ALEXA | 21 "G-good for you!" sabi ko sa kaniyang pinigilan ang siyang lungkot sa boses ko. Inaasahan ko na ang siyang bagay na ito. Ang hindi ko lang siguro napaghandaan ay ang ganito kaaga. "Are you happy?" tanong sa akin ni Forth. Masaya nga ba ako? Hindi ko rin alam. Kahit pa siguro ang isiping masaya siya dahil nagkaroon na ng kasagutan ang pag-ibig niya sa babaeng tunay nitong mahal, wala na akong magagawa pa. Hindi ko rin maipapakita, hindi ko rin naman maipapaliwanag sa kaniya. "Biglaan nga pagsagot niya sa akin kanina, e." Pinakinggan ko lang siya. Sa tingin ko masaya naman ito na wala akong dapat ipangamba--- sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao, kailangan mong maging masaya kong saan din siya magiging masaya. "Hindi naman kailangan patagalin ang panliligaw, dahil para sa

