KYLIE POV Sa dinami rami ng mga bisitang dumating dito sa lamay, si Evan talaga ang hindi ko inaasahan sa lahat. I excused myself sa mga naging kausap ko at lumapit ako sa kaniya. Before he sets foot on this chapel, ako na mismo ang humarang sa kaniya. Alam kong may pinag dadaanan din siya ngayon pero wala siyang karapatan na pumunta rito sa loob. "Anong ginagawa mo rito ha!?" pabulong na pagalit ko pang tanong sa kaniya. "Sorry, alam kong hindi ako welcome rito pero gusto lang kitang damayan sa problema mo. Look, we are just on the same boat at sino ba ang mag tutulungan dito kung hindi tayong dalawa lang. Am I right?" Lumapit sa akin si Jen at si Lira. "Sis hayaan mo na! Ibaon niyo na sa limot ang lahat ng mga mali niyong nakaraan." "Tama si Jen," pag sang ayon ni Lira, "Please

