Chapter 1

1118 Words
Hi GUYS.  THIS story is already in PAY TO READ program of DREAME. :) It's up to you if you will continue reading. Pero may FREE to READ po ako just do click my profile in click LIGHT and THUNDER paraiso po. ")  At sa mga 'di pa naka-follow can you please follow me ho. :) MARAAAMING MARAMING SALAMAT CHAPTER 1 Alexa POV "Sabi ko sa 'yo mananalo sila, e," excited na sigaw ni Grace sa akin habang nanonood kami ng final game ni Miguel Forth Ysmael sa channel 65. Tatawa tawa akong tiningnan ang kaibigan ko saka ibinalik ang tingin ko sa tv sceen. Nandoon pa rin si Forth at kasalukuyang iniinterview. Hinirang na naman s'yang Most Valuable Player. Talaga namang magaling s'ya sa basketball kahit noon. "Magaling naman talaga siya," tugon ko kay Grace. Nakasalampak kaming dalawa dito sa couch at namamapak ng Doritos. "No wonder you like him so much. High school pa lamang tayo ay patay na patay ka na sa kanya," tukso n'ya sa akin. Binelatan ko s'ya. Totoo naman ang sinabi n'ya. Matagal ko ng gusto si Forth. Nasa sekondarya pa lang kami ay sobrang crush ko na s'ya hanggang naging first love ko na. Kaya lang, hindi n'ya alam. Gusto kong matawa sa kasawian ko. Mukhang wala akong pag-asa sa sinisinta ko. Bukod kay Grace, wala ng ibang nakakaalam ng tungkol dito. "By the way, Lex -- did Anna contact you?" Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong meron?" Nilunok muna nito ang isinubong Doritos saka muling nagsalita. " She's getting married. Balak pa nga tayong kuning bridesmaid sa kasal n'ya eh." Natatandaan ko si Anna. Isa s'ya sa mga nakakagusto noon kay Forth. Pero katulad ng iba, lumipas din ang paghanga nila. Ako lang naman talaga ang tanga na hanggang ngayon ay umaasa na magugustuhan n'ya ako. Ni hindi ko nga alam kung natatandaan pa n'ya ako. Isa pa, nakakalungkot isipin na bridesmaid na naman ako. Kailan kaya darating ang panahon na ako naman ang bride? "Mabuti pa sila ikakasal na," mahinang sabi ni Grace na hindi nakaligtas sa pandinig ko. "Hmm.." "Tayo kaya, Lex? Kailan kaya natin mararanasan 'yan?" Ang kanina lang na masiglang boses n'ya ay may bahid na ng kalungkutan ngayon. Kailan nga ba kami ikakasal? Ni wala pa nga kaming nobyo, kasal agad? Sa ngayon siguro ay talagang bridesmaid ang papel namin sa buhay. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagbiro. "Hay naku! Bata pa tayo, Grasya. Hindi naman natin kailangan magmadali pa. Besides, marami pang darating sa atin." "Maraming darating para saktan tayo kamo," lukot ang mukha nito at halatang dismayado sa estado ng lovelife nya. "Loka-loka! Hindi ganoon. May mga nakalaan talaga para sa atin. Malay natin, bukas o makalawa, makikilala na natin sila. Kaysa naman magmadali tayo, tapos masama na ang ugali ay pangit pa! Ew." "Nakakaloka ka! Masama na ang ugali tapos pangit pa? Sa tagal ng hinintay ko tapos ang ending -- ganoon lang," pinaikot pa nito ang mga mata Dramatic talaga si Grace kahit kailan. "Tsaka oo, may nakalaan talaga para sa atin.. lalo na sa iyo," inginuso nito ang tv at ang nasa screen ay walang iba kundi si Forth. Kapwa sila tumahimik sa sunod na tanong ng showbiz reporter na si Delilah kay Forth. "Marami ang nagtatanong kung single ba si, Mr. Miguel Forth Ysmael?" Nagkatinginan kami