CHAPTER 27 ALEXA POV "GOODMORNING Ms. Gomez. May nagpapabigay sa'yo," bungad sa akin ng isa sa receptionisg sa condo na tinitirhan ko. Kakaakyat ko lang kasi dahil bumili ako ng makakain ko sa labas. Linggo ngayon kaya buong bahay akong nasa unit ko. "Kanino raw galing?" nagtataka kong tanong. "Walang pasabi, pero nasa loob po yata ng paper bag Ms. Gomez," anito. "Salamat," aniya ko sa kaniya. Nanatiling nakakunot-nuo ako dahil sa isang box ng hindi ko alam ang siyang laman. Bumalik na ako sa loob--- para na rin tingnan ang siyang laman. Nagtataka pa rin kasi at wala naman akong inaasahan ngayon na matatanggap. Maingat kong sinirado ang pinto ko. Para tingnan na rin kung ano ang laman ng box maging kung kanino ito galing. Isang maliit na box at isang card ang siyang naroon. Binas

