ALEXA POV TULAD nga ng sinabi ni Forth dumaan muna kami sa isang fast food chain para mag-order ng makakain. Nagpasya nalang itong sa sasakyan nalang kakain. Pasado ala-una na rin kasi ng hapon medyo late na baka abutin lang kami ng gabi sa daan sayang naman ang plano namin mag-strol sa Tagaytay kung hindi lang din namin ma-e-enjoy ang lugar. "Sayang hindi natin maaabutan ang fog," sabi nito. "Maaga naman kasi nagkakaroon ng fog sa Tagaytay," natatawa kong tugon sa kaniya. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho. "Gusto mo na kumain?" alok ko kay Forth. "Subuan mo ako." Nabigla ako sa naging tugon nito sa akin. "H'wag ka ng mahiya," aniya pa. "Loko ka rin 'no!" natatawa kong biro ko sa kaniya. "Bakit ayaw mo? Nahihiya ka ba?" natatawang tanong pa. Hindi ko siya pinansin. Nilabas ko mula sa

