CHAPTER 40 FORTH POV WALA pa ring malay si Alexa--- dinama ko ang nuo nito, hindi pa rin bumababa ang siyang lagnat nito mainit pa rin siya. Hindi ko na nakuhang dalhin siya sa hospital, ayon kay Japet sa clinic ko nalang muna siya dalhin. "Kumusta siya?" tanong sa akin ni Japet nang pumasok ito. Nasa pribadong maliit kasi kaming silid ng clinic--- katatapos lang din i-check ang temperatura ni Alexa. Nasa 39° pa rin ang lagnat nito. "Ano ba nangyari?" tanong ko kay Japet. Nagkibit-balikat lang itong tinuon ang tingin kay Alexa. "Hindi ba ikaw kong tanungin niyan, Forth? Ano ba ang nangyari?" balik tanong nito sa akin na labis kong pinagtataka. "Pumunta kahapon si Chelsea rito--- kinausap niya si Alexa! Hindi ko alam ang pinag-usapan nila. Pero after that parang nanghina na si Alex