at hinintay ang isasagot n'ya. Napatawa ang sikat na basketbolista at tumingin sa bandang kaliwa nito. Kasunod ng pagtingin n'ya ay ang pag-flash ng camera sa napakagandang babae na nakatingin rin sa binata. Napakunot noo ako at nang tingnan ko si Grace ay parehas kami ng ekspresyon sa mukha. "She is Chelsea! The girl that I'm courting right now," Forth answered without hesitation to Delilah's question. "Patayin na nga natin 'yan baka siya pa ang mapatay ko!" Tumayo Grace kasabay ang pag-pindot sa off button ng sariling TV nito. Sinundan ko s'ya papuntang kusina. Maliit lang ito at kulay green pa. Ewan ko ba dito at imbes na puti na makakapagpalaki ng tingin sa space n'ya ay ginawa pang berde. Lalo tuloy lumiit -- dumilim pa! Pero sabagay, paborito n'ya kasi ang kulay na ito at isa pa -- bahay n'ya ito kaya s'ya ang masusunod. "Ano problema mo?" Kahit na ang totoo alam ko ang ine-emote ng kaibigan ko ay tinanong ko pa rin s'ya. Mabuti na yung may kumpirmasyon para hindi nanghuhula. Siguradong tungkol ito sa pag-amin ni Forth na nililigawan nito si Chelsea. Pasado alas nuwebe na ng makauwi ako sa apartment ko. Kahit sobrang pagod ko ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang interiew ni Forth kanina. Talagang inamin na n'ya sa publiko kung sino ang nakabihag sa kanyang puso at ngayon ay nililigawan na. Bumangon ako saglit at binuksan ang drawer. Kinuha ko mula dito ang isang lumang photo album. May isang litrato dito noong high school kami na nagpapaalala sa akin kung kailan ko natuklasan na may nobya na si Forth. Tuwing makikita ko 'yon ay nanunumbalik ang sakit na parang kahapon lang nangyari. Natigil ang pagbabalik ala-ala ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay si Grace pala. "Guess what Lexi," excited na sabi n'ya sa akin. "Do I have to guess it or sasabihin mo na?" "Si Chelsea 'yong pinakilala ni Forth na nililigawan niya. Guess what?" Napatuwid ako ng upo sa sinabi n'ya tungkol sa babae na kinaiinggitan ko ngayon. "What about her?" Kilala ko si Grace at walang sablay ito sa pagkuha ng impormasyon basta interesado. Isa pa, alam kong ginagawa n'ya ito para sa akin. Bestfriend n'ya ako eh. "Pinsan lang naman siya ng gago kong ex na si Marlou!" "Laking tate kaya 'di ko gaanong kilala. Nalaman ko lang kanina when I stalked Marlou online. And then, nakita kong may pa-welcome party sa kan'ya -- kasama n'ya si Forth. Nakaramdam ako ulit ng kirot sa dibdib ng marinig ang pangalan ng dalawa. Kung pwede lang mamili ng mamahalin ay namili na ako. Bakit ko naman kasi parurusahan ang sarili ko at maghihintay ng ganito katagal kung meron namang iba? Kaso ang pesteng puso ko -- si Forth lang ang kilala. "But, don't worry! Since magpinsan sila ni Marlou, may pagkakataon na tayong malapitan si Forth, Lexi." "Ayos lang Grasya. Tulad nga ng sinabi ko kanina, nililigawan pa lang naman n'ya. In short, pwede pang maagaw." Hindi ko napigilan ang tawa sa sinabi ko. Matabil din ang dila ko minsan pero hindi ibig sabihin na gagawin ko talaga. Napatawa na rin s'ya sa sinabi ko at kahit konti ay nabawasan ang sakit. The sad reality is, Chelsea is in the picture. At hangga't nasa paligid s'ya, hindi ako tatapunan ni tingin ni Forth. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD