"Ma,nasan na yung plantsa sa buhok?"tanong ko habang hinahanap ito
"Bakit?magpaplantsa ka na ng buhok?"gulat na tanong niya.
"Hindi ma pahiram daw si ate sab nasira daw ksi yung kanya"
paliwanag ko habang naghahanap parin.
"Alam ko Nandyan lang yun"nag umpisa ng maghalungkatsi mama sa drawer.
Napatigil kami sa paghahanap ng makarinig kami ng katok kaya tumayo na ako at sumenyas kay mama na ako na ang magbubukas.
"Oh ate sab!"gulat na sabi ko ng sya ang makita ko pagbukas ko ng pinto.
"Ate sab nawawala po eh sensya na"dugtong ko
"Ah ganun ba?salamat nalang kailangan ko na kasi may event kasing pupuntahan yung aayusan ko bawal malate"sabi nya at ngumiti.
"Sensya na po ulit ah"paumanhin ko
"Ok lang sige manghihiram lang ako"sabay talikod at lakad palayo.
Sinarado ko na ang pinto at naglakad sabay upo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan
"Ma ,wag mo ng hanapin manghihiram nalang daw sya sa iba. kailangan nya kasi ngayon hindi na nya mahihintay saka nakakahiya ring paghintayin yung tao"sabi ko sa kanya.
"Ganun ba?"sabi nya at tumayo na
"Ma,bihis ka may pupuntahan tayo"sabi ko sabay tayo
"San tayo pupunta?"kunot noong tanong nya
"Basta,akong bahala"nakangiting sabi ko sa kanya sabay kindat
Napatigil ako ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko ng makita ko na si Cloey ang caller.
Sumenyas ako kay mama na mag asikaso na tinaas nya ang dalawang kamay nya at tumango tango habang binibigkas ang salitang ok na paulot ulit pero walang boses.
"Hi bessy! nakatanggap ka ba ng sulat galing school?"tanong nya kagad pag kasagot ko.
"Yup kahapon pa,sayo ngayon lang ba?"tanong ko at naglakad na papunta sa kwarto.
"Oo ngayon lang. ano pumayag ba si tita?"tanong nya.
"Oo"bored kong sagot sabay higa sa kama ko
"Talaga!?''excited na sabi nya
"Eh ikaw?"tanong ko sabay unan sa braso ko at tumingin sa kisame
"Yup you know naman si mommy supportive yun"excited nya paring sabi
"Aalis kami gusto mong sumama?"tanong ko habang nakatingin parin sa kisame
"Sure,saan ba?"
"Basta wag ka ng magtanong"walang kabuhay buhay kong sabi.
"Kailan ba?"
"Ngayon na"buntong hiningang sabi ko sabay tingin sa bintana
"Ngayon na!?"gulat na sabi nya
"Oo bakit may reklamo ka?"masungit na sabi ko sa kanya
"Ok,ok,ok pero teka bess parang wala ka sa mood ngayon ah kinulangan sa energy"puna nya sakin
"Ewan ko sayo bilisan mo ng kumilos iiwanan ka namin" pananakot ko
"Oo na oo na ito na nga eh bye see you later"
Nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame ng matapos na ang tawag
Tok!tok!tok
"El,tapos na ako aalis na ba tayo?"rinig kong tanong nya mula sa labas ng kawarto ko
"Hindi pa ma wait pa natin si Cloey sasama daw sya"sagot ko sa kanya
Bumangon na ako at nag asikaso na
Lumabas na ako sa kwarto ko sabay ng pagbukas ng pinto at pumasok c Cloey na hingal na hingal
"Oh bakit hingal na hingal ka?may humahabol ba sayo?"kunot noong tanong ni mama
"Hindi po tita tumakbo po kasi ako"paliwanag nya
"Buti nakahabol ka aalis na kami eh"pang aasar ko sa kanya
Naglakad na kami palabas at nilock ang bahay. Pumunta kami sa sakayan ng jeep at sumakay.
"Mall?"kunot noong tanong nilang dalawa
Hindi ko sila sinagot at naglakad na papasok naramdaman ko naman ang pagsunod nila sakin.
"Pumili kayo ng gusto nyo pero Cloey ikaw sa halagang 1000 lang "sabi ko habang namimili ng bibilhin
Nakapag ipon kasi ako ng 8000 gusto kong bilhan si mama ng gusto nya
"Wow mapera si ate"natatawang sabi ni Cloey
"Ngayon lang toh Cloey"sabi ko sa kanya
Pumunta ako sa bilihan ng gudget may nakita akong cellphone na relo
"Ate magkano po yun?"tanong ko sabay turo dun sa cellphone na relo
"Ah ito po ba ma'am?nasa 1,300 po"sagot nya
"Pwedeng patingin?"tanong ko kinuha naman nya ito at binigay sakin
"Ate ano pong laman nito?"tanong ko
"Parang cellphone po yan ma'am akina po"binigay ko naman ito sa kanya
Binuksan nya to at pinakita sakin ang mga laman parang cellphone nga kung anong meron sa cellphone meron din sya sinubukan ko naman lahat yun kung gumagana baka kasi mamaya design lang diba?
