Briar
Temptation? Lust? Sensuality? Hindi ko alam ang maaaring itawag dito sa nararamdaman ko. Basta sa tuwing malapit sa akin si Nikos ay malakas na kumakalabog itong dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at gusto ko siyang sunggaban.
Hindi ko naman masasabi na mahal ko siya dahil kailan lang kami nagkakilala. Basta, palagi akong uhaw at sabik sa kaniya.
I organized my aunt's up-coming wedding. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa lalaking mahal niya.
Nasimulan na rin ang bagong proyekto ng Treveno's Corporation. Maganda ang location ng pagtatayuan namin ng bagong hotels, kaya agad na sumang-ayon ang mga stockholders.
"Ma'am?"
Binaba ko ang hawak na vase at nilingon si Yaya na kapapasok lang dito sa kusina.
"Bakit po?"
Ngumiti siya at lumapit sa aking tabi.
"Sa makalawa pala ay birthday ng Tatay ko. Puwede ba akong umuwi kahit tatlong araw lang? Tatawagan ko si Ate Tina na samahan ka niya rito habang wala ako."
Mabilis akong umiling sabay taas ng kamay.
"Ano kaba, Yaya Liz. Matanda na ako para bantayan, atsaka nandiyan naman si Nikos kaya wala kang dapat ipag-alala."
Napatingin siya sa akin ng deretso. Natigilan ako at hindi ko na puwedeng bawiin ang sinabi.
"Sigurado po ba kayo na kayang ninyong mag-isa rito? Mawawala ako ng tatlong araw."
Muli kong binalik ang atensyon sa ginagawa.
"Oo nga po, Yaya. Walang problema, okay. Kahit umalis pa kayo ng isang linggo ay kaya ko ang sarili ko. Marunong naman ako magluto kaya hindi ako mamamatay sa gutom dito."
Ngumiti siya sabay siko sa akin. "Okay na po. Bago ako umalis ay mamimili ako ng maraming pagkain para nakahanda na ang lahat kapag gusto ninyong magluto."
Tumango ako sa kaniya sabay ngiti. Kinagat ko ang ibabang labi at pinasok isa-isa sa loob ng vase ang hawak kong mga bulaklak.
Kung mawawala ng tatlong araw si Yaya Liza ay maiiwan kaming dalawa dito ni Nikos. Maghapon at magdamag na magkasama sa bahay. Kumalabog ang dibdib ko.
Pagkatapos ko sa ginagawa ay lumabas ako sa garden upang magpahangin. Alas singko na ng hapon kaya hindi na mainit sa labas. Natigilan ako nang makita siyang nagdidilig ng halaman. Nakasuot ng kupasing short at t-shirt. Wala siyang suot na tsinilas kaya nagtagal ang mga mata ko sa haba ng kaniyang mga paa.
Ano bang iniisip ko? Pinilig ko ang ulo at dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Nang maramdaman niya ako ay gumilid siya sabay lingon sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. "Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa. Wala akong iuutos." Panimula ko.
Saglit siyang tumigil pero sinunod din ang sinabi ko. Tumayo ako malapit sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang ginagawa. Nang lumingon siya sa akin ay nag-iwas ako ng mga mata.
Nakakahiya itong ginagawa ko dahil ako mismo ang lumalapit sa kaniya.
"Sigurado po ba kayong walang ipag-uutos?"
Mabilis akong umiling. "Nope, just continue."
Binalik niya ulit ang atensyon sa pagdidilig ng halaman hanggang sa matapos. Lumapit siya sa akin at tumayo sa gilid ko.
"Maganda itong labas ng bahay ninyo Ma'am, dapat magtanim kayo ng puno diyan sa may gilid."
Napatango ako. Naisip ko rin ito para kapag mainit ang panahon ay natatakpan ang mga halaman.
"Naisip ko nga iyan, Nikos. It's good na nagsabi ka sa akin."
Binalingan ko siya, nahuli ko siyang ngumiti kaya iniwas niya ang paningin.
"Nikos?"
Napalingon siya sa akin. Deretso ko siyang tiningnan. Dapat masabi ko ito sa kaniya habang may lakas loob pa ako.
"Naniniwala kaba sa pag-ibig?"
Nakita kong lumunok siya. Gumalaw ang panga tapos kinagat ang ibabang labi.
"Oo naman po, Ma'am. Bakit mo naitanong iyan?" Nagkamot siya ng batok.
Muli akong nagtanong. "Kung ganoon, may nagugustuhan kana ba o may girlfriend na sa bayan ninyo?"
Mabilis siyang umiling.
"Wala po, Ma'am. Single po ako."
