KYLIE POV Naiyak ako. Malakas pa ang loob ko at nananalig pa rin ako na magagawang maka survive ng mama konsa ganitong klase ng sakit. At nang marinig ko ito sa step dad ko, tagos na tagos sa puso ko ang sakit. "I understand your feelings at maaaring masasakit ang mga salitang narinig mo sa akin. I may not be a doctor but even them will say the same thing. But they dont want to say that kasi ayaw ka rin nilang masaktan. The bottom line is, kung ako ang nasa kinalalagyan mo, tatanggapin ko na lang din ang katotohanan na mangyayari talaga ang bagay na hindi mo inaasahan. Practically speaking, the more na tumagal ang mama mo sa hospital, the more din na tataas ang medical bills ninyo. So now, let me ask you this question, paano kapag umabot na nang daang libo ang hospital bills ng mama

