CHAPTER 38 ALEXA POV HINDI ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para makauwi. Pasado alas-dyes na rin ng gabi--- kung hindi pa ako pinagsabihan ng caretaker sa opisina wala pa talaga akong balak umuwi. Hindi ko rin alam kung bakit ano'ng nangyayari, siguro may kinalaman pa rin dito ang siyang pag-uusap namin ni Chelsea, maging ang pag-uusap namin ni Forth. Napasinghap ako sa mga naisip. Hindi ko na nakuhang kumain pa, mailap sa akin ang gutom at antok ngayon--- pakiramdam ko ubos na ubos ako. Gusto kong umiyak pero wala man lang akong luhang mailabas mula sa mga mata ko. Masama pa rin talaga ang loob ko. Hiniga ko ang katawan ko sa malambot kong kama--- naisip ko mabuti pa noon; normal lang ang buhay ko, papasok, uuwi, magpapahinga. Pero ngayon pakiramdam ko napakaraming nagbabago me

