" "Mag-jowa ba kayo ni ate Morgan?" Pag-uulit nya pa nung eksaktong sinabi nya. "Ano bang sinasabi mo dyan?" Gulat kong saad. "Hoy Linus! Tumabi ka nga dyan dahil kanina pa naghihintay yung bisita ni sir!" Saway ni Salazar. Imbes na tumabi gaya ng sabi ng kaibigan nya ay sya na mismo ang humila sakin. "Tabe mga panget!" Hawi nya sa mga estudyante. "Padaanin nyo kaming mga gwapo!" Napangiwi ako sa sinabi nyang yon pero hindi na ako nagkomento. Matapos ang walang kamatayang pakikopag-asaran ni Linus sa ibang estudyante habang dumaraan kami ay narating din namin sa wakas yung dulo. Gusto kong magsalita pero agad akong napipilan nang makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila. "A-anong..." Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dala ng pagtataka at pagkamangha. Nagkalat ang mga kalalakihang tila mga bodyguards dahil sa suot nitong itim na suit at may shades pa sa mata. Pare-parehong blanko ang ekspresyon ng mga mukha nila habang tuwid ang pagkakatayo, ang mga kamay ay nasa likuran, bahagyang nakataas ang noo at palinga-linga sa paligid na para bang nagbabantay. Ang dami ring mga itim na sasakyan sa paligid na sa tingin ko ay syang sinakyan ng mga ito, namumukod tangi yung pamilyar na motor sa gitna. May hindi kalakihang truck din sa gilid na ngayon ko lang rin nakita, pero hindi yun yung talagang nagpanganga sakin. "Hello, Noam." Bulong ng kung sino mula sa likuran ko kaya agad akong napaikot para lingunin yon. Ni hindi ko namalayang nasa likuran ko pala sya nakatayo. Ang parehong kamay ay nasa bulsa ng jacket na suot habang ang ulo ay nakatabingi, ayan nanaman yung tingin nyang tila maraming sinasabi. Isang maling tulak at lalapat yung labi namin as isa't isa dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin, dahil doon ay nagtilian yung mga estudyante na ikinapula ko. "M-morgan." Atras ko. "Surprise." Walang kagana-gana nyang anya na sinamahan pa ng pag-angat ng mga kamay na para bang sinusubukan nya akong gulatin. "Sinusubukan mo ba akong gulatin?" Tumango sya. "Are you shock?" Napanganga ako. Sinong magugulat doon? Tamad na tamad yung tono ng boses nya, mas nagulat pa ako doon sa pagkakalapit ng mukha namin kanina. "Hindi." Pag-amin ko tsaka itinuro yung mga yon. "Pero doon? Oo." Lumingon rin sya ron sabay kunot ng noo na para bang hindi nya maunawaan yung sinabi ko. "What's surprising with that?" Bahagya akong lumapit sa kanya para humawak sa manggas ng jacket nya, nilapit ko yung mukha ko para bumulong habang sya naman ay matamang naghihintay ng sasabihin ko. "Sino ba sila?" Tukoy ko sa mga lalaking naka-suit. "They are my people." Umawang yung labi ko. "Have you forgot? My sister owns a security company." "Bakit sila nandito?" "To stop the crowd, I guess." "Eh ano yan?" Lihis ko ng turo sa gitna. "B-bakit... bakit ang daming bulaklak? Tsaka ano yang mesa na yan?" Yun yung tinutukoy kong nagpanganga sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD