"SIGURADO ka bang okay ka lang, Madam Aguillar? Aba'y kung kailan nandito tayo sa Los Angeles ay saka ka naman mukhang bumigay," pukaw ni William sa superior nila na halatang namumutla. Sabagay, simula napadpad sila sa Gitnang Silangan ay pawang karahasan na yata ang kanilang naranasan. Wala nga silang naayos na tulog at kain. Kaya't hindi na rin nakapagtataka kung bumigay ang katawan ng amo nila. "Kayo na rin ang nagsabing nandito na tayo sa Los Angeles. Pagod at puyat ito. Pagdating ko sa bahay at maitulog ko ng ilang araw ay magiging okay na," pahayag ni Whitney. Subalit sa pagkaalala sa huling bahagi ng binitawan niyang salita ay napahagikhik siya. Hindi nga siya sanay na walang pinagkakaabalahan. Iyon pa kayang matulog ng ilang araw? Impossible iyon sa kaniya. "Seriously, Madam.

