CHAPTER 35 FORTH POV "STAY away from me, Forth! That's Chelsea, wants.." Naririnig ko pang huling sabi sa akin ni Alexa--- bago nito pinatay ang tawag ko sa kaniya. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya nasabi iyon, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon hingin ang paliwanag niya sa akin. Alam kong gagawin iyon ni Chelsea--- na magagawa nitong puntahan si Alexa para sabihin ang mga bagay na iyon. Hindi ko lang inaasahan na gagawin ito ni Alexa, wala sa sariling napasabunot ako sa sarili kong buhok. Alexa wants me to stay away from here because of Chelsea--- ang labo niya, napakalabo niya. I have a lot of plans for us, pero ganoon na lang kadali para sa kaniya kalimutan ang lahat dahil lang sa kahilingan ng isang babaeng bahagi ng buhay ko ngayon. "Ang labo mo, Alexa! Ang labo-l

