NILINGON ko si mama at papa ganoon din si Grace at Chester bago ko sinagot ang tanong sa akin ni Forth. "Be my wife, Alexa," ulit nitong untag sa akin. Hindi ko namalayan ang tuluyang pagbagsakan ng butil ng luha sa pisngi ko sunod-sunod na tumango sa tanong niya. "Oo, Forth. Pakakasalan kita! Pakakasalan kita, Forth." Ramdam ko ang pisngi kong basang-basa ng luha nang tuluyan itong kumuwala sa masayang damdaming nararamdaman ko ng tanungin ako ni Forth sa tanong na matagal ko ng hinihintay mula pa noon. Ang pakasalan siya ay ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko't hindi ko hahayaang palampasin kahit na ano pa ang mangyayari. Tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit kasunod ng paglagay ng singsing sa daliri ko. "Parang sinukat lang Ma, Pa," baling nito sa mga magulang ko nang tul
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