"Cge po ate kukunin ko na"sabay abot sa kanya
"Bess ako rin"sabat ni Cloey
"Ate pwede po bang itawad? 2 po kasi bibilhin ko kulang po sa badyet"tanong ko kay ate
"Ah sige po 2,500 nalang"nakangiting sabi nya
"Ate pwede po bang 2,400 nalang po sige na"nagmamakaawang sabi ko
"Ay ma'am di po pwede malulugi po kami"sabi nya
"Ganun po ba?sige wag nalang po"sabay talikod ko kay ate
"Wait ma'am!"pigil nya nung maglalakad nako lumingon naman ako sa kanya
"Cge na po ma'am 2,400 nalang"pekeng ngiting sabi nya
"Ok ,kukunin ko na"sabay labas ng perang pambayad
"Ma ikaw ?"tanong ko
"May cell phone na ako"sabi nya
Naghand spa at foot spa kami,nanood ng sine,nagshopping at namasyal sa park. Yung ang ginawa namin maghapon.
"Bessy uuwi na ako ah may gagawin pa kasi ako."sabi ni Cloey pagkababa namin sa jeep pauwi na kami
"El,dadaan ako palengke bibili ako ng lulutuin kaya mauna ka ng umuwi kaha mobang buhatin yan?magtricycle ka nalang"sabi sakin ni mama.
"Ok,ingat kayong dalawa"sabi ko
Tinulungan nila akong dalhin ang mga shopping bags sa tricycle pagsakay ko ng tricycle ay kumaway ako sa kanila ganun din sa kanila.
Pagbaba ko sa tricycle ay nagbayad na ako ,habang inaayos ko ang pagkakahawak ko sa shopping bags ay may huminto sa harap ko kaya na patingin ako sa kanila
"saan nakatira si Gabriell anderson?"tanong ng isang lalaking nasa unahan, 5 silang lahat at napansin ko na lahat sila nakaitim.
Napakunot noo ako sa tanong nya'anong kailangan nila kay papa?'
"Sino po?Gabriell po?hindi ko po alam"sagot ko at tinignan silang lahat at napansin ko ang tattoo ng lalaking kaharap ko may tattoo sya sa may right neck nya yung isa sa braso yung iba hindi ko alam kung meron din ba na baka nakatago lang
"May nakapagsabi na dito daw sya nakatira...talaga bang wala kang alam?"tanong nya.
"Hmmm ...Gabriell anderson Gabriell anderson"umarte ako na parang nag iisip, sila naman ay nakatingin sakin at nag aabang.
"Ah...si kuya Gab ,dati po syang nakatira dito pero simula po nung nakaraan hindi ko na po sya nakikita baka po lumipat na"sagot ko naman habang nakatingin sa kanila nagkatinginan naman sila napansin ko ang isang bagay na nakasuksuk sa tagiliran ng isang lalaki ng hawiin nya ang jacket nya at nilagay ang isang kamay nya sa bewang nya habang tumitingin sa paligid.
Parang baril yata?..Napansinsiguro ng isang kasama nya na nakatingin ako sa kasama nya kaya tinapik nito ang braso nito kaya natanggal ang kamay nitong nakalagay sa bewang tinignan nya ng masama ang tumapik sa kanya pero ng tumingin ito sakin kaya tumingin din sya sakin kaya tumingin din ako sa kanya.
Tinaasan nya ko ng kilay kaya tinaasan ko rin sya umiwas nalang ito ng tingin kaya inalis ko narin ang tingin ko sa kanya pero napansin ko ang isang kasamahan nila yung ung nagtanong sakin sa hindi kalayuan may kausap ito sa cellphone napatingin na man din ako sa isa pa nilang kasama na nakatayo malapit sakin habang naninigarilyo.Naglakad ako palapit sa kanya.
"Kuya masama ang manigarilyo"sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
Napatingin naman ito sakin at nakita nya akong nakatakip ng ilong napairap sya at tinapon ang sigarilyo
"Kailangan mo?"tanong nya at binulsa ang dalawang kamay nya
"May tanong lang po,ano pong kailangan nyo kay kuya Gab?kung gusto nyo po ako nalang po magsasabi"sabi ko sabay alis ang pagkakatakip sa ilong.
"Halina na kayo aalis na tayo"rinig kong sabi ng lalaking nagtanong sakin kanina.
"Wala ka na dun bata mas mabuti kung wala kang alam"pagkasabi nya sakin nun ay naglakad na sya papunta sa sasakyan nila at sumakay na naiwan ako ditong nakatingin sa sasakyan nilang paalis na.
Tutuloy......