Lihim akong napangiti. Iwan ko ba kung bakit panay ang opo at po niya sa akin samantalang mas matanda naman siya sa akin. Baka nga mga pito o walong taon ang tanda niya sa akin eh.
Nang mapansin niyang hindi ako umimik ay siya naman ang nagtanong.
"Ikaw ba Ma'am, naniniwala ba kayo sa love?"
Matagal akong natigilan. Ngayon ay hindi ko na alam kung anong isasagot. Makapangyarihan lang ang pag-ibig dahil ito ang nagiging dahilan para dumami ang sangkatauhan. Pero may hangganan ang pag-ibig kaya hindi ako naniniwala.
"Hindi ko alam. Hindi kita masasagot." Kumalabog ang dibdib ko.
Hindi ako naniniwala sa love? Oo, hindi ako sigurado dito, pero kaya kong isakripisyo ang mga mahahalagang bagay para lang mapunuan ang mga patansya ko sa pag-ibig. Nakakalito at magulo pero ito ang nasa isip ko.
"Patawad pero gusto kong itanong 'to."
Binalingan ko siya at tiningnan.
"Magkaroon na ba kayo ng boyfriend noon?"
Ngumisi ako. "Ayaw ko ng commitment, Nikos. Maghihiwalay lang kami dahil wala akong oras. Nakita mo naman kung gaano ako ka busy sa trabaho."
Napatango siya. Muli akong ngumisi.
"Namulat ako sa Mundo ng business. I was fifteen when I stepped in to business. Nasa secondary school pa lang ako ay pinag-aaralan ko na kung paano ko patatakbuhin ang kompaniya ng mga magulang ko."
Tumikhim siya. "Nakakaproud pala kayo, Ma'am."
Kumunot ang aking noo. "Para sa iyo, iyan ang tingin mo?"
Tumango siya sa akin. "Oo. Sigurado akong proud sa iyo ang buong pamilya ni'yo, Ma'am."
Yumuko ako at tumingin sa mga paa. Hindi ko nga alam kung anong gusto ko sa buhay. Maaring interesado ako sa business pero iwan ko kung gusto ko ba talaga ito?
Muli ko siyang tiningnan at nginitian. Magandang lalaki talaga siya kaya hindi ko mapigilan itong sarili ko.
"Siya nga pala, mag-leave ng tatlong araw si Yaya Liza."
Tumango siya kaya nagulat ako.
"Nasabi niya sa akin, Ma'am."
Napanganga ako. Ang close nila ah.
"Ahm, sige, papasok na ako sa loob."
Hindi ko alam kung ngiti ang binigay niya sa akin na reaksyon. Agad akong tumalikod sa kaniya at pumasok sa loob.
Dumagundong ang dibdib ko. Nahiya ako kanina dahil parang pinaparating ko sa kaniya na aalis si Yaya at magsosolo kaming dalawa. Nakakahiya! Sana ay hindi niya binigyan ng masamang kahulugan.
MARAMING bilin si Yaya Liza sa akin nang paalis na ito. Hinatid ko siya sa labas at tinulungan sa mga dala niyang pasalubong para sa kaniyang pamilya.
"Mag-iingat kayo ha, kapag may problema agad kayong tumawag sa mansyon o kaya tawagan ninyo ako."
Napangiti ako. Para siyang second mother ko kung mag-alala sa akin.
"Opo, Madam Liza. Mag-iingat po ako. Dalawang araw ninyo na itong binibilin sa akin."
Pati si Kuya Carlos ay napangiti na rin sa amin. Maaga siyang pumunta rito dahil ihahatid niya si Yaya sa probinsya.
"Sige na Hija, aalis na ako."
Niyakap ko siya.
"Mag-iingat po kayo sa biyahe." Binalingan ko si Kuya Carlos. "Kuya, ikaw na ang bahala sa kaniya."
Nang makaalis sina Yaya Liza ay ngumiti ako ng matamis. Nilikod ko ang dalawang kamay at pinagkukurot ang mga daliri. Ngunit nang humarap ako sa bahay ay muntik na akong magulat. Nakatayo si Nikos sa harapan ng main door at nakatitig sa akin.
Kanina pa ba siya rito?
Kanina pa ba niya kami pinagmamasdan dito sa labas?
Tumingin ako sa kaniya ng deretso. Ganoon din siya sa akin na para bang isa akong anghel sa kaniyang paningin. Ngunit ng ngumiti siya sa akin ay tinanggay ako ng aking mga paa at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.
Sinalubong niya ko habang nakatitig sa akin. Nang isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa ay mabilis kong pinaikot ang mga bisig sa leeg niya. Siya naman ay hinapit ako sa baywang at sabay na nagsalubong ang mga labi namin.