"TUMAWAG na ba ang asawa mo, apo ko?" tanong ni Grandpa Art sa apo na ikinasal ilang araw ang nakalipas. Kaso muling nagkahiwalay kahit pa sa tawag ng tungkulin. "Wala pa po, Grandpa. Ang huli niyang message ay iyong papunta sila ng airport bound to Baghdad---" Subalit bago pa matapos ni Patrick Niel ang pananalita ay biglang sumulpot ang abuela at nagwika. "Ibig mong sabihin ay deployed siya at sa Iraq? Maari bang piliin ngayon kung saan mapunta?" seryoso nitong saad kaso napangiti sa muling bahagi ng pahayag. "Kidding aside, apo ko. Mukhang hindi ka mapakali. Kung hindi pa siya nakatawag sa iyo ay lumipat ka sa kabila o sa mga biyanan mo. Doon ka sa kanila makibalita kung kumusta na ba ang asawa mo," agad nitong wika. Maaring iniisip nitong may masabi siya dahil sa pagngiti nito. Ka

