"GRILS, bangun na upang makapaglinis na." Dinig ni Whitney na wika ng poncio pilatong wala siyang balak alamin. Pero hindi siya kumibo dahil kahit hindi ito sabihin o kahit walang mag-utos sa kaniya ay alam niya ang kaniyang trabaho. At isa pa hindi na niya trabaho ang pagsilbihan ang kapwa niya cleaner. Anak mayaman siya pero pagdating sa trabaho ay hindi siya nakaasa sa mga katulong. Lalo at independent woman naman siya. Sa Los Angeles siya nanirahan halos buong buhay niya. Kaso! "Ang sabi ko ay bumangon na kayo riyan at maglinis na hindi ang magtago sa kumot ninyo!" sigaw nitong muli saka hinila ang kumot niya. Hah! Wala pang nakagawa sa kaniya sa bagay na iyon! Alam niya ang buhay mayroon ang mga kasambahay sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil mayroon naman siyang sar

