Isang boses ang nagpatigil kay Lord Martin sa kaniyang ginawa, dahilan kung bakit binitiwan niya si Nathalie at agad naman nitong inayos ang kaniyang vest na tumabingi dahil sa pagkabuhat kay Nathalie. “Hiro, di ka ba marunong kumatok?” pagsayaw ni Martin sa kaniya at ngumiti lang ito. “My Lord, napaka-gandang dilag naman niyan siya ba kanina ang hinarang sa pintuan ng building?” tanong nito sa kaniyang panginoon at tumango lang si Lord Martin habang unti-unting tumayo si Nathalie muna sa lamesa. Inayos nito ang kaniyang damit at pencil cut na palda, tinali ang kaniyang buhok dahil nagulo ang pagkaka-ayos sa ginawa sa kaniya ni Martin. “Salamat” tanging sagot nito kay Hiro. Huminga ng malalim si Lord Martin bago nagsalita. “Hiro Cruz” pagkarinig ni Hiro ng kaniyang napaka tamis na pan

