ELIAS Nakapaninibago. Panibagong pakisama. Iba't ibang uri ng tao na dapat kong pakibagayan. Tulad ng sabi ni Mrs. Madrigal, pagsapit ng 12:25 lumabas na ako sa aking tinitirhan at naglakas papuntang mansyon. Bigla na lang may tumawag sa'kin kaya napalingon ako. Isang lalaki nakasuot ng uniform ng guard ang tumawag sa'kin. Halos kaidaran ko lang ito o matanda lng ako sa kanya ng ilang taon. "Pare, ako nga pala si Caloy." Nakipagkamay ako sa kanya. Parang narinig ko na ang pangalan n'ya eh. "Elias, pre," sagot ko sa kanya. "Ikaw ba ang tinutukoy ng nobya ko bagong driver ni Ma'am Addie? " Nobya? Oh, si Mayang pala. S'ya pala ang tinutukoy niya kanina. " Oo pre. Ikaw saan ka may duty? Wala ka doon sa gate kanina eh." Umiling ito. " Doon ako nakaronda sa kabilang daanan ng mga prod

