ADELINE "I'm gonna miss you sleeping next to me, langga," malungkot kong sabi habang papasok kami sa loob ng Hacienda Madrigal. Kinuha ni Elias ang aking kamay at mabilis na hinalikan. "Ako rin, langga. Palagi pa rin naman tayong magkasama eh. Tsaka pagkatapos mo sa iyong opisina balik lakbay probinsya na naman tayo." Pang aalo ni Elias sa akin kaya napatango na lang ako kahit nakanguso pa rin. "Palagi mo lang tandaan na mahal kita, Addie, okay?" Napangiti ako ng malapad. "Mahal na mahal din kita, langga." "Good. Now, keep that smile, langga. We are here." Hininto ni Elias ang sasakyan sa driveway at lumabas para pagbuksan ako ng pintuan. He squeeze my hand before he step back and let me step out of the vehicle. Elias looks impassive now. I mentally sighed. We are back in the reality

