CHAPTER 13 FORTH POV HININTAY kong makalabas si Alexa mula sa trabaho niya bago ako nagpasyang umuwi. Gusto kong ihatid ito sa kanila since along the way din naman ako. Nauna nang umuwi ang mga pinsan ko matapos ng ilang bagay na pinag-usapan namin kasama si Douglas. "Alexa!" tawag ko sa pangalan niya nang makita ko siya sa lobby. Kulang-kulang trenta minuto ko rin siyang hinintay matapos itong lumabas. "Forth?" nagtataka niyang tawag sa pangalan ko. Nginitian ko siya alam kong hindi niya inaasahan ang siyang presensiya ko ngayon. Luminga-linga ito sa paligid. "Hindi ka pa umuuwi?" "Nope. Hinintay talaga kita," "At bakit naman? May problema ba?" Pinauna ko siya sa paglalakad praying na sana wala itong dalang sasakyan sa ngayon. Para naman hindi masayang ang siyang paghihintay ko s

