FEW days later... Napag-isip-isip ni Patrick Niel na tama nga naman ang mga biyanan niyang matalik ding kaibigan ng Daddy niya. Asawa na niya ang napakagandang-Leona. Ngunit dahil iyon sa manipulation ng mga parents nila. At mas mararamdaman nito na seryoso siya sa pakikipaglapit dito kung siya mismo ang gagawa ng hakbang. Kaya naman sa ilang araw niyang pagmumuni-muni ay nagtungo siya sa tahanan ng mga Harden. "Walang problema, Tito Ninong, Tita Ninang. Susundan ko po siya sa Ilocos Sur," aniya ng napag-alaman niyang nasa probinsiya ito. Well, malapit na iyon sa pinagmulang lugar ng Mommy niya. Minuto na lamang din ang Sta Maria at San Vicente. At isa pa ay private car naman ang gagamitin niya. Kaya't madali rin lang ang biyahe para sa kaniya. "Nice to hear that from you, anak. Pero

