FINALLY! Makalipas ng halos dalawang araw sa himpapawid ay lumapag na ang eroplanong sinakyan nina Patrick Niel at Whitney Pearl sa Ninoy International Airport. Kaso nakatulog ang huli kaya't nagdadalawang-isip ang binata kung gigisingin ba niya ito o hindi. Subalit sa bandang huli ay mas pinili ang unang option. "Leona, gising na." Alanganin niyang panggigising dito. Napahimbing naman kasi ang tulog nito. Patunay lamang na hindi nito namalayang napasandal na pala ito sa kaniya. Kaya nga nahihirapan siyang gisingin ito. Napalinga-linga nga siya upamg alamin kung marami pa ang mga kapwa nila pasahero sa naturang airbus at ganoon na lamang ang gulat niya dahil mangingilan-ilan na lamang silang naroroon. "Leona---Whitney, my dear, gising na." Pang-uulit niya saka bahagyang tinapik-tapi